CHLOE'S INBOX
The Person I Love Drifted Just Like That
February 3, 2016
-


Dear DJ Chloe,
Just call me Lily. Five years kami ng boyfriend ko. After that two years naman kaming LDR. Minahal ko siya sa kabila ng mga flaws niya. Minahal ko siya at tinaggap sa kabila ng mga hindi ko gusto sa kanya dahil sabi niya gusto niya ng magbago. Older siya sa’kin at paulit-ulit niyang sinasabi na “been there, done that” kaya ngayon na hindi na siya bata magseseryoso na daw siya sa buhay. Hanggang sa namalayan ko na lang na umabot na pala kami ng ganito katagal. Ang bilis nga eh, this March we’re turning eight years. Pero last year lagi na kaming nag-aaway. Nawawalan ako ng tiwala sa kanya. Ako naman kasi busy sa work ko. Pag nag-uusap kami lagi na lang kaming nag-aaway. Bago mag new year magkaaway pa kami hanggang sa January 2016–sumapit ang monthsary namin, birthday ko nagreet niya pa ako. Hanggang sa January 20 nagtaka na ako dahil hindi na siya sa’kin nagtetext. So nakigamit ako ng Facebook ng friend ko at sinubukan ko lang na i-search ang name niya sa Facebook. And may bago nga siyang Facebook account at doon ko nakita ‘yung mga palitan nila ng mga sweet messages ng babae niya. Take note, mas bata ang pinalit niya sa akin. So pareho ko binuksan ‘yung mga Facebook nila at nakita ko na Decdember 31 panay na ang pag-uusap nila sa Facebook at kung ano-ano na ang binibigay niya sa girl.
Right after na nakita ko at nalaman ko ang ginawa niya sa Facebook, tumawag at nagtext agad ako sa kanya at sinabi na bakit niya ako niloloko. Ayun, nakablock na ako sa cellphone niya, sa viber niya, and simula noon hindi na siya sa akin nagparamdam sa text. Iyak ako ng iyak, I even asked myself kung ano ba ginawa ko bakit niya ako niloko. Wala na talaga siyang matinong sagot. Nagreply siya sa isa naming friend. Hindi niya pa daw ako kayang harapin dahil daw sa “ugali ko” . Ang masakit pa dahil kahit alam niya na alam ko na ‘yung mga ginawa niyang panloloko ay hindi man lang siya nag-abala na mag-explain tapos siya pa ang may gana na hindi ako kausapin. Ang sakit-sakit ng ginawa niya sa’kin. Kung may problema kami bakit hindi na lang namin ayusin, hindi naman rason para lokohin niya ako at mag I love you pa siya dun sa babae niya. Ang hirap-hirap na. Ang tagal namin, bakit niya sa’kin nagawa ‘to. Nagmakaawa ako sabi ko kung may nagawa akong mali ayusin na lang namin. Ang sakit-sakit na talaga. Umaasa ako na babalik siya sa akin at ipapaliwanag lahat ng mga nangyari pero hanggang kalian ako aasa? Habang tumatagal namimis ko siya at ang dami kong tanong pero ayaw niya nang makipag-usap sa’kin.
Bakit gano’n? Hindi ko akalain na lolokohin niya ako at bigla na lang siyang manlalamig sa akin. Dahil ang alam ko mahal niya ako. Marami siyang nasakripisyo at may plano kami. May plano na kami at seryso ang relasyon namin. Hindi na siya bata, he’s 40 and I’m 28 tapos ang kinuha niya mas bata pa sa akin, bakit? parang kailan lang ang saya-saya pa namin. Parang kailan lang nangangako pa siya sa akin na susunod ako sa Manila tapos malalaman ko na lang ‘to at bigla na lang siya magkakaganito. Please help. Thank you.
Dear Lily,
I wish I have all the answers to your questions. But at some point in time, way, way back, I believe I have also asked myself some of the questions you’re asking yourself now. And have felt the feeling you’re feeling right now. And was treated the way you have been treated by this man. You know, dropped like a hot potato, lost in space, iniwang nga-nga, clueless.
I think he is right when he said na hindi ka niya kayang harapin. Ang mali lang dun, ‘yung sinabi niyang ‘di ka niya kayang harapin dahil sa “ugali” mo. Hahaha! For five years or more nahaharap ka niya at ‘yang ugali mo, anong kinaiba? Duwag siyang harapin ka, ‘yun lang ‘yun. Kasi wala namang explanation ang panloloko. Walang explanation kung bakit ka niloko ng isang tao. Desisyon ‘yun. It was his choice to fool you, betray you.
In our chat conversations, I have been a bit mad at you because you keep blaming yourself for what happened. Liliy, NOTHING YOU COULD HAVE DONE COULD PREVENT HIM FROM BETRAYING YOU, from getting another younger woman. He wanted to do it.
A woman is a woman. Kabuuan siya ng buong pagkatao niya, maingay, matalak, iyakin, emotional, selosa, lahat. And even if you changed for him, believe me, he will still do it. Find someone else younger than you. He got you when you were younger right? 20s? And he’s like what, 30s? Obviously, at 20 mababa pa ang standards mo sa lalaki. Kaya ka nabola kasi baby ka pa. Inubos niya ang kabataan mo at ni hindi ka man lang pinakasalan.
You can hate him but it won’t change a thing. But you can change something right now. You now have the opportunity to create the best life you can have. Not anchoring your happiness in this man or any man for that matter. Up to you, wallow in self pity or rise from this stronger more mature and more beautiful than ever. Always remember “looking beautiful is the best revenge.”
Sincerely,
-
COMMENTS














