Chloe's Inbox - Distance yourself from fools
X

CHLOE'S INBOX

Chloe’s Inbox – Distance yourself from fools

October 17, 2019

  • EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - DISTANCE YOURSELF FROM FOOLS

    Hi DJ Chloe,

    I’m an avid fan of your radio station. No one can beat your station talaga. I love all the music that you’ve play and also your advices. DJ Chloe, gusto ko rin po humingi ng advice (since libre naman po ito, hehe). Naiinis na po kasi ako sa pinsan kong lalake, graduate na po siya ng grade 12 (with honors) at sa magandang private school. Actually, matalino po talaga siya at magaling sa arts. Kaya lang po minsan sa sobrang talino niya ata eh simpleng bagay ‘di niya magets or nagbibingi-bingihan po siya sa mga paliwanag. Kasi po, DJ Chloe, ‘yung tita ko po (mom niya) ‘di pa siya na-enrolk for college kasi nga po hinihintay lang nila umalis para magstay sa abroad at dun niya ipagpatuloy ang pag-aaral niya (first week of November po alis nila). Kaya lang po itong si pinsan walang ginawa kundi ngumawa, magdabog at panay sabi niya sa mom niya na sinisira raw niya kinabukasan niya (‘di ko po alam kung biro lang ‘yun sa kanya), which is not true naman po. Sa loob po ng isang lingo, isang beses siyang ngumangawa. Nakakabwisit na po at gusto ko na po sabihan siya ng t*nga at ‘di makaintindi sa paliwanag ng lahat. ‘Di po siya inenrol ni tita dito kasi po mahirap daw po mag-ayos ng requirements unlike pagnewly graduate ng grade 12 madali. Haynako, DJ Chloe, naiinis na po talaga ako. Ang sakit po kasi sa tenga at naaawa na rin ako sa tita ko eh. Mahal ko po kasi tita ko ng sobra kaya minsan ‘yung ‘di niya pagkibo sa pinsan ko parang gusto kong ako na lang ang mambara sa pinsan ko ng kahinaan niya sa pag-intindi. Alam ko naman po na naiinip siguro siya. Eh bakit ayaw niya magwork muna. ‘Yung iba ang problema walang makain, etong pinsan ko ang problema gusto na mag-aral dahil naiinip po siguro. Gusto ko na po siyang sagutin minsan para ipagtanggol ang tita ko. Kaya lang matanda pa rin po siya sa akin. Dapat po bang pagsabihan ko ang pinsan ko kahit ako po itong bata sa kanya at ‘di niya kasing talion? Ano po kayang maganda gawin para makatulong po ako sa tita ko para ‘di po siya sinisisi ng pinsan ko? ‘Yung tita ko po kasi ‘yung parang bata din minsan. Kahit 38 years old na siya parang bata lang na ngingitian na lang si pinsan kahit naiinis na rin siya at galit. Ano po kayang pwedeng gawin para kahit papano lumuwang po pakiramdam ni tita ko? Madalas niya kasing idaing din sa akin na nauubos na pasensya niya sa pinsan ko. ‘Di ko naman alam pano magcomfort sa kanya. Ginagawa ko na lang po, inaakap ko na lang siya. Pasensya na po, DJ Chloe, medyo magulo ang sulat ko. Madami din po kasi ako gusto sabihin kaya magulo, hahaha! Maraming salamat po sa time at kung ano po mga advices sa akin, kahit ‘di ko alam kung ano ang pinakapunto ng sulat ko, hehe. I love you, DJ. More power po at God bless you po.

    Love,

    Annie

    Hi Annie!!!

    You know, you really cannot have it all. Matalino, pero mahina ang pag-intindi sa mga practical na bagay ng pinsan mo. May mga ganyang tao talaga. Siguro he just feels not useful? Kasi nga hindi nakapag-enroll and maybe he feels na saying ng oras niya? Bigyan mo kaya ng gawain sa bahay? Pag-igibin mo kahit may buhos ang gripo niyo o kaya i-assign mo sa kusina. Sabihin mo gumising siya ng maaga para magluto ng almusal.

    ‘Yan ang problema ng mga kabataan ngayon, masyadong mainipin. Lahat kasi sa kanila madali. Information and all—madali.

    Kung nanay niya nga hindi siya maesplikahan ng matino, anong laban mo diyan? Well, you can give him a piece of your mind, why not? Total sa’yo siya ngumangawa, eh ‘di ngumawa ka rin sa kanya. Sabihan mo ng paulit-ulit kung bakit ‘di siya inenroll. You give him the same answer or reason with the complain he makes every single day until it sinks in.

    October 17 na—November aalis? Oh konti na lang, pagpasesnyahan mo na, tutal hanggang ngawa lang naman kayang gawin niyan. When he starts complaining, excuse yourself or put a headset and listen to us.

    God bless!

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.