CHLOE'S INBOX
Chloe’s Inbox – Choose yourself this time
October 8, 2019
-


Hi DJ Chloe,
I must say po na isa ako sa mga avid and loyal fan mo at ng station niyo. Maraming beses ko na din po gustong magsend ng message pero siguro po ngayon na ‘yung tamang pagkakataon dahil po sobrang gulong-gulo na po talaga ang puso at isip ko DJ Chloe. Hindi din po kasi ako ma-share o makwentong tao mas po na sinasarili ko lang ang mga nangyayari lalo na po kung tungkol na ito sa amin ng asawa ko. Last September 17 po kasi pag-uwi ko galing trabaho may mga bagay na hindi ko inaasahang makita at nangyari. Dinatnan ko ang partner kong may hawak na cellphone at malamang dahil na din napashot siya nu’ng gabi na ‘yun malamang ay nakatulugan na niya kaya nagkaroon na din ako ng pagkakataon mkuha at mabasa ang mga messages dun sa cellphone. Take note po noon ko lang din kasi nakita ‘yung cellphone niya na ‘yun. Hindi po kasi ‘yun ang cellphone niya. ‘Yun pala ay para kay girl dahil na din siguro nang mahuli ko siya ng paulit-ulit ay naging matalino na din ako sa mga logs. Baka kaya mas minabuti na din niya o nila na mgkaroon ng extra cellphone para sa mga kung ano man at s’yempre para iwas huli—safe kumbaga. Pero dahil na din sa gut-feel ko na hindi mawala-wala at marahil sa tulong na din ng panalangin ko kaya ayun, binigay naman na sa’kin ‘yung hiling ko na masagot kung tama ba o sadyang ako na lang talaga ang nag-iisip. Dahil s’yempre sa tuwing magtatanong ako at kokomprontahin ang asawa ko, natural ang sagot niya ay wala na at ‘yun nga ako na lang daw ang nag-iisip. Pero binigay ko naman sa kanya ulit ang tiwala ko ng buong-buo pero sabi ko din naman sa kanya na last na ‘yun. Sakali man mahuli ko pa ulit siya tapos na talaga ang lahat-lahat sa amin kahit pa alam kong baka salita ko lang nga ‘yun pero sa nangyari DJ Chloe hindi lang pala bsta-basta banta. Kasi kung noon, aaminin ko, takot na takot talaga ako na magkahiwalay kami. Kahit pa nga kasalanan na niaya, ako pa din ang bababa at pilit na gagawa ng paraan umayos lang kami. At kahit pano makabalik na lang ulit sa normal. Pero ngayon ibang-iba na talaga. Halos lahat ng pagmamahal ko sa kanya napalitan na talaga ng galit ‘yun. Ang pakiramdam ko wala na ‘kong paghugutan pa kung pano ba ulit babalik. Tapos nandyan pa—sasabay ‘yung mga nabasa ko noon sa cellphone para akong paulit-ulit na pinapatay. ‘Yung tipong walang kalaban-laban, halos kahit nga ang umiyak hindi na din. In short, nagmanhid-manhid na ‘ko sa lahat marahil dahil na din sa sobra-sobra ‘yung sakit na naramdaman ko at nararamdaman ko hanggang ngayon, DJ Chloe. Pero sabi niya sa’kin noon sinabi ko sa knya na gusto ko na mkipag hiwalay sa ka nya ng maayos alang-alang na din s’yempre sa ikakatahimik namin at ng mga anak namin. Gusto ko sana din na maayos kami maghiwalay. Sagot niya sa’kin ay ako ang mahal niya at mahal na mahal niya ako. Bigyan ko lang daw siya ng sapat na oras at panahon. Kaya naman sa sinabi niya na ‘yun sa’kin mas lalo lang tumindi ‘yung galit na nararamdaman ko sa kanya. Mas binigyan niya ako ng dahilan para tuluyan na siya palayain. Sabi ko sa kanya, grabe naman at parang pinagpapaalam pa niya sa’kin na for now hayaan ko na lang muna siya o sila. Edi wow, ‘di ba? Noong sinabi ko ‘yun sa kanya ang sagot niya naman ay mali daw ang pagkakaintndi ko sa sinabi niya na ‘yun sa’kin. Pero kaninang hapon pinilit ko ulit na makapag-usap kami para lang din matantya ko kung sila pa ba o wala na. Sabi ko sa kanya, ayusin na natin dahil tinging ko naaapektuhan na mga bata. Sabi ko sa kanya dapat nga nu’ng nahuli kita, kung sinasabi mo ako naman talaga ang mahal mo, on the spot dahil na din nagkabistuhan na ulit, automatic na kasunod nun tapusin niyo na at tinapos niyo na. Dahil ‘yun ang tama na gawin. Nagulat ako sa sinabi niya na hindi nga ‘yun ganun kadali kaya nga bigyan mo lang ako ng sapat na panahon. Muli na nman dinurog ang puso ko sa narining ko at pinatay na naman ako kaya nga siguro ngayon mas desidido na ‘ko na ayaw ko na talaga. Pero aaminin ko DJ Chloe, mahal ko pa din siya kahit pa nga nagtatalo ang puso at isip ko lalo pa nga kung naiisip ko din ang tatlong anak namin. Bakit ganun, parang walang halaga sa kanya lahat-lahat? Sa dami ng pinagdaanan namin hindi ko lang din lubos maisip na dahil lang sa isang babae masisira kami at ang pamilyang binuo namin at itinaguyod nang mgkasama. Sa hirap at unos na pinagdaanan namin lahat nang ‘yun—pano niya nagawang mabale-wala lang ng ganung-ganun lang? Sobrang sakit, DJ Chloe. Sana po ay mayroon kayong maipayo sa’kin na kahit po paano ay makakatulong na din po sa ikakagaan ng pakiramdam ko. Maraming salamat and God bless po.
Love lots,
Kolyn
Hi Kolyn,
Why don’t you give yourself a break? Don’t decide on it yet, if there’s a chance for you to stay at your parents’ house then uwi muna kayo ng mga bata. Give yourself some space, don’t decide na makipaghiwalay muna. And while you’re away from him, tingnan mo anong mararamdaman mo. Tuloy mo lang buhay mo. Work, take care of the kids, take care of yourself, because while you’re away from him, then you will find the time to be good with yourself. Maaasikaso mo ang sarili mo, paganda ka, pa-salon ka, get a new haircut and hair color, pa-pedi ka, pa-spa. Buy some new clothes, and some heels, and some new undergarments. Treat yourself out. Go and have coffee alone. You’ve been stressed enough. It’s time to relax. May mga bagay na makakapag-antay kaya ‘wag mo munang desisyunan ‘yan ngayon. Hayaan mo lang muna siyang mag-enjoy. Habang ikaw naman, tinatantya mo kung kaya mo ng mag-isa o wala siya. When you get to be alone, you will know if what you really want is to be away from him for good. ‘Pag naramdaman mo na mabubuhay ka at ang mga bata na wala siya, then decide. It doesn’t mean na hindi na siya ang ama ng mga anak mo. He will remain to be the father of the kids and they can still see their dad. Minsan kahit gusto pang ayusin “para sa mga bata,” may mga instances na mas makakabuti sa mga bata na hindi na lang kayo magsama. And yes, tama ka, hindi fair na habang nag-eenjoy siya ay i-require ka niyang mag-antay kung kailan siya matatauhan, ano siya, sinuswerte?
Just walk away, without any explanation and leave him wondering why. ‘Yung parang ‘di niya alam anong nangyari. People like that don’t deserve any explanation. And when you’re tired of all the drama and sh*t, it’s okay to walk away.
-
COMMENTS















