Chloe's Inbox - Real men never thought of hurting women
X

CHLOE'S INBOX

Chloe’s Inbox – Real men never thought of hurting women

September 5, 2019

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---REAL-MEN-NEVER-THOUGHT-OF-HURTING-A-WOMAN

    Hi to my favorite DJ!

    DJ Chloe,

    Sana mapost po itong letter ko. I just want to read opinions and advices—positive o negative man to enlighten me and to relieve what I feel now. Please hide my identity po. Just call Ms. Dee.

    Wala na po atang mas sasakit pa pagnalaman mong PINAGPUSTAHAN ka lang pala. Yes po, pinagtripan, punagpustahan lang ako. I’ve been single for eight (8) years. Ayoko kasi mabroken ulit. OA man pero ito ang weakness ko. There’s a guy na makulit. Actually, friend ko. Kabatian lagi pagnagkikita pero iwas ako alam ko kasi may gusto sa’kin ‘tong taong ‘to.

    This guy is 10 years younger than me. 25 sya at ako 35. Sa mahigit dalawang taong panliligaw niya at pambabasted ko napasagot niya din ako. Nagtiwala ulit ako. Consistent kasi ang effort—hatid-sundo sa work. So, I didn’t expect na all his efforts are fake mapasagot lang ako (crying again). Lagi pa niya ako pinagluluto ng baon sa work at pangdinner namin. So sinong babae ba ang hindi mapapamahal? Sa three (3) months na naging kami sobrang happy ko sa pinapakita niya. Pati sa mga friends and family ko pinakita niya how sincere he is sa intension niya sa’kin. May tampuhan pero siya agad ang gagawa ng paraan para maging okay na kami. May time pa na nagtampo ako pumunta siya ng bahay na inabot ng 2am sa labas ng bahay para lang magkabati kami. Nakita ko mahal niya ako. That time sabi ko sa sarili ko mahal ko na nga talaga ‘tong lalakeng ‘to. I gave all my trust to him. Ganyan kasi ako. All out na once na nagtiwala ako. Araw-araw sinabi ko sa kanya mahal ko siya. Siya din naman daw mahal niya daw ako kaya nga nagtyaga siyang manligaw ng dalawang taon kasi mahal na mahal niya daw talaga ako.

    Until one day nagtaka ako. No text, no call, no chat. Nagworry ako, DJ Chloe. Ayaw sagutin ang tawag ko maghapon. I feel something na. Pag-out ko sa work ko pinuntahan ko siya sa bahay niya to ask what’s wrong or may nagawa ba ako. Nakatingin lang siya sa’kin at nagsorry. Ang sabi niya lang hindi na niya kaya pang magpanggap pa. Ouch!! Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Gustuhin ko man magalit o murahin siya hindi ko nagawa. Blangko ako. Shock sa narinig ko. Hindi ko makalimutan ang sinabi niya. Hindi niya talaga ako mahal. Nadala lang sa pambubuyo ng barkada at hirap na siyang magpanggap. Lahat ng pagmamakaawa ginawa ko para lang bawiin niya lahat ng sinabi niya noong gabing ‘yun. Kahit umiyak ako sa harap niya matigas pa din ang puso niya. Wala akong magawa kundi umuwi ng bahay. Mag-iisang buwan na pero parang kagabi lang nangyari. ‘Til now, I keep asking myself ‘yung pinakakatakutan ko nangyari ulit. I feel so worthless. At nu’ng isang araw lang nalaman ko pa sa friend niyang pinagpustahan lang ako kung mapapasagot ba ako dahil kilala nila akong ‘di ako basta-basta. Marami akong friends na mga lalaki pero ‘di ako nakikipagrelasyon at alam nila ‘yun. Dahil gusto ko pag nagboyfriend ako siya na talaga. No break-up, pang-forever na. Walang paglagyan ang sakit na nararamdaman ko ngayon. ‘Di ko pa din makuha ang sagot bakit may mga taong ganto. Ang kayang saktan ako. Ang gag**in ako. Bakit may mga ganung effort pa kung ‘di naman pala totoo? What a life?!?
    Hindi mo rin talaga masasabi kung seryoso sa’yo ang isang tao sa tagal ng panliligaw sa’yo. Sa ngayon, I’m trying to be okay. Araw-araw pinapanalangin ko na mawala ‘tong galit sa puso ko at mapatawad ko siya sa ginawa niya. Hangang ngayon umiiyak pa din ako. Sinisisi ko sarili ko bakit nagtiwala pa ako. At bakit ako pa, wala naman akong inagrabayadong tao at niloko.

    Pasensya na po at medyo mahaba. Naglalabas lang po ng sama ng loob.

    Salamat po,
    Ms. Dee

     

    P **(^$ I **&$ LALAKI YAN!

    Na-high blood ako sa lalaking ‘yan. Mas lalaki pa bakla sa kanya eh.

    I don’t know what to say para makatulong sa’yo. Sana after this, kahit bangungot ‘to para sayo, kayanin mo pa din maging buo. Because I am so sure, grabe na magiging trust issues mo. And the next time you will be in a relationship baka maging mahirap ka ng mahalin lalo dahil hindi mo ibibgay lahat ng tiwala at pagmamahal mo.

    For the light of you kamo, ask him sino mga kapustahan niyang tao, mga kaopisina niyo? Mga kaibigan niya?  Then stay away from these people.

    Grabe, two (2) years na nagpanggap? Siguro malaki pusta, malaki pinanalo niya. But don’t worry dadalhin niya ‘yan habang buhay. Babae ang nanay niya, baka may kapatid siyang babae, at malamang magka-anak din siya ng babae. This will haunt him forever. And I believe what we do, comes back to us ten folds—ke masama o mabuti.

    Dami ko ng nakitang mga lalaking manloloko na walang nangyari sa buhay. Loser for life ang kinahinatnan. A real man never hurts a woman. So, this guy is not a MAN.

    Iiyak mo hanggang gusto mo. Pwede mo ring balikan, suntukin mo ‘yung lagas lahat ng ngipin.

    Go take a break. Pray that you overcome this.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.