Chloe's Inbox - Time is just a concept in love
X

CHLOE'S INBOX

Chloe’s Inbox – Time is just a concept in love

November 4, 2019

  • EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - TIME IS JUST A CONCEPT IN LOVE

    Dear DJ Chloe,

    Mula ng sumulat ako sa’yo ay on-the-rocks pa rin kami ng nanay ko. Lagi pa rin kaming nagtatalo tungkol sa pakikipagrelasyon niya. At mas lumala pa kasi pupunta nanay ko dun sa bahay ng guy sa Zambales. Three days daw siya dun. Ang sinasabi ko sa kanya kung talagang mahal siya nu’ng guy, ‘yun ang pupunta dito kahit hindi sa bahay ko. Mahirap na baka gumawa ng kalokohan, eh lagi kaming wala sa bahay. Sabi ko, ano ba naman ang layo ng Zambales—four to five hours. Umalis ‘yung guy ng madaling araw makakarating dito ‘yun ng mga 8am. Magsisimula na sila magdate hanggang hating-gabi. ‘Wag lang ‘yung siya ang pupunta dun. First time pa lang niya makikita ‘yung guy pupunta na agad siya dun. At panong ‘di ako magagalit, bawal tawagan ang lalaki ‘pag kaharap ang tiyahin. Bakit, menor de edad ba siya para pagbawalan? Hindi makatawag nanay ko ‘pag may kaharap na kamag-anak ‘yung guy. Mas okay daw na tahimik ang relasyon nila. Tahimik as in walang dapat makaalam? Pano pupunta nanay ko dun? Malamang itago nanay ko sa house nu’ng guy. Kasi ngso-solo lang ‘yung guy sa house. Sabi ko sa nanay ko hindi na ‘ko tutol kung gusto niya talaga ‘yung guy. Pero ilagay niya sa tama. Sabi ko, hayaan niya muna maghirap ‘yung guy. Puntahan siya at pag nagtagal sila (ewan ko) baka pwede na siya dumalaw dun sa house. Sabi ko kahit anong edad ka pa ‘wag mo pababain ang sarili mo. Kung mahal siya nun kahit harangan ko ng sibat pupunta siya. Ayoko siya papuntahin sa bahay kasi nga ‘di ako sure kung anong klase ng tao ‘yun. Sabi ko magkita sila sa mall at ilibot niya sa Metro Manila hanggang mahilo. May anak ‘yung guy sa una at balita ko may iba na rin ‘yung girl. Pero bakit ayaw niya ipaalam sa nanay nu’ng bata na may kinakalantari siya na nanay ko nga. ‘Yung nanay ko kahit mag-away kami bsta okay sila ng guy. Naisip ko hindi ako ganun ka-importante sa nanay ko kasi kahit magkagulo kami bsta sila nu’ng guy okay lang. Bakit daw ‘di ko siya pabayaan. Sabi ko hangga’t nandito siya sa puder ko, responsibilidad ko siya. Naaawa ako sa nanay ko. Gusto ko din siya makitang may kasama pero sana sa tamang paraan kasi matanda na siya para makipagladian lang na parang ginagawa ng mga teenager ngayon. Sana mapayuhan mo ko asap kasi aalis nanay ko sa 28. Thank you ulit ha.

    Anak

    Hello there!

    Okay, for the benefit of everyone, let me refresh your memory. Siya po ‘yung may nanay na 70 years old, na in love sa 47. I am so sorry for posting this only now, although nagkausap naman tayo baggo mag-28 and I do hope hindi ka masyadong namroblema. It seems, nothing can change her mind (your mom). So why not give her what she wants? The only problem I see is, if she has her own money, baka maubos ng lalaki, limas ‘yan for sure. Pero kung kayo ang nagbibigay ng pera sa kanya, then limit the amount you’re giving her. Tingin ko naman pag walang mapala si lalaki sa nanay niyo lulubayan niya rin ‘yan, lalo pag hinayaan niyo sa kanya at siya na ang bumili ng maintenance. ‘Yung madalas na sinasabi satin ng mga magulang natin noon, “sumige ka ng makuha mo hinahanap mo.” Tingin ko, hayaan niyong makuha niya hinahanap niya. Uuwi din ‘yan sa inyo. But well, why not give the guy the benefit of the doubt?

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.