Pray For Endurance
X

CHLOE'S INBOX

Pray For Endurance

January 13, 2016

  • EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - PRAY FOR ENDURANCE
    Good day to all specially to DJ Chloe!
     
    Gusto ko lang humingi ng advice. I know paulit-ulit na ‘yung ganito. I’m married with three kids for 13 years now. Malas ata ang 13 sa’kin kasi kung kailan mag-aanniversary na kami this coming January 26, nalaman ko pa na may mistress siya. Finally, after long and hard times of trying to find the truth. Now, I confirmed it. Ang sabi niya pinaaako daw nu’ng girl ‘yung baby sa kanya. Nakakalungkot, DJ Chloe, kasi sabi ko sa kanya bakit niya ginawa samin ‘yun na ginawa din ng papa nila sa kanila–may mistress din. Sabi niya hindi lang naman daw kami ang may ganitong problem pero sa pag-uusap at pag-uunawaan nakakasurvive daw. Nu’ng una pinalayas ko siya kasi ‘di ko talaga tanggap na bukod sa’min meron pa siyang ibang family or kabit nga. Iyak ako ng iyak, DJ Chloe. Noong New Year namin, habang ang iba masaya, ako sumasabog ang puso ko. Hiling niya DJ Chloe sa ngayon daw hayaan ko muna siyang ayusin ito. Aalamin daw niya talaga kung kanya ‘yun. At kung kanya, well, susuportahan daw niya kasi hindi daw siya iresponsableng tao.
     
    Pinatawad ko siya DJ Chloe at sinabi ko na okay lang kung may kabit siya. Tuwang-tuwa ‘yung loko at umalis agad. Mukhang excited ireport sa kabit ang napag-usapan namin. Well, if I am stupid he is more stupid. Marami pa kasing may kailangan sa kanya. Mapera ang asawa ko, DJ Chloe, kaya malakas ang loob mangabit. Gumaling lang ang anak ko na may sakit ngayon (leukemia) at ma-operahan ‘yung baby ko na my hernia naman, mapabili ko lang siya ng bahay naming mag-iina at pagnakahuthot na ko sa kanya at naka-ipon na (sorry sa term). Pero talagang inuutakan ko na siya. Anyway, ‘yung pera na nakukuha ko sa kanya ilalaan ko naman sa pagbabagong buhay naming mag-iina. Honestly, DJ Chloe, hindi ako mapagsamantalang tao pero sa ginagawa niya sa’kin tama lang ‘di ba na utakan ko din siya? Masakit din sa’kin ‘to pero sa paraan lang na ito ako makakabawi sa ngayon. Wala pa ‘kong work, maliit pa ang baby ko at natyempo pa ang anak kong isa. For sure, natatandaan ako ng iba mong followers. Gusto ko lang ng advice at konting pag-asa na kahit ito ang pinagdadaanan ko meron at merong makakaunawa sa’kin. Thanks po at God bless sa inyong lahat.
     
    Mrs. Taurus
     
    Dear Mrs. Taurus,
     
    Ahhhhh…the things a mother and a wife would and can bear. I’m sorry your “happy ever after” turned out this way. Since you have decided to endure, might as well “impose” yourself as the one and only legal wife because you really are. If the reason why you’re staying is because of the money then don’t just wait for as to how much and when he will give you. Get your hands on his money if you can because you have all the right and legal reasons to do so. You have kids with him and two of them are sick. You are his wife, so if he has money in the bank, your name should also be there via joint account. If you’re saying he is “mapera” demand to have a business under your name. Kahit simpleng apartment or condo that can be a source of cash flow for you, apart from what he is giving; and save. Be frugal. Properties? Make sure everything is conjugal. Your husband, I believe, wants to enjoy the best of both worlds. It’s your decision whether to let him or not. In some ways, what you’re doing is correct. Hindi puro emosyon. Learn to play your cards well and when the time comes na kaya mo nang mag-isa at buhayin ang mga anak mo on your own, leave.
     
    Sincerely,

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.