CHLOE'S INBOX
Chloe’s Inbox – Too much love is your end
November 11, 2019
-


Good morning DJ Chloe,
Itago niyo na lang po ako sa name na Marie, a single mom, 45 years old. Inaamin ko po buhos ako magmahal, but what can I do, DJ Chloe, doon po ako maligaya. The relationship with the father of my kids ended up last January of 2012. Since then nagmahal ako ulit DJ Chloe, last year lang po 2018. Madami po naman nanliligaw, DJ Chloe pero wala pong nagpatibok ng puso ko until one day nakilala ko siya. Naramdaman ko ulit ‘yung kilig at pagmamahal na sobra-sobra, DJ Chloe. I’ve been through a lot, DJ Chloe at pinili ko na itutok sarili ko sa mga anak ko na may mga ADHD. Alam ko na kaya mong i-imagine ang buhay ko sa ganitong sitwasyon, DJ Chloe. Grabe din po pinagdadaanan ko pati sa tatay nila, the main reason of my struggles. Maraming trials at nagising na lang ako isang araw at naisip ko na kinalimutan ko na pala sarili ko. No one knows how deep my struggles are kasi ayokong kaawaan ako. Na feeling ko if I confide to someone, baka lalo lang lumala dahil ‘di ko naman makakamit ang unawa nila at malasakit.
So nakilala ko siya, DJ Chloe na matulungin at mabait naman dahil nakita ko paano siya tumulong sa pamilya niya. He’s 32 years old and single. So naging kami last March 2018. Inaamin ko po ako ang na love at first sight sa kanya. Kalaunan nagkakamabutihan, naging kami at okay naman sa umpisa kasi ibinigay ko ang tiwala ko sa kanya ng buong-buo at unawa na napakalaki dahil nga mahal na mahal ko siya. As time goes by, nakikita na namin ‘yung differences namin. Ako kasi, DJ Chloe kapag mahal ko ang isang tao—honesty, respect, commitment, communication and consistency sobrang mahalaga sa akin ‘yun. Na-realize ko he’s far from being capable of doing these things to me. Pero mahal ko siya, DJ Chloe. Mahal na mahal. Sabi niya, he is not the type of guy na kailangan pang magstruggle dahil lang sa needs ng babae kaya para sa kanya—”kung ayaw mo, ‘wag mo,” ‘yun ang sabi niya. Pero nagtagal kami kasi nakita ko na mahal niya din ako at kaya daw siya nagpupumilit na baguhin sarili niya kasi napakabait ko sa kanya at sa pamilya niya. Nakokonsyensya siya. Napakasarap ng feeling na ‘yun, DJ Chloe. Pero dahil magkaiba kami ng ugali I am trying to teach him sa mga bagay-bagay upang maging mas successful ang relationship namin. I am adjusting too much upang ma-meet ko lang ‘yung point na magkasundo kami. Naramdaman ko naman na minahal niya din ako, DJ Chloe. Ang tanging hiniling ko lang sa kanya eh gawin din niya ang best niya para sa relationship na ito. Dahil nakikita at nararamdaman naman niya ‘yung pagmamahal ko pati sa pamilya niya, ginagawa ko lahat pati sa pamilya niya kahit sobra na nga po talaga, DJ Chloe. Dahil ganon ko siya kamahal. Sobra po.
Lately, lagi kaming nagtatalo kasi bumabalik na naman siya sa dating gawi. S’yempre nasasaktan ako, babae ako. At sabi niya, give up na siya. Sobrang sakit lang, DJ Chloe dahil I worked hard for this relationship as I always do sa past two relationships ko. Pero this time, mas matindi ang pinagdadaanan kong sakit dahil kasabay kong nararamdaman na naaawa ako sa sarili ko, DJ Chloe. Dati hindi naman ganoon. Maybe because of my age, that things are different when you age. At dati ako ang nakikipaghiwlay and this time ako ang hinihiwalayan? Sobrang sakit, DJ Chloe. Ayokong mawala siya sa akin. Hindi ako perfect pero ginawa ko naman ang best ko at hindi ako masamang tao. Sobrang lungkot na nga ng buhay ko pati ba naman sa pag-ibig mamalasin pa din ako? DJ Chloe, please gusto kong payuhan mo ako upang gumaan naman ang kalooban ko. Akala ko wala ng sasakit pa sa mga dinanas ko sa buhay. Ito, sobrang sakit dahil sobrang mahal ko siya, DJ Chloe. Maraming maraming salamat sa pakikinig ng aking kwento. God bless you more, DJ Chloe.
Dumating pa sa punto DJ Chloe na dapat magpapakasal na kami. Sobrang lungkot at sakit, DJ Chloe.
Hi Marie,
Well, only those people we love deeply, can hurt us deeply. Sa iba naman kung kelan nagkakaedad na parang graduate na sila sa ganyan—sobrang ka-passionate or buhos magmahal. ‘Di ba, dapat ang iniisip mo na, how to age gracefully? Eh pano kang mag-e-age gracefully niyan, eh kunsumido ka? At 45, do you still need it? You want to look 65 at 50? Then five (5) years na lang, golden girl ka na? Alam mo naman tayong mga babae pag dumarating na sa ganyang edad, pre-menopausal, hindi tayo dapat stressed. Pre-meno and meno, and post-meno in itself are all too stressful already. Gusto mo pa ng additional stress? When I was reading your letter parang feeling ko hindi 45 ang sumulat, parang na-first love. Shouldn’t you be wiser at 40s? Sa lalaki lang ba ang fulfilment natin? Alam ko ‘yang feeling na ‘yan eh. It’s like you can’t function normally when you’re at war with yourself, with what you feel and you can’t seem to get, what you want to get from the man you’re with, emotionally. But that’s when you’re younger. You should start thinking about choosing your battles when you’re this age. Dear, baka ‘yang sobrang emo mo dala ng pre-menopausal symptoms mo na rin. Again, dapat at this time in your life, hindi ka na dapat nase-stress. Dapat pinagkakaabalahan mo na, meditation, morning devotions, praying for your kids daily, for the Philippines, for the world, helping others. Ate, if he can’t love you the way you want to, then just love your effin self! You have a son with ADHD, he needs attention. End of story.
-
COMMENTS















