CHLOE'S INBOX
The Proposal
February 6, 2016
-


Hi DJ Chloe,
May naging karelasyon ako ng five years at sa five years na ‘yon, nakita ko kung ga’no ako kamahal ng girlfriend ko. Nagawa ko s’yang lokokin nang minsan. Nu’ng nalaman niya napatawad niya din ako agad. Hanggang sa naulit ng naulit pero pinatawad niya pa din ako hanggang sa nagsawa na siya at iniwan ako. Mahal ko siya, mahal na mahal. Kaya ko lang nagawa ‘yun kasi naging panatag ako na kaya pa ako laging patawarin. Alam kong mali ‘yung mga ginawa ko. Hiyang-hiya ako sa family niya, sa kan’ya, at sa family ko. Ako ‘yung former boyfriend nu’ng letter sender na si Miss Catz.
Narinig ko DJ nu’ng binasa mo kahapon (February 5), tinawagan ko siya para i-confirm at siya nga.
Hon, kung marinig mo ‘to mahal na mahal kita. Oo, alam ko nagkamali ako. Alam ko din na nasaktan kita ng husto at hindi ko matatanggal lahat ng sakit sa puso mo. Pero isa lang ang alam ko mahal na mahal kita. Sa 10 months na wala ka sa’kin hindi naging maayos ang buhay ko mas ginugusto kong malunod sa trabaho. Pero ngayon lahat gagawin ko, babawi ako. Alam ko hirap kang maniwala pero sinisigurado ko sa sarili ko na bago ‘ko bumalik sa’yo nagbago na ‘ko. Sisiguraduhin ko na mapaiyak man kita ‘yun ay dahil sa tuwa. Hindi dahil nasaktan kita. Sana mabigyan mo ko ng isa pang pagkakataon para makabawi ako. Miss na miss na kita. Miss na miss ko na ‘yung taong andyan lagi para alalayan ako. Andyan lagi pag mababa ang morale ko. Namimiss ko na din lahat ng pag-aasikaso mo sa’kin at higit sa lahat namimiss ko na din ‘yung tayo. ‘Yung dating tayo. Kung mabawi man kita hindi na kita papakawalan. Nagdesisyon ako na dito ko ‘to sabihin at seryoso ako.
Miss Catz, WILL YOU MARRY ME?
Lt. Soldier
Dear Lieutenant,
Never underestimate the power of a woman. That’s what I can tell you. And to tell you what, I don’t like that you cheated on her seven times. And at this point I don’t know if you are really genuine with your repentance. I just hope that you are. We only have one life to live sir and we can’t afford to keep hurting people, we say, we love.
You treated her badly, but are now aware of that, then that have made you grow as a person.
If you will be forgiven and be given a second chance don’t you dare waste it. Now if there is still love between you, then giving a second chance may lead to a more mature and fulfilling relationship.
Sincerely,
-
COMMENTS














