Chloe's Inbox - Your assumptions will consume you
X

CHLOE'S INBOX

Chloe’s Inbox – Your assumptions will consume you

October 29, 2019

  • EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - YOUR ASSUMPTIONS WILL CONSUME YOU

    Hi DJ Chloe,

    I hope you’re doing fine. Please hide my identity. Can you please give me a good advice and what to do? You can call me Ms. Q.A. This is what happened…

    Isang araw nu’ng buksan ko ang aking Facebook account, may nag-add sa’kin and in-accept ko naman siya. Doon nagsimula ang aming storya. Kami ay nagkamabutihan. Siya nga pala ay isang government employee at nag-aaral ng law sa isang paaralan sa Intramuros. Tawagin na lang natin siya at itago sa pangalang Mr. C. At isang araw nagkita kami sa isang mall sa Ermita, masaya at maganda naman ang aming napag-usapan at narealize ko na gusto ko na rin sya. Kami ay nakapag picture sa photo booth at dahil sa kasiyahan ko miny-day ko ang mga picture namin at pinagmalaki ko siya sa aking mga kaibigan. Ang alam ng mga friends ko ay sasagutin ko na siya, one time nagsabi siya na magmi-midterm exams siya kaya ‘di muna kami magkikita or magiging busy siya. Lumipas ang mga araw at hanggang ngayon magtu-two weeks na wala pa rin siyang paramdam. Akala ko pa naman sa pinakita niya sa’kin seryoso na siya. Ano ba ang dapat kong gawin kakalimutan ko na ba sya? Salamat sa iyong tugon.

    Ms. Q.A.

    Hi Miss Q.A??

    Wow!!! Maybe he was just for friendship. Maybe he wanted to take a break from his routine college of law life. Alam mo ba gaano kahirap ma- aral ng Law? Wala silang tulog at literal na libro ang kaharap nila at mga kaso araw-araw. There’s pressure of passing the bar exams and passing all the subjects as well. ‘Wag tayong masyadong mag-assume. Nakipagkaibigan lang, sasagutin mo na agad? Nagtapat ba sa’yo? Mga kaibigan mo, mga assumera din. Relax, may exam, ‘di ba? Malamang nag-aaral ng bongga. Meantime, go on with your life. If he likes you, in a different way, he will surely tell you…WHEN HE IS READY.

    Assumptions, assumptions, and more assumptions!!! Assumptions allow the best in life to pass you by. Assumptions pa more!!!!

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.