Chloe's Inbox - Christmas is about the joy of family
X

CHLOE'S INBOX

Chloe’s Inbox – Christmas is about the joy of family

December 11, 2019

  • EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - CHRISTMAS IS ABOUT THE JOY OF FAMILY

    Hi DJ Chloe! Merry Christmas!

    This is my second  time to write you a letter, so I hope ma-feature mo ulit ‘coz I need the insights of your good followers. Alam naman natin na ‘pag pasko para talaga sa pamilya, ‘di ba? At kapag may asawa ka na, s’yempre ‘di maiiwasan na magpunta sa in-laws. So eto na nga, bagong lipat kami sa bahay na matagal na naming inasam na makamit. And first Christmas namin ito sa bahay namin. For the past six (6) years, lagi kaming sa in-laws ko (parents ng husband ko) nagpapasko. Nagtatampo na nga ang nanay ko sa’kin kasi mula daw nang nag-asawa ako lagi na lang sa b’yenan ang mga Pasko ko. Bumabawi na lang ako kinabukasan pero sabi nga ni mama sana naman daw kahit isang Noche Buena makasama nila kami ng mga apo niya. This year, first time namin magpapasko sa sarili naming bahay and I’m really excited about it. But my husband seems to be thinking na dun na naman kami kila in-laws. DJ Chloe, paano ko ba ipapaliwanag sa kanya na gusto ko namang magpasko kami na kami lang na pamilya? Masama ba ako kung gustuhin ko ‘yun? Bakit ba ganun? May paligsahan ba kung saan dapat ang pasko? Please help kasi talagang gusto kong gamitin ‘yung bago kong oven at magroast ng sarili kong manok kahit masunog, magpasko lang kami sa sarili naming pamamahay.

    Salamat,

    Crisel

     

    Hi Crisel,

    I feel you, napagdaanan ko din ‘yan, hahahaha! Simple lang, kausapin mo si husband and tell him how you feel, tell him it’s time that you start making your own tradition with your own family—you, him, and the kids. I’m sure both parents will understand, puntahan niyo na lang the next day, Christmas day mismo. Pero salubungin nyo ang Pasko sa bahay nyo pati na din ang New Year. Maggrocery ka, mamili ka ng mga lulutuin mo, umorder ka ng mga additional na handa niyo sa Noche Buena and wrap gifts for the kids to open on Christmas day. Walang hindi nasosolusyunan sa maayos na usapan.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.