CHLOE'S INBOX
Chloe’s Inbox – Parenthood is for the strong heart
January 9, 2020
-


Dear DJ Chloe,
I just wanted to ask some legal advice from your listener. I have a live in partner and we have two (2) kids. Sa umpisa, masaya at very smooth ‘yung pagsasama namin until medyo hirap na kami financially at ‘di kaya ng work niya ‘yung gastos namin. So I tried working abroad. Sabi ko two (2) years lang, mabilis lang ‘yun at masusuportahan ko ang mga needs ng family ko. Pero hindi naging madali kasi nga lalaki siya at may pangangailangan din so he found someone else. Naiintindihan ko siya sa point na ‘yun, DJ Chloe at hinayaan ko na lang. We settled na mag-usap na lang kami ‘pag nakauwi ako. My kids now is in my parents’ side. Now that I’m back, we talked things out kaya naman daw niya iwan ‘yung girlfriend niya for us and I’m really hoping na mabuo kami uli until I became pregnant again. Kaya lang this time parang nagdadalawang-isip na siya sa kung ano ba ang dapat niyang gawin. At sabi niya napamahal na sa kanya ‘yung girl at parang ‘di na rin niya kayang makisama sa’kin. I told him that I understand him, ‘di ko naman siya mapipilit, ‘di ba? Pero nakialam na ‘yung pamilya ko na magsama kami uli para sa mga bata. Kung hindi man kailangan niya magsustento para sa mga anak niya. Pero ayaw naman niya at sabing maghintay lang ako at magkakaayos din kami. Medyo stressed na ‘ko these days dahil sa dinadala ko plus ‘yung tatay pa nila na walang balls. Thank you and more power.
Jhen
Hi Jhen,
Maghintay ka daw? Magkakaayos din kayo? Noong pagbalik mo galing abroad ang sabi niya kaya niyang iwanan ‘yung girlfriend niya para magkaayos kayo. Nang mabuntis ka niya na naman, napamahal na sa kanya ‘yung babae niya and he suddenly realized na hindi niya na kayang makisama sa’yo. Oo naman, kasi kailangan niyang kumayod para sa tatlo plus isa pa dahil buntis ka. You being pregnant, mahihirapan kang mag-abroad. So biglang kambyo siya. You know right from the start, wala ka na talagang maaasahang tibay d’yan sa tatay ng mga anak mo. You went abroad to work na dapat siya na lang sana being the man of the house, instead of him taking care of the kids and working also, pambababae ang inatupag. Learn your lesson well this time, you can never trust his words. Drag him to go to your baranggay because he needs to support your kids. Do not believe people telling you that your kids don’t have the right to get support dahil hindi kayo kasal, hindi ‘yan totoo. Lahat madadaan sa maayos na usapan, yes. Pero madalas hindi tinutupad, ang pagsuporta ng ilang lalaki ay pahirapan. 100 % stress idudulot niyan sa’yo sa paghingi ng suporta, I promise you. Maoobliga, yes, pero maproseso. But if you’re willing to go through the process, believe me, susunod ‘yan sa usapan.
Two (2) things: 1) Go on with your life and totally get him out of the equation, and be a FOTHER to your kids; or 2) Ask for support, first go to baranggay and find out if it can be settled there. ‘Pag wala, hindi makipag-ayos or hindi tumupad, file a case RA 9262. Minsan kailangang turuan ng leksyon talaga. Lots of men go scot free with their obligations because WOMEN allow them to get away with it.
-
COMMENTS















