CHLOE'S INBOX
Chloe’s Inbox – Dishonesty ruins relationships
September 17, 2019
-


Hi DJ Chloe, my name is Mark, 25 years old. Let me start my letter by asking you, if someone gave me a second chance, should I be confident na napatawad na niya ako and she trusts me already?
I have a girlfriend for four (4) years now and I must say na napakastable namin. We’re always together—day and night. Magkasama kami sa work, dati kaming magkasama sa college so masasabi ko talaga na 24/7 kaming magkasama. Aaminin ko DJ Chloe, may point na nagsasawa ako dahil lagi kaming magkakasama, na dumating na sa time na nakikipagchat ako online sa random person. ‘Di naman po ako naghahanap ng anything in particular, I just want to talk to another person. Something that I haven’t done in a while since lagi nga kaming magkasama. One time I talked to a girl online and things got naughty, which is first time kong ginawa, DJ Chloe. I don’t know kung anong pumasok sa isip ko, but I did it. Nalaman ‘yun ng girlfriend ko and of course hindi naging maganda ang reaction niya. I asked for her forgiveness and to give me another chance, which she gave to me. However, every time na may maliit na bagay akong nagagawa laging niyang i-incorporate sa nagawa kong ‘yun. Ayoko na pong balikan ang ginawa kong ‘yun DJ Chloe dahil nagbabago na po ako. Pero parang gusto niya laging pinag-uusapan, which is nauuwi sa ‘di naming pagkakaunawaan. I understand na kung mahirap sa akin ang sitwasyon ay doble or triple pa ‘yun sa kanya. Pero ano pong gagawin ko DJ Chloe? I love my girlfriend more than anything and nagbabago na po talaga ako. Paano ko po ba mapapakita sa kanyang nagbabago na ako?
Mark
Hi Mark,
You want her to not make duda? Give her your passwords on social media.
Ang duda niya is coming from the fact that you chatted with someone else and it led to something naughty. So, tigilan ang pakikipagchat at ibigay mo sa kanya ‘yung passwords mo. Kung kaya mo, hahahaha!
Haaaaay… pag nabo-bore na laging siya ang kasama mo, then take a break. Go out and chill with some friends or take up a hobby na maaring pwede niyong gawin together or if not hobby mo na maiitnidihan niya pero ‘di naman kailangan na kasama mo siya.
At least dun may iba kang interaction. Pakikipagchat na lang ba sa iba ang pwede mong gawin?
If sawa ka ng kausapin siya, pwede namang kausapin ang ibang mga katrabaho o nanay mo, o kaya tatay mo? O kaya boss mo?
Bakit kailangan makipagchat sa iba? ‘Di ba?
Or kung sawa ka na sa topic niyo laging magjowa dahil baka ang usapan niyo is saan na naman kayo kakain. Maybe you can initiate something na pag-uusapan niyo na iba naman. Ask her things like—what is the difference between a matte and a glossy lipstick? Hahaha!
Seriously, hindi pa kayo niyan mag-asawa sawa ka na na kausap siya? Pag-asawa mo na ‘yan, umaga pa lang ‘yan na kausap mo…paano ka na?
-
COMMENTS















