CHLOE'S INBOX
Never Enough
February 1, 2016
-

Dear DJ Chloe,I just want to hear an advice na makakatulong sa pinagdadaanan ko. I am 25 and I have a son. On and off po kami ng father ng anak ko dahil sa madami po kaming ‘di pagkakaunawaan, kahit na 2 years na po kaming magkarelasyon bago magka-anak. Unang-una na po ‘yung bagay na ayaw niya po umalis sa puder ng mother niya which is against sa’kin. Dahil po nu’ng last time na nagpunta ako doonn, nakatira ang kapatid niya na meron na ding asawa at dalawang anak.Ang balak niya dun din kami tumira kasama ng family niya at hindi ako pumayag. Ayaw ko ng ganu’ng setup dahil ang gusto ko po sana ay nakabukod kami at ayaw ko po na may pinakikisamahan lalo na kung hindi ako makakakilos ng gusto ko. Okay lang naman po sa’kin kahit maliit na upahan basta magkakasama kami pero ayaw niya. Ini-insist pa din niya na dun na lang kami tumira sa kanila. Second, ‘yung pagpapakasal, hindi na naman daw po yun importante dahil ang mahalaga naman daw ay ‘yung nagsasama kayo. ‘Yun po kase ang nakasanayan ng pamilya nila kaya gusto niya ganun din ang mangyari sa’min.Dumating po ‘yung time na nakikialam ‘yung mother niya sa away namin at hindi po ang paliwanag ko ang pinakinggan niya. Umuwi lang po siya dito sa’min nung 1 month na akong nanganak. Pero umuwi din siya sa kanila dahil sabi ng mama niya na mas makakahanap siya ng trabaho doon kesa dito sa’min. Nainis ako ng sobra pero inintindi ko na lang po, DJ Chloe, kahit hindi siya nagparamdam o mangamusta man lang sa anak niya at kahiti di nagpapadala sa mahigit isang taon, dahil alam ko naman na mas importante sa kan’yang tulungan ang mother niya. Siya po ang inaasahan kong susuporta sa anak niya pero sila mama at papa ang gumagawa ng responsibilidad niya. Last December, nagparamdam siya at sinabing gusto niyang maayos kami, mahal niya pa din daw ako, sinubukan ko dahil para sa bata, ayokong lumaki siyang walang ama.And ngayong January, nangyari na naman po na naulit lang ulit na nag-aaway kami sa walang kadahi-dahilang bagay, sinabihan niya po akong immature at masyadong negative sa buhay. Hindi ko na lang pinapatulan para wala nang gulo dahil lagi po sa tingin niya na lahat ng sinasabi at ginagawa niya ay tama.DJ Chloe, nahihirapan po ako kasi mahal ko siya pero hindi na po ganu’n kabuo ‘yung nararamdaman ko sa kaniya. Nasanay na po kasi akong mag-isa at okay na ako sa sarili ko at sa anak ko. Hinihintay ko na lang po ang father ko na makauwi galing abroad para makapag work na ako, nang sa ganun ako na lang sumuporta sa anak ko at ‘wag nang umasa sa kaniya. Sana po ay matulungan niyo akong makapagdecide. Thank you so much and more power. God bless.MMDear MM,In time you will be thankful that you were never married to him and that you have chosen to stand on your own. I’m glad na hindi ka ‘yung tipo ng babaeng magpapakamatay makasal lang.Biblical ang pagbubukod kapag ikaw ay nag-asawa na, lalo na sa lalaki. Mama’s boy ang asawa mo at, neng, napakahirap kaaway/kalaban ng nanay. :)You’re only 25, so what kung may anak ka na? 2016 na, mas kahanga-hanga pa ang mga babaeng pinilit na buhayin mag-isa ang kanilang anak dahil busy ang ama ng bata sa pagiging makasarili o kaya ay busy sa pagiging duwag.Hayaan mo siya, hindi kayo nagkasundo noon pa, what makes you think magkakasundo kayo ngayon? Focus on yourself, make your own money, kiber kung hindi siya magbigay basta’t nasa’yo ang anak mo. Hayaan mo siyang mamalagi sa saya ng nanay niya :) Let it go, mahal ng Diyos ang mga balo, ang mga single mother, ang mga babaeng iniwan ng asawa at mga anak na pinabayaan ng kanilang ama.Jus work with your hands and do everything you can to feed your child and you will see that God will never leave you empty. His provisions will overflow.Sincerely, -
COMMENTS














