When I Need To Use My Head Over Heart
X

CHLOE'S INBOX

When I Need To Use My Head Over Heart

February 18, 2016

  • EASY-ROCK-CHLOES-INBOX-WHEN-I-NEED-TO-USE-MY-HEAD-OVER-HEART

    Hello DJ Chloe,

    I decided to message you because I am really confused. First time ko magkaroon ng boyfriend na seaman. Three months na kami at paalis na naman siya to work. After five years, I gave myself the chance to be happy again. Naging masaya naman ako at nakakapanibago being in a relationship halos nasanay na kasi ako mag-isa bago siya dumating. Mabait naman siya, magalang, pleasant looking, may stable na trabaho. Hindi ko alam he seemed to be perfect pero hindi ako at peace. Parang too good to be true siya.

    Last week, I discovered online ang four accounts niya sa Facebook using different names. Nalaman ko din na apat na ang anak niya sa iba’t-ibang babae. Sinarili ko ‘yun. One time, I asked him pero ‘yung dalawa lang ang inamin. Nasaktan ako kasi he lied to me. Ngayon ang dami-dami niyang issues sa past niya. Yesterday, pinabasa niya sa akin ang text ng isa sa mga naanakan niya asking for financial support dahil dalawa ang anak niya dun. Sabi ko sa kanya bakit hindi mo replayan. He said, “Nu’ng nalaman ko na buntis siya sabi ko sa kanya, ‘gusto mo siguro akong hawakan sa leeg kaya hinayaan mong mabuo ulit yan.'” That moment, nawalan ako ng gana. Nainis ako sa kanya. Mahal ko siya pero mas gumana ‘yung isip ko. Baka in time na mabuntis niya ako ganon din ang sabihin at gawin niya sa akin. Naguguluhan ako, DJ Chloe. Kaya bang magbago ng lalaki? Hindi ako at peace sa relationship ko sa kanya. Harap-harapan panay text niya kung kani-kaninong babae. ‘Yung feeling ko na alam ko namang sinungaling pero mahal ko pa din. But I need to stop na. I want to save myself. Pero nahihirapan ako to get out of this situation. Lastly, he asked me a favor. Money matters naman. Para sa business. Ang alam ko lang hindi ako at peace. Puro ako duda. Nakita ko na kung paano siya. Never siya umamin. Sa mga ganitong klaseng lalaki ba wala ng pag-asa magbago? What can I do to save myself? I still love him but I need to use my head this time. Thank you DJ Chloe for spending time to read my story. Godbless.

    Confused Jane

    Dear Confused Jane,

    Please do yourself a favor, walk away right now. Apat ang naanakan? So ikaw? Gusto mo maging panglima? You asked me if men like this boyfriend of yours will or can change? Men don’t change, they just grow old. Apat inanakan niya ni hindi niya pinanindigan, denied the other two, maintaining four accounts on Facebook? What else do you need to know to make you run for your life? Hindi niya na nga pinanindigan mga anak niya, disrespectful pa siya sa INA? Anong klaseng lalaki ‘yan? LALAKI BA ANG INA N’YAN? LALAKI BA NAGLABAS D’YAN? At napakabastos sa babae? You keep on saying that you need to use your head this time. So, what are you waiting for? More complications? Like MONEY MATTERS? Miss, if a MAN truly loves you, he will never bother you with money. In fact ikaw pa tutulungan pagkailangan mo. Pero ito, ilang inch ang kapal ng balat? Hay ewan ko ano pa ginagawa mo d’yan sa sitwasyon na ‘yan. Ngayon din mismo, layasan mo. Magbabago pa? P’wede, pagnakilala si Cristo. Pero kung para sa’yo? Never. ‘Di nga napagbago kahit ng nanay niya eh, ikaw pa kaya? Pack up! Life is short to waste your time on men with issues!

    Sincerely,

    Chloe

     

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.