CHLOE'S INBOX
Maybe He’s Doing It On A Purpose
February 22, 2016
-


Today on #ChloesInbox…
Dear DJ Chloe,
I need lang po ng advice niyo. Nahihirapan po kasi ako kung paano ko pa hahabaan ang pasensya ko sa boy friend ko. Minsan gusto ko na talagang sumuko. Pero mahal ko kasi. We’ve been in a relationship for four years. At ang palagi kong ikinaiinis sa kanya ay ang pagsabay sa akin sa tuwing naiinis din ako. Minsan inaamin ko naman sa sarili ko na mababaw talaga. Sana man lang kapag naiinis ako ‘wag siyang sasabay at kung may irereklamo siya sa akin ay sabihin niya kapag hindi na ako naiinis. Bali ganito. Sa tuwing mag-aaway kami wala akong peace of mind. Dahil sa mga gingawa niya sa past na nakikipag kita sa taong pinagseselosan ko. At naulit ng naulit at eto pa po nalaman ko din na umalis siya kasama mga kawork niya. Okay lang naman sa’kin ‘yun, DJ Chloe. Kaso nu’ng tinanong ko na siya kung umalis nga siya nagsinungaling siya sa’kin. Ang hirap po. Kasi kada may malalaman ako sa tuwing magkaaway kami nababawasan ‘yung tiwala ko sa kanya. Mga simple things na lumalaki dahil sa tuwing nag-aaway din kami lagi na lang niyang pinuputol ang usapan hanggang sa hindi na kami mag-uusap. Please help me. I need your advice po. Thank you and God bless po.
Sweet SS
Dear Sweet SS,
Hindi kaya he is doing things on purpose? How you wish he can be this and that. The bad news is we can’t tell people to be this and that. Ugali na nila ‘yan eh.The way I see it, kaya ka naiinis dahil hindi mo makuha ang gusto mo sa kanya:
1. ‘Yung hindi ka sabayan pag-inis ka.
2. He goes out and have fun while you’re making mukmok dahil magkaaway kayo at ikaw ang walang peace of mind while he is having the time of his life, sinong talo?
3. Pinuputol niya usapan pag nagtatalo kayo, leaving you frustrated because you were not able to vent out.Don’t you think you would do yourself a favor if you give him space? And just let him be? If a man cares for you he will let you know where he is, what he’s up to.
I think you’re loving him too much and he knows it. Do you want a man to love you more? LOVE HIM LESS. :)
Sincerely,
-
COMMENTS














