Chloe's Inbox - Pain will always give you learning lessons
X

CHLOE'S INBOX

Chloe’s Inbox – Pain will always give you learning lessons

October 21, 2019

  • EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - PAIN WILL ALWAYS GIVE YOU LEARNING LESSONS

    Hello DJ Chloe,

    Kailangan ko po ng advice. May naging boyfriend ako at okay naman ang aming relationship. Sinabi nya sa akin na may asawa siya pero walang anak at matagal na silang hiwalay. Nag-alala ako pero tinanggap ko pa rin siya. Naging isipin ko ‘yun palagi pero ‘di ko pinapahalata sa kanya. Habang tumagal pa ng tumagal, nagkaroon kami ng ‘away’ at nauwi sa hiwalayan. Ako na ang nakipaghiwalay. Pero after a week, nalaman kong two (2) months pregnant pala ako. Sinabi ko sa kanya hindi para magkabalikan kami, kundi para malaman ko kung anong plano niya (susuporta ba o hindi). Ikinatuwa nya at susuportahan ako, haharap siya sa magulang ko at kung ano-ano pang mga plano. Pero oras na ng first check-up ko, iniwan niya agad ako. Then the next day, sinabi niya pala sa asawa niya (kahit hiwalay na sila) agad na ikinagalit at iniyakan ng asawa niya. Natakot ang ex ko, kaya iniwan rin ako. Magbibigay na lang daw siya ng 20k sa araw na manganganak na ako basta text ko lang daw siya. DJ Chloe, hindi ako naghahabol sa ama ng anak ko, kahit sa pera niya. Pero ‘yung naging reaksyon niya ang masakit para sa akin. Ngayon, seven (7) months na ako. Ano po ba ang pwede kong gawin? Please hide my identity. Salamat po.

    Hi Girl!

    It’s crystal clear. Hindi siya hiwalay sa asawa niya. Nabiktima ka ng hiwalay kuno or kung hindi ‘yung alibi na “nagsasama na lang dahil sa mga bata.” Nandyan na ‘yan, and you said hindi ka naghahabol sa kanya. Now you know the real picture, may asawa siya at hindi siya hiwalay. Tuloy mo buhay mo, dahil magkakaanak ka na. ‘Wag mo nang asahan ang ibibigay niya sa’yo. Solohin mo ang bata and learn from this. This child of yours will give you the direction you need in your life.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.