CHLOE'S INBOX
Chloe’s Inbox – Things happen and life goes on
September 3, 2019
-


Hi DJ Chloe!
Masugid niyo po akong tagapakinig, lalo na po kapag Friday Classics. Please hide my identity na lang po. I’m 20 years old po, 4th year college. I was 3rd year high school when I first met her in our church. ‘Yung tipong love at first sight, then doon na nagsimula ang lahat. She asked for my name and I asked her too. In-add ko siya sa Facebook and then we became friends. Nagkaka-kuwentuhan na rin hindi lang sa social media pati na rin after ng worship service namin. Six (6) years na kaming magkaibigan pero hindi pa rin niya alam ‘yung feelings ko para sa kanya. Sobrang tagal kong pinag-isipan kung sasabihin ko ba sa kanya ang tunay kong feelings sa kanya. Iniisip ko rin kasi kung magtatapat ba ako ng feelings ko sa kanya eh tatanggapin ba niya? Or ito pa ang ikakasira ng friendship namin? Then last week, I told her through social media kasi hindi ko talaga masabi sa kanya ng harapan, kaya I took the chance na. Pero iyon na pala ‘yung wakas ng friendship namin, she told me na “let’ s just be friends”, pero nagbago na ang lahat, hindi na siya nagcha-chat, nagte-text at ‘di niya narin ako pinapansin tuwing magkikita kami. Ano po ba ang dapat kong gawin? Tama po ba ‘yung ginawa kong pagtatapat? Paano po magmove-on? Siya rin po kasi ‘yung first love ko. Thanks po.
Hi Kuya!
I can’t say na tama ang ginawa mong pag tatapat and I also can’t say na mali. Tama kasi mahirap din na pigilan ang nararamdaman, mali kasi nag end ang friendship niyo.
Kaya mahirap ma-fall sa kaibigan, you’re not sure if the feeling is mutual. If mutual, good. If not, you lost a friend.
How do you move on? Well, life goes on! Either you move on or not. Life will go on and it won’t wait for you. Don’t worry if she is your first love. In time you will meet your second love and eventually life will lead you to your last love.
Next time, tantyahin mo muna, pagfriends lang, friends lang talaga. ‘Wag ng maghangad pa ng iba.
-
COMMENTS















