Chloe's Inbox - Make sure that you choose your battles everyday
X

CHLOE'S INBOX

Chloe’s Inbox – Make sure that you choose your battles everyday

October 13, 2019

  • EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - MAKE SURE THAT YOU CHOOSE YOUR BATTLES EVERYDAY

    Hi DJ Chloe,

    Please hide my identity. Thank you.

    Wala ng paligoy-ligoy pa. DJ Chloe, may katrabaho ako. May asawa’t anak siya. Kinasal sila last year lang. ‘Yung babae ang nag-insist magpakasal sila kahit labag sa lalaki. At ngayon, mutual ang feelings namin para sa isa’t isa. Nagsisisi siya kung bakit niya pinilit magpakasal ‘yung lalaki. Ganun din ‘yung lalaki. Sabi ng lalaki, sinira daw nu’ng babae ang buhay niya dahil pinilit daw siyang magpakasal. Praning kung magselos ‘yung lalaki. Wagas kung murahin ‘yung babae kahit nasa public place. Twice na din daw siyang napagbuhatan ng kamay kahit walang matibay na evidence sa mga accusations niya. Tinapon daw nu’ng lalaki ‘yung wedding ring nila, pero kinuha ng babae at itinago. Advice for me and for the girl, please. Mutual ang feelings namin sa isa’t isa pero wala kaming magawa. Thank you in advance for the advice.

    Hi there!

    Wala na din akong paligoy-ligoy pa. Kung wala kayong magawa, eh di ‘wag n’yo nang ipilit pa. ‘Yang babae na gusto mo pinilit ‘yung lalaki na pakasalan siya kahit ayaw ng lalaki tapos ngayon mutual feelings niyo sa isa’t isa? Sabihin mo sa kanya ayusin niya muna pag-iisip niya. Sunod ayusin niya legal documents niya, dahil nagkapilitan lang sila. Then pwede na kayong dalawa. Anong gagawin mo? Ninyo? Eh, may asawa ‘yung babae? ‘Yung mga issues nilang mag-asawa , sa kanila na ‘yan, wala ka ng pakialam d’yan. Wala naman kayong magawa, ‘di ba? Kahit mutual feelings niyo sa isa’t isa, hanggang ganun lang ‘yun—MU. Malabong usapan.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.