CHLOE'S INBOX
How Can Something So Right Be Something So Wrong
April 4, 2016
-


Hello DJ Chloe,
Just call me Ms. Why, a medical representative. Now in my mid 40s. Married for 22 years with four children. Year 2010 I met this doctor, separated siya with his wife but with four children also. 15 years older than me. The first time I met him may something in the air that I cannot explain. Para bang ang gaan ng loob ko sa kanya at parang pakiramdam ko nagkakilala or nagsama na kami sa ibang buhay. In short, nagclick kaagad ang samahan namin. Nagkasundo kami, naging regular na communication at pagkikita namin dahil nagtuloy-tuloy na ang order niya ng gamot sa’kin para sa clinic niya. Ramdam na ramdam ko, DJ Chloe, na gusto niya ako. Sobrang special ang pinapakita niya sa’kin at ibang-iba ang treatment niya sa’kin. Alam namin sa isa’t isa na unti-unti na kaming nahuhulog pero walang mag-umpisa ng usapan kung pa’no. Alam ko ayaw niya masira ang pamilya ko kasi nakita niya na buo at walang kulang sa buhay ko at nakita ko sobrang respeto niya sa’kin. Fast forward. Dumating sa point na lumalabas na kami with some common friends in the industry. Eat out. Pasyal. Bonding. Naging madalas ‘yun. Hanggang nagkaroon na ng tuksuhan with those friends dahil nga nahahalata na nila ang special treatment namin sa isa’t isa kahit talaga namang wala pang “kami”. It was Christmas of 2012 when we were in a party in one of our common friend’s when suddenly we kissed. It was a kiss that sealed it all. ‘Yung halik na ‘yun ang naging confirmation ng nararamdaman namin sa isa’t isa. Sa halik na ‘yun nag=umpisa ang relationship na matagal sana namin pareho iniiwasan at dine-deny sa mga sarili namin. After that kiss, sa isa’t isa na tumakbo ang buhay namin. Halos araw-araw pagkatapos ko ayusin ang mga dapat ko ayusin sa work ko, sa clinic na niya ako nakastay maghapon and vice versa. Siya din naman kapag walang clinic or walang pasyente, siya naman sumasama sakin sa field work ko. May mga friends kami na alam ang tungkol samin at tago na tanggap kami. Sila din ang mga kaibigan na kasama namin minsan kapag lumalabas kami. The relationship lasted for almost two years na halos araw-araw magkasama. Sobrang naging masaya at umasa na hanggang sa dulo kami kahit alam niya na wala siyang aasahan sa’kin dahil may pamilya ako. Hanggang isang araw nag-away at nagkatampuhan kami. Naghintay ako na siya ang unang bumati sa’kin pero naghintay din pala siya na ako ang unang bumati sa kanya. Sa paghihintay namin sa isa’t isa hindi namin namalayan na buwan na ang lumipas at sobrang naging malayo na kami. Hanggang sa nawala na lang. Pareho kaming sobrang nasaktan at hanggang ngayon nasasaktan according to our common friends. Ilang buwang disorganized ang buhay ko and ganun din naman siya, sabi nila. S’werte daw kami dahil natapos kami ng tahimik at walang nagulo dahil walang nakaalam na naging kami. Pero ewan ko, DJ Chloe. ‘Di matahimik ang isip ko. Nakahang kami pareho. Pareho na kaming may pride. Kailangan pa ba namin mag-usap at magkaroon ng closure? Or hayaan na lang na matapos ang isang naging magandang samahan ng ganito na lang? Isang taon na kaming ‘di nagkikita sa June. Please give me advice on what to do. Hindi pa din ako makamove on sa kanya. Hindi ko alam kung ang pag-uusap ba ang magiging dahilan para matahimik ang isip ko. Napakadami ko kasing tanong sa isip ko at ang dami ko din gusto sabihin sa kanya. Tama bang kausapin ko pa siya? At pa’no naman kung siya na ayaw makipag usap. Ano dapat kong gawin kung sa part ko naman, closure ang hinahanap ko para matahimik ang isip ko? Please help.
Dear Miss Why,
You know, I really wanted to just give you this phrase “you have your family, husband, kids. That’s your closure.” I mean, I do understand. How can something so right turn out to be so wrong, ‘di ba? Your friends are right. You guys ended it smoothly not disastrously! What if your husband learned about it? Is your doctor also married like you? What if the wife found out? Sometimes we enjoy being wrong so much that we forgot that while we are in this world we should be doing things right. Sa k’wento mo para kang teen-ager. Neng, apat na anak mo. It was good while it lasted! Now that’s enough! It ended, maybe God intervened and ended it to save you from further damaging your family, yourself, and his family. You don’t need a closure! You need to stop your illusions! They’re grand! Fix your marriage life! And focus on your kids. Tama nang nag-enjoy ka. Time, chance, and God is already giving you a way out! By all means walk away and leave not just this man but this situation for good.
Sincerely,
-
COMMENTS














