CHLOE'S INBOX
I Have Forgiven My Boyfriend 7 Times
February 5, 2016
-


Dear DJ Chloe,
I had a five-years relationship sa isang man in uniform. Army po siya but end up with nothing. Last march 2016 we broke up. I was betrayed and cheated not once, not twice, but seven times. Yes, DJ Chloe, seven times. Sa five years namin, seven times ko din siyang pinatawad. Lagi akong nagdedecide to forgive him because I love him. I thought magbabago pa siya but I was wrong.
Last February, my schedule ako ng seminar sa Baguio. Then sabi niya ‘wag na lang daw ako maglalalabas ng hotel kasi tutal madalas kaming dalawa sa Baguio. Sawa na daw po ako sa view kaya imbis na lumibot ako pag free time ipahinga ko na lang. At isang reason niya kung bakit ayaw niya ko palabasin is my operation daw sila, hindi niya ‘ko maa-update from time to time. Madalas po kami sa Baguio kasi PMA graduate siya. Gosh, DJ Chloe, sobrang natouch pa ko kasi sobrang concern ng boyfriend ko sa’kin.
Then one of my officemates inaya akong lumabas to buy something to eat. Gulat na gulat po ako sa nakita ko. I thought kamukha lang niya. Medyo lumapit ako to assure kung si8ya talaga. Worst is siya nga talaga kasama niya ‘yung ex-girlfriend niya nu’ng cadet days niya. Three months lang naging sila nu’ng girl before pero sa loob ng five years namin, si girl hindi tumigil kaaaligid sa boyfriend ko. Worried na ‘ko that time but my boyfriend said ‘wag ako mag-alala kasi ako ang mahal niya at wala na lang sa kanya si ex kasi three months lang naging sila. Nu’ng nakita ko silang magkasama at holding hands pa, halos madurog ako. Gusto ko man silang sugurin at pagsasampalin, I kept myself calm kasi ayokong maiskandalo. At ang ginawa ko po naglakad ako sa harap nilang dalawa and said, “Hi hon, dito pala sa Baguio ang operation mo. Kamusta naman ang pag-ooperate mo sa kanya?” Then nakasmile ko po silang tinalikuran. Hinabol niya po ako then nag-usap kami sa hotel na tinutuluyan ko. I decided na makipaghiwalay na lang. It hurts me so much. The reason kung bakit niya daw nagawa ‘yun is dahil birthday ni girl, pinagbigyan lang niya. What a pathetic reason, ‘di po ba?
Two months ago after we broke up saka lang niya tuluyang binitiwan ‘yung girl na ‘yun. After po ni girl ang balita ko wala na siyang naging ibang babae. Then now, nakikipagbalikan po siya sa’kin. Lahat ng panunuyo ginagawa. Kung magpadala ng food sa office grabe po sa dami at every Monday parang laging opening ng office namin sa dami ng flowers. Kaya lang committed na po ako sa iba. One month pa lang po kami ng new boyfriend ko ngayon. ‘Yun din ‘yung isang kinakagalit niya. Hindi daw po p’wedeng mapunta sa iba ang mundo niya. Ayaw niya pong nagkaboyfriend ako kaya pinipilit niya po akong i-win back. But I know I still love him. I still love my ex-boyfriend. Sa 10 months naming hiwalay never ko siyang nakalimutan. Hindi po ako nakamove on. Honestly, hindi ko alam anong magiging desisyon ko. Natatakot din kasi ako na baka maulit lang ‘yung nangyari. Am I going to be miserable with him again? Do I need to trust him one more time? At isa pa iniisip ko po si new boyfriend ko. Thank you and God bless.
Miss Catz
Dear Miss Catz,
Forgiving seven times? Ano ka asawa? Kung asawa mo p’wede eh. But since girlfriend ka pa lang, once ka lokohin at pinatawad mo ulit, bumababa na “marketing value” mo sa kaniya. He was able to get away with it? He can get away with it again. And you proved him right. Seven times ba naman. You deserve a jacket! :)
There’s a possibility na maulit na naman ang nangyari sa inyo. Seven times nga eh. Unless, he’s a changed man. Nagkaroon ng spiritual transformation. Men don’t change. They just grow old but sometimes they do change, if there’s divine intervention.
I am not in favor of what you did. Ginawa mong rebound ‘yung isang lalaki. So what I can tell you is this, let go of both of them and heal yourself. ‘Wag kang magpapaniwala sa ex mo na hindi p’wedeng mawala ka sa mundo niya. Selfish siya. When he is bored, andyan ka. When no one is available, andyan ka pa rin. Tao ka, hindi ka bagay, okay?
Let go of both of them and LOVE YOURSELF. That’s the best thing you can do.
Sincerely,
-
COMMENTS














