CHLOE'S INBOX
Chloe’s Inbox – He is taking advantage of you
December 17, 2019
-


Hello po DJ Chloe,
Maganda araw po. Matagal na po akong nakikinig sa inyo. Every day station niyo pinakikinggan ko. ‘Pagbukas ko ng store ko sabay bukas ng radio ko—maghapon ‘yan. Nahihiya po akong ikwento ang situation ko. Ngayon lang po ako nagkaroon ng lakas ng loob. Sabihin ko po dahil bilib po ako sa mga advices niyo.
I’m a married woman. I have two (2) kids, binata at dalaga na. Napagtapos na po namin ng husband ko ang isa kaya ‘yung bunso na lng po ang pinag-aaral namin. Guard po work nang husband ko at ako naman po house wife pero may tindahan po ako pinagkakaabalahan. Sa status po ng pamumuhay namin okay po kami kahit nangungupahan. Maayos po financial namin. Ang problema ko po may boyfriend ako, matagal na, mag-22 years na po ang relationship namin. May asawa din at mga anak pero hindi po siya kasal. Nagbo-board po siya. Kaso katulong niya ako sa pagbabayad ng boarding house niya. At kung mamalasin, kulang pa sahod niya dahil magpapadala siya sa pamilya niya. Kaya pati allowance niya minsan ako ang nagbibigay. Pati pagkain niya ako ang nagdadala sa boarding. Lahat pati mga sabon at panganagilangan niya sa katawan provide ko. Pati pagkakautang niya sa isang app hinihingan pa din niya ako ng tulong para bayaran ‘yun. Dahil inutang niya para sa birthday ng anak niya. Hindi ko alam paano ‘ko lalayo na sa kanya. Mahal ko siya. Ramdam ko naman, mahal niya ako. Dahil gusto niya maikasal kami pero hindi po p’wde dahil kasal po ako. Problema ko po ‘yung ginagastos ko sa kanya na kinukuha ko sa store ko araw-araw. Pero ‘pag sahod po niya walang natitira, padala sa pamilya niya. Kaya kahit isang candy hindi niya ako mabigyan. Tulungan mo naman sana ako, DJ Chloe. Ako po ang dahilan bakit siya lumuwas ng Maynila para magtrabaho dito, para makasama niya ako. Ayaw ko pong maubos ang ipon namin mag-asawa at ayaw ko din po gastusin ‘yung pinaghihirapan ng asawa ko para sa kanya. Natatalo po ng puso ko ang utak ko. Ilang beses na din po akong nakipaghiwalay sa kanya pero naaawa po ako sa klagayan niya. Ako lang po ang nakakatulong sa kanya. Help po. Please give me an advice.
Mrs. Anonymous
Hi Mrs. Anonymous!
Galing, ‘no? Puhunan niya lang sa’yo, magpaawa. Ateeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!!!!Ginagawa kang kabuhayan nu’ng boyfriend mo, na ‘di mo dapat boyfriend kasi may asawa ka naman. Once and for all kung ‘yang tao na ‘yan eh may kunsensya pa sa katawan, kausapin mo at makipaghiwalay ka ng maayos. Kung ‘di mo kayang harapin, maglaho ka na lang bigla sa buhay niya. Alam nya na dapat ano ibig sabihin nu’n. Kaya lang baka pestehin ka, habulin ka kunyari. Malaki kasi mawawala sa kanya kapag iniwan mo na siya. Pero ate, Malaki rin mawawala sa inyong mag-asawa kapag itinuloy-tuloy mo pa ‘yan. Mabigat ‘yan, te. Imagine mo, additional expenses mo na sana pambili mo na lang ng para sa sarili mo. How much are we talking about here? 3-5k a month? ‘Di mo lang namalayan malaki na nagagastos mo diyan. That expenses mo sa kanya can be used to get yourself a life insurance with critical illness benefit! For your protection and retirement. Haaaaay… tama na, girl. Hindi na ‘yan sarap eh. Pahirap na ‘yan.
-
COMMENTS















