From A Concerned Friend
X

CHLOE'S INBOX

From A Concerned Friend

March 8, 2016

  • CHLOE'S-INBOX---COMING-FROM-A-CONCERENED-FRIEND

    Hello DJ Chloe!

    Magandang araw! Avid fan here. Something is bothering me right now and I need to seek someone’s advice if tama ba ‘yung ginawa ko o hindi. Nope, hindi po ito love life. I have a friend, kumareng buo, isa sa mga best friend kong matatawag. College pa kami, kilala na siya as someone na materialistic at ambisyosa, but she’s not someone na mangaagrabyado or tatapak ng kapwa or manggagamit para magkapera.

    Masipag siya and she will do anything to provide for her family. Wala namang kaso sa akin or sa tropa namin kung ganoon siya. Kumbaga, tanggap naming na ganoon lang ang ugali niya pero mabuti naman siyang tao. Minsan, biro-biruan na lang sa buong tropa na ang tawag sa kaniya ay “material girl or bilmokogirl”. Okay naman ang lahat hanggang sa heto, may sari-sarili na kaming pamilya at mga anak. Nakapag-asawa siya ng seaman, nagkaroon sila ng dalawang anak. Malayo din ang narating niya, marami-rami na rin ang naipundar, maganda ang kotse, dalawa ang hinuhulugang bahay at madami ang negosyo. We’re happy for her especially me, of course. Everything’s going well until nagkasakit ang asawa niya ng kidney infection.

    Unti-unting humina nang husto at hindi nakapagtrabaho ang asawa niya at dahil doon kinailangan niyang mas doblehin pa ang pagkayod para matustusan ang lahat ng gastos. Isang katerba kasi ang binabayaran nila, ‘yung magandang kotse, mga bahay, pang araw-araw na pangangailangan ng pamilya niya at siyempre panggamot ng asawa niya, sa mga panahong ito, talagang pinagsakluban siya ng langit at lupa. Nagoopen up siya sa akin, she’s telling me na parang sinusukuan na niya ang asawa niya at minsan she’s questioning God na rin why is it happening to her, wala naman daw siyang inaagrabyadong tao.

    As for me, I know exactly why it happened to her. Napansin ko kasi talaga na sobrang money-driven na ang buhay pamilya niya. Literal na hindi na sila nagpapahingang mag-asawa. Pagod at puyat palagi sa tindahan, internet shop, water station at iba pa. Sa dami ba naman ng binabayaran nila, kailangan talaga nila kumayod. Nahirapan na rin makabalik sa barko ang asawa niya, kasi nga sakitin, so, kayod kalabaw talaga. Dumating sa point na hindi na rin sila makapagsimba kasi nga daw sayang ang kita kung magsasara sila ng Sunday. In short, they’re living a very unhealthy lifestyle na talaga, physically and spiritually. Hindi ako nagkulang ng pagsasabi sa kaniya noon pa man na, “Mars, magpahinga kayo, sige ka, sisingilin ka niyan in time”, ang sagot niya lagi, “ay naku mars, hindi talaga puwede, ang dami ng binabayaran, next time na lang niya ‘ko singilin kapag tapos na nang pag-aaral ang mga anak ko”. Ngayon, ito na nga, ang oras ng paniningil. Ano daw ang gagawin niya, wala na raw silang pera, kahit buong araw siyang magtrabaho nauubos lang sa medical expenses.

    Hindi na raw niya alam ang gagawin and at risk na rin ‘yung faith niya. And I felt like, kailangan ko na siguro talagang sabihin sa kaniya or else baka mahuli na ang lahat. So, I told her the things that I’ve been longing to tell her, that she’s not getting the clear message of God because iba ang motivation niya. I told her to surrender all to God at nagpaka-specific ako sa advice ko sa kaniya. Sabi ko, magbawas siya ng mga ari-arian niya para makatulong sa expenses niya at mabawasan ang mga binabayaran niya at nang sa gayon, magkaroon din siya ng oras para maalagaan ang asawa at mga anak nya, kasi pati mga anak niya nagkakasakit na rin kasi hindi niya na matutukan sa dami ng inaasikaso niya. I told her things like, huwag siya manghinayang sa mga pansamantalang bagay sa mundo gaya ng ari-arian, dahil kapag iyon ang nawala, maibabalik pa niya, pero ang buhay at oras kapag nawala, di na maibabalik ‘yun”. You know what happened after I told her that?

    Galit! Galit na galit sa akin. Ano raw ang gusto kong ipahiwatig? Na mas importante pa ang ari-arian kaysa sa asawa niya. How dare me raw to make her feel that, gayong lahat ng pagsusumikap niya ay para sa pamilya niya. Hindi ko raw alam ang pinagsasabi ko kasi wala raw ako sa sitwasyon niya at hindi raw ako makaintindi, na sa sitwasyon nila ngayon, mas kailangan pa nga niyang i-secure ang ari-arian nila para sa mga anak nila. Sabi ko din kasi, “God will provide, ‘wag ka magworry, i-surrender mo ang lahat mo sa kaniya even if it means giving up some of your possessions and trust that He will provide”. Ang unahin niya ay ang pag recover ng health ng asawa niya at huwag kung paano i-sesecure ‘yung kinabukasan ng mga anak niya kapag nawala ang asawa niya. It bothers me. Mali ba ako for being honest to her sa mga oras na parang pinagsakluban siya ng langit at lupa? Actually, pakiramdam ko nga kulang pa ‘yung mga sinabi ko sa kaniya. Hinay-hinay pa ako at ingat na ingat sa mga words na gagamitin ko pra hindi siya masaktan at nang sa gayon ay hindi iyon ang maging dating sa kaniya, pero ganoon pa rin talaga kahit anong way nang pagsabi ko. I want to tell her na talagang siya ang nagdala sa pamilya niya sa sitwasyon niya ngayon. I felt guilty na hindi na, ewan ko ba, marami pa akong gustong sabihin sa kaniya kasi parang hindi niya parin nage-gets eh at pakiramdam ko hangga’t hindi niya parin nakikita ‘yun, she won’t get out of that situation. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya ako kinakausap at sa tingin ko, hindi na ako kakausapin noon kahit kailan.

    My plan is to tell her all, as in lahat, magalit man sya. Things like, hindi niya inuna ang health ng pamilya niya, nawalan siya ng oras kay Lord, ‘yung pagkamaterialistic niya, ‘yung sobrang love niya for money. I want to tell her to repent, magbagong buhay na siya, magbalik-loob siya sa Diyos. But I’m bothered inside. Am I being so righteous? Baka naman nagmamagaling lang din ako? Tama ba na sabihin ko sa kaniya ‘yan sa mga panahong ito na ang dami-dami niyang problema? Makakatulong ba talaga kung paprangkahin ko siya ng ganoon o ititikom ko na lang bibig ko? Kasi sigurado, masasaktan iyon at magagalit talaga sa akin. Kilala ko ‘yun, kahit noon pa, doon siya pikon na pikon, kapag sinasabihan siya na materyosa. Ang saktan siya ang pinakaayaw kong gawin sa mga panahong ito, kasi naaawa na talaga ako sa pinagdadaanan niya. Pero, if I won’t tell her that, what if ‘yun ang makatulong sa kaniya? Aantayin ko pa ba na baka mangyari pa ang worse? I don’t know, naguguluhan ako. Ano po sa tingin ninyo?

     

    Dear Concerned Friend,

    Did she asked for your opinion? There’s a difference between asking for your opinion and just purely wanting to vent out.

    According to our chat conversation, you told me she did not. So I believe that’s where it started. Look, she already knows what she is into. You don’t need to reinforce. Ramdam na ramdam niya na ‘yun kasi siya ang nasa sitwasyon.

    You could have just listened and asked her if she wanted your opinion about it or not.

    Your intention is really good but she is not ready to listen. You know what’s the best thing you can do for her? Pray for her. If you really are a Christian, a friend, you would pray for her.

    Prayer changes everything and I have proven that so many times in my life. It’s what I do when I don’t know what to do.

    Sincerely,

    Chloe

     

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.