Chloe's Inbox: "My husband had an affair with his sister-in-law"
X

VIDEOS

Chloe’s Inbox: “My husband had an affair with his sister-in-law”

March 25, 2022

  • Hi, DJ Chloe,

    I need some advice from you po. Ganito po kasi si hubby ko and ‘yung sister-in-law niya, nagka-affair sila. Many years ago, pansin ko na yung kakaibang closeness nila, binalewala ko lang yun dahil inisip ko na baka nagseselos lang ako, then comes January 2022. May nakapagsabi sa’kin na caught in the act “daw” niya si hubby at yung hipag n’ya gabi ng Dec 4 pa. ‘Di ko alam bakit ang lakas ng feeling ko na kalkalin phone ni hubby at do’n ko nakita na may fake account s’ya at ‘yung girl lang ang friend nya. For sure nagkaka-chat sila although deleted na’ yung mga messages. Kinompronta ko si hubby as usual dineny n’ya, pero bandang huli umamin din sya. Then, ito nga, Feb 9, hawak ko phone ni hubby, nagtext pala s’ya dun sa hipag n’ya pero binura nya, kaya yung reply nalang ni girl ang nabasa ko. Sobrang tumaas ang dugo ko at inaway ko si girl sa text, blocked nya kase ako sa FB after ko mag-post nung confrontation namin ni hubby. Puro masasakit na salita ang pinarating ko sa kanya, umamin din si girl at nangako na iiwasan na si hubby ko. Inamin din “daw” n’ya sa asawa n’ya nagkarelasyon sila. Ang asawa ni girl at si hubby ay magkapatid, kaya sobra akong galit sa kanilang dalawa. ‘Di ko magawang umalis because dito ako nagwo-work at may anak kam. Pinakamasakit kasi tinuring kong kamag-anak si girl, pure sincerity lahat ng pakikitungo ko sa kanya ramdam ko na iba yung treatment n’ya sa’kin. Sa ngayon, magkasama parin kame ni hubby sa iisang bubong, gano’n din yung girl, acting as normal pero bakit ako nagsa-suffer sa ganitong trauma, ‘di pa rin maalis sa dibdib ko ang galit sa kanila
    Pls advise me po, salamat at pasensya na. God bless you po.

    Thank you, DJ Chloe.

    Watch the full video to find out what was Chloe’s advise to the letter sender!

  • COMMENTS

Recent Videos

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.