CHLOE'S INBOX
I Have Three Kids With Different Dads
February 5, 2016
-


Dear DJ Chloe,
Itago niyo na lang po ako sa pangalang Ms. Pisces. I’m 36 years old and I have three kids. Puro sila babae and iba-iba ang tatay nila. Kasi ‘yung panganay ko, anak ko sa pagkadalaga. Then sa pangalawang anak ko kinasal kami pero nagkahiwalay din kami after ilang years dahil ang dami niyang bisyo. Kaya iniwan ko siya. After ilang years nagkarelasyon ako ulit at nabuntis ako sa bunso ko pero ‘di rin kami nagtagal dahil nag-abroad siya at ‘di na kami binalikan dahil nagkaro’n siya ng babae doon. ‘Yung two daughters ko nasa akin at ‘yung isa nasa tatay niya. Hindi naman ako naghahanap ng karelasyon pero maraming nanliligaw sa’kin. I entertained suitors kasi ayaw ko rin tumanda mag-isa. Iba pa rin ‘yung may kasama ka sa buhay. My question is kailangan ko ba na itago ang katauhan ko sa mga gusto manligaw sa akin? Ang nangyayari kasi, DJ Chloe, every time na may nanliligaw sa’kin ino-open ko na agad ‘yung past ko sa kanila para alam agad nila ang nakaraan ko bago pa man kami humantong sa isang relasyon. Pero parang mali kasi pagnalalaman nila ‘yung past ko umaatras na sila na ituloy ang panliligaw nila. Ewan ko kung nat-turn off ba sila dahil sa past ko. Kaya naiisip ko tuloy na dapat ko ba ilihim muna ‘yung past ko then pagkami na tsaka ko na lang o-open up kung ano man ang nakaraan ko? Kasi lahat nang nagtry manligaw sa’kin pare-pareho ang nangyayari. Umaatras lahat sila. ‘Di ko naman magawa na lokohin sila at magpretend ng iba sa totoong pagkatao ko.
Meron nga nanligaw sa’kin gusto ko na rin siya kaso nu’ng nalaman niya ang nakaraan ko hindi na siya nagparamdam sa’kin. Nasaktan ako ng sobra kasi parang mahal ko na siya. Ang akala niya lang kasi na iisa lng tatay ng mga anak ko. Nun’g nalaman niya na iba-iba pala ang tatay nila, ayun, bigla na lang hindi nagparamdam. Kaya parang nagsisisi ako bakit sinabi ko pa lahat ng past ko sa kanya. Dapat siguro nilihim ko na lang na iba-iba ang tatay ng mga anak ko. Kasi mukhang ‘di naman nila maiintindihan ang pinagdaanan ko. Iniiisip siguro nila na malandi akong babae kaya nakatatlong lalaki ako. ‘Di kasi nila alam ‘yung pinagdaanan ko kaya nangyari ‘yun. Ano ba ang dpat kong gawin, DJ Chloe, please advice. God bless and more power to you.
Dear Miss Pisces,
Valid naman ang reason mo na maganda pa rin tumandang may kasama ka pero sa tingin ko hindi ka naman tatandang mag-isa kasi may mga anak ka, dear. Tatlo pa, sila ba , hindi kasama? So ano mo sila? Asset mo sila and never will they be a liability to you. If you, bring them up well and be THE BEST MOTHER YOU CAN BE.
If you have loved and cared for your kids and they have seen you doing your best to bring them up, they have seen your struggles and you have been the best mother that you can be, then your kids will definitely take care of you. And love you when you’re old and grey! Kultura nating Pilipino ang hindi itapon ang mga magulang natin, ‘di ba?
I feel you, you want to have someone to talk to at night, share burdens with, pero hindi pa oras eh, at hindi pa para sa’yo.
Pero I’ll tell you what, if you’re like a very successful woman, you have a career, and you exude this aura that “you don’t need a man to complete me” kind of thing, puputaktehin ka ng lalaki. Men like women they can’t just conquer and they wouldn’t mind even if you have five kids pa with different men. Lalo’t they can see na kaya mong buhayin sarili mo pati anak mo, pati sila na boyfriend/partner mo, you can always find a man. But before you do that find yourself first. Define yourself first. Am I a mother or do I want to be a clingy woman who’s always on a hunt for a man?
Nagkalat ang lalaki, neng, sa mundo. Pero ang babaeng de kalidad, hindi. Make yourself one.Tama na muna sa lalaki, unahin muna ang mga anak at sarili.
Sincerely,
Chloe -
COMMENTS














