Chloe's Inbox - Opportunity wants to be grabbed
X

CHLOE'S INBOX

Chloe’s Inbox – Opportunity wants to be grabbed

December 16, 2019

  • EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - OPPORTUNITY WANTS TO BE GRABBED

    Fresh graduate po ako. Nagreview po ako for board exam (LET) and for CSE exam. Praise God nakapasa naman po ako sa parehas na examination pero hindi po ako masaya. Kasi po iniisip ko po na sana nagwork na lang ako katulad ng mga kaibigan at kaklase ko na nakapasa rin naman po. Nag-apply po ako habang naghihintay ng result noon pero marami po ang nagreject sa akin. May mga tumatanggap naman po pero siguro po maarte din talaga ako (pinagdadasal ko po talaga kasi kung doon po ako ilalagay ng Diyos at kung doon po niya ako gagamitin). Nagsisisi po ako sa iba na ‘di ko tinanggap dahil sana may work na po ako ngayon. I feel so useless po ngayon. Pakiramdam ko po na (sorry for the term) palamunin lang ako kina mama at papa. Dagdag pa po ‘yung mga pakikiusyoso ng mga kapit-bahay namin kung may work na raw po ako. Gusto ko na po talaga magwork kasi I feel so useless po talaga. Ngayon, kumukuha po muna ako ng NC2 habang naghahanap ng vacant position. Hindi ko rin po maiwasan na maikumpara ang sarili ko sa mga kaklase at kaibigan ko dahil nagta-trabaho po sila sa magagandang school. Naniniwala po ako na kaya ko naman po pero minsan po napanghihinaan ako ng loob. Nagpaparinig din po minsan ‘yung papa ko na palagi na lang raw po kami umaasa sa kanila. Naghahanap naman po talaga ako ng work eh. At ikinukumpara pa kami ni papa sa anak ng kaibigan niya na 30k po ang sinusweldo. Ipinagdarasal ko po talaga sa Diyos kung saan niya ako dadalhin dahil naniniwala po ako na nandito ang purpose ko. Pero nakakapagod na po kasi ‘yung mga sinasabi ni papa. Minsan nga po lumalabas na lang ako ng bahay para lang po makatakas sa mga pasaring nila. Kumikilos naman po ako sa bahay. Feeling ko po talaga na palamunin lang po ako.

    Hi Hija,

    Ang obligasyon naman ng mga magulang sa anak ay habang buhay. But the mere fact na tapos ka na, and you’re supposed to be working already, dapat nagsisimula ka ng tumayo, at least, sa sarili mong mga paa. Your parents have done their part, napagtapos ka na nila. Sa mga magulang, ‘di bale ng huwag kang magbigay, huwag ka na lang sanang manghingi lalo kapag kaya mo na. Don’t be so choosy, habang tumatanda ka, at wala kang experience mas lalo kang mahihirapang makapasok ng work. Regardless kung field mo ‘yan or hindi, kung may opportunity, grab it, so you start gaining experience. The moment may opportunity for you to work in the field of your education or expertise then it’s easy to jump off. ‘Yung na-gain mo pang experience and the trainings you’ve had, magagamit mo or pandagdag sa qualifications mo. Wala namang masama na gusto mo dun ka sa kung ano tinapos mo. Pero you know, ang daming kumuha ng masscom na hanggang ngayon wala sa broadcasting or sa TV. Wala kasing opportunity. Hindi porke nag masscom ka ibig sabihin p’wede ka na mag-DJ, or p’wede ka na sa TV agad-agad. You have to start somewhere. Experience is a necessity, kahit saang field. Find work, roll up your sleeves, and start working. While you keep dreaming, other people are working on their dreams.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.