CHLOE'S INBOX
Chloe’s Inbox – A woman should know when it’s time to leave
December 16, 2019
-


Hi po! Avid fan niyo po ako. Kailangan ko po ng advice. ‘Di ko na po kasi alam kung anong gagawin ko. May boyfriend po ako, one (1) year na po kami at napapansin ko na madami siyang accounts sa Facebook. Nagde-delete din siya ng convo sa Facebook na parang may tinatago. Twice or thrice a month lang po kami nagkikita kasi busy kami pareho sa work. Parati ko siyang kino-confront, sabi niya wala daw siyang iba pero parang may instinct ako na nagsasabi na nagsisinungaling siya. Sabi niya nasasakal na daw siya kasi selosa at praning daw ako. Hindi ko alam kung ako ba ‘yung problema or talagang tama lang ‘yung instinct ko. Gusto ko ng makipaghiwalay pero kasi naisuko ko na si bataan kasi nga mahal na mahal ko ‘yung tao. Ile-let go ko na ba siya or tatanggalin ko ‘yung trust issues ko sa kanya. Enlighten me please. Wala po kasi akong proof na may iba siya pero po kasi nahuli ko po na may ka-chat siya tapos sinasabi na single siya at naghahanap ng textmate, nu’ng kinonfront ko po siya sabi niya barkadaw daw niya nkikipagchat dun sa babae.
Miss E
Hi Miss E,
Maraming account sa Facebook. ‘Di ba, ‘yan pa lang, nakakaduda na? Nagde-delete ng convo. Oh, ‘di ba, mas nakakaduda pa ‘yan? Anyways, hindi ka naman magiging paranoid kung walang kaduda-duda sa mga galawan niya, ‘di ba? Naisuko mo na ang bataan mo? Well, wala na tayong magagawa diyan, ‘di mo na maibabalik pa ‘yan, pero ‘di ba mas mahirap kung mabuntis ka niyan. Lalo na’t wala kang tiwala sa kanya? ‘Pag nabuntis ka ba, ititigil niya na mga ginagawa nya? Now you know, not even your virginity can be a guarantee na hindi ka lolokohin or hindi mambababae or hindi makikipagchat ng patago sa iba. Hindi naman porke naisuko mo na ang bataan mo eh reason na ‘yun to put up with cheating. Virginity lang nawala sa’yo, hindi ang katinuan mo. A wise woman knows when to leave before she gets left.


-
COMMENTS














