Chloe's Inbox - We can only do so much for the people we love
X

CHLOE'S INBOX

Chloe’s Inbox – We can only do so much for the people we love

January 17, 2020

  • EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - WE CAN ONLY DO SO MUCH FOR THE PEOPLE WE LOVE

    Hi DJ Chloe,

    Reading your advice for your letter senders becomes my daily habit. Hindi nga lang pala technically daily kasi hindi din daily ang mga letters. Anyway, I like your way of giving advice. Kaya sinubukan kong magsend to hear your opinion regarding this. I’m about to tell. Please call me Jess, 37 years old, married with a kid. Ang hihingan ko sana ng opinion ay tungkol sa kapatid ko na babae. Ako ang panganay, siya ang pangalawa. May partner siya na mas matanda sa akin at may dalawa na silang anak. Ang problema, hindi sila kasal at hindi pa p’wedeng ikasal kasi legal na kasal ang lalaki sa isang foreigner. Ang kwento, hindi ko alam kung gaano katotoo kasi wala na akong tiwala sa lalaki. Hindi niya pinaalam sa amin na kasal siya hanggang nu’ng nabuntis kapatid ko. Hindi ko rin alam kailan nalaman ng kapatid ko. Sa kagustuhan daw niya kasing mairaos sa hirap pamilya niya noon, nagpatulong siya ng tiyahin niya para ikasal sa isang foreigner para makaluwas at makapagtrabaho sa ibang bansa. Hindi natuloy ‘yun, ewan ko lang kung bakit pero dito sila kinasal kaya legal ang kasal nila. On-going na daw ang annulment process. Pinakitaan mga parents ko ng decision ng judge na favorable sa annulment kaso may additional process pa daw kaya hindi totally annulled pa sila. Ako, bilang panganay ang pinaka nagpush sa kanila na madaliin ang annulment para makasal sila. Nagsuggest nga ako dati na ‘wag muna silang magsama kasi gusto kong mapressure ang lalaki na kung gusto niyang buohin ang pamilya niya, dapat madaliin niya ang annulment. Kaso wala akong nagawa, kasi parang ako lang ang medyo aggressive sa aming pamilya sa idea na ‘yun. Ayaw din kasi ng parents ko na walang kalakihan na ama ang apo nila. ‘Yung iba kong mga kapatid, hindi din ganun kavocal kasi kasundo nila ang lalaki kasi magaling magbigay ng luho at galante. Magfo-four years na ang panganay nila at hanggang ngayon nagsama pa rin sila. Hanggang ngayon wala pa ring balita sa annulment. Responsible naman ang lalaki at may magandang trabaho. Nakaya nga niyang patigilin sa pagtatrabaho ang kapatid ko. OFW siya at regular ang uwian. Kaso medyo naiinis ako kasi makikita mo sa Facebook na grabe ka-extravagant kung umuwi. Kaliwa’t kanan ang outing, may video pa sa Facebook na namigay siya ng pera (50k) sa parlor games ng pamilya niya. Pero bakit hindi maasikaso ang annulment? Ang alam ko kung may pera ka lang, mabilis lang ang proseso niyan. Parang least priority nila ang kasal. Ako lang ba ang nagworry na lumaking illegitimate ang mga pamangkin ko? As a form of pressure for them, hindi ako nagcommunicate sa kapatid ko. Although, may group chat kami ng pamilya ko pero indirect ‘yung mga usapan namin. ‘Yung asawa ko lang ang kachat niya once in a while. Though parating kasama nila sa outing ang pamilya ng lalaki pero may times na ang pamilya ko ang kasama nila. Feeling ko tuloy na pinapalaki ko lang ang lahat na ito. Kasi it seems na ako lang ang tutol kasi ako lang ang hindi sumasama sa kanila. Kaya gusto ko sana hingin opinion mo, DJ Chloe. Tama ba ginagawa ko or masyado lang akong makaluma or OA. Thank you.

    PS. Mahaba ang letter ko. Kayo na bahala mag-edit para magpaikli kung may chance na i-feature to sa timeline mo. Salamat and more power.

    Hi!

    Ayaw mo lang madehado ang kapatid ko kaya ka ganyan, and that’s totally understandable. But what can you do kung siya mismo mukhang kuntento na sa buhay at kalagayan niya? Or maybe she knows much, things you don’t know, na ‘di mo siguro dapat malaman.

    On your part, you can only give an advice, voice out your concerns, pressure yourself by pressuring them na mukhang wala namang epekto sa kanila. But at the end of the day, it’s them who will decide for themselves.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.