CHLOE'S INBOX
Chloe’s Inbox – It’s all about having a good talk
October 7, 2019
-


Dear DJ Chloe,
Una sa lahat ito ‘yung unang pagkakataon sa buhay ko na hihingi ako payo sa ‘di ko masyadong ka-close at unang pagkakataon na sumulat ako. Ang problema ko ay ang nanay ko na nagdadalaga. She is 70 years old at aaminin ko na ‘di naging masaya ang buhay may asawa niya kasi babaerong tunay ang tatay ko. Mula nang nag-asawa ako sa akin siya tumira at wala naman problema kasi hindi lang nanay ang turing ko sa kanya kundi BFF. At alam ko ganon din siya. Kaya nagulat ako nang sabihin niya sa’kin na may boyfriend o manliligaw siya. Wala naman problema kahit mag-asawa siya ulit ang problema ay ‘yung pinili niya ngayon ay halos kasing edad ko. By the way, I’m 47 years old. Dun ako nagulat at kinuwento niya kahit feeling niya ayaw ko makinig na ‘yung lalaki ay niloko ng asawa at may isang anak na naiwan sa kanya na wala pa yatang 10 years old. Sabi pa niya minsan lang daw magmamahal ang mama mo at ‘wag daw ako mag-alala. Hindi sila magsasama kasi alam nila ‘yung sitwasyon nila. Although ‘yung lalaki daw ay may bahay sa probinsya at dun siya nakatira ngayon. Sinasabi lang daw niya sa’kin. Para kung sakali na magkita sila ‘di ako magulat. Sabi pa niya kahit 48 lang ‘yung lalaki, matured ang utak. Sabi pa niya kung gusto namin punta kami sa bahay ng lalaki na tinanggihan ko. Wala akong nasabi kundi umiyak ng umiyak. Hindi dahil may boyfriend siya kung ‘di sa katangahan niya. Una, boyfriend mo pero ‘di kayo friends sa Facebook. Second sa Facebook lang kayo nagkakilala at alam naman natin napakaraming g*g* sa social media. Siya pa ang nag-aadvice sa anak ko na mag-ingat sa manloloko kasi madalas nakakapanood kami ng mga kalokohan na nagaganap dhil sa eyeball at pagkahulog ng loob. Sabi niya ‘wag ko intindihin ‘yun pero one time sinilip ko messages nila at maluluma ka sa kaharutan nilang dalawa. Sabi nya ‘gusto lang niya ng kausap—okay, fine. Pero bakit kailangan dyowain niya? At may balak pa sila na magmeet sa sem-break. Parang pinapapunta niya nanay ko dun sa probinsya. At nakasulat pa kung ano gagawin nila na mahihindik ka. Ganon ba ‘yung ‘wag mag-alala. Na kapag hindi nakapgreply ‘yung lalaki, malungkot na agad ang nanay ko. At one time hindi nagreply ‘yung guy, pinaloadan siya ng nanay ko. Manliligaw ba ‘yung “darling” ang tawagan? At kapag nandun ang anak buburahin ang chat ng nanay ko? Bata pa ‘yun ha. Gusto kong sabihin sa nanay ko, “nag-iisip ka ba?” Ayoko siyang pagsalitaan kasi alam ko hindi niya ‘ko maiintindihan. Mula nu’ng nalaman ko ‘yun, hindi ko masyado kinikibo nanay ko. Walang problema sa’kin kahit mag-asawa siya ng basurero, basta ‘yung kaedad niya lang. 48 years old, eh matindi pa sa sex ‘yun at kung ‘di ‘yun habol niya bakit ngku-kwentuhan sila ng gagawin nila. Sabi niya pag-umalis nanay ko mula sa bahay niya iwan ng nanay ko ung panty niya. ‘Yung nanay ko 70 years old. Alam mo ‘yung panahon nila na hindi sila sanay sa kalakaran ngayon. Baka mas mautak pa mga teens ngayon kung harutan lang ang pag-uusapan. Kumabaga sanay ang mga kabataan ngayon. Eh ang nanay ko s’yempre sabik sa pagmamahal ng lalaki kaya hindi niya alam kung niloloko lang siya o hindi. Mahal daw nila ang isa’t-isa. One month pa lang kayo nagkikita, mahal na agad. Nababalitan naman niya ‘yung mga mag-asawa na sa umpisa okay pero later on nagpapatayan na. Meron ako napanood niyan sa SOCO. Gusto ko siyang intindihin pero wala akong makitang dahilan para maniwala sa kanya. Kaya hanggang ngayon may tension sa’ming mag-ina. Please, don’t publish my name. Gusto ko lang lumuwag ang dibdib ko kasi parang sasabog na. Pati work ko naaapektuhan na. Hindi ako makatulog sa gabi kasi minsan nabubwisit ako, ‘yung cellphone niya katabi niya matulog. Dapat ba tanggapin ko ‘yung sitwasyon? Maraming salamat ha.
Respectfully yours,
Anak
Hi Anak!
I don’t really know what to say to you. Napapaface palm ako. Si mother naman, hahahahaha! Why not talk to the guy? And let him know na alam niyo what he’s up to! I mean come on, we all know pinapaikot lang niyan si mother. Or baka naman judgmental ako, hahaha! Hindi ko talaga alam what to tell you. Maybe if you can’t talk to the guy, talk to your mom and try to put some sense into her head. Nanay ko 70 din. So I can picture na rin ‘yung galawan at age ng nanay mo. My gosh, I really do not have all the answers. Now kung nanay ko yan, pupulungin ko lahat ng kapatid ko at i-interrogate namin si mother. In short pagtutulungan naming, hahahaha!
Seriously, mag-usap-usap kayong magkakapatid. What can you do ba? How will you intervene? ‘Wag mo ‘tong solohin because this is a family thing. That’s all I can say.
-
COMMENTS















