Settling For Less Best
X

CHLOE'S INBOX

Settling For Less Best

April 7, 2016

  • EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - SETTLING FOR LESS BEST

    Hi, DJ Chloe!

    I’m Kim. Married na po ako for almost 10 years. Okay sana ang estado ng buhay ko, maganda ang trabaho ng mister ko bilang call center agent. May dalawa po kaming anak. Ang problem ko po, DJ Chloe ay ‘yung mismong mister ko. Babaero po sobra. Sa 10 years namin halos lagi ko po siya nahuhuli nangbababae at ang latest po niya ay nagkaanak na siya sa babae. Nu’ng una away po kami ng away dahil dun. Ilang beses na din po niya sinabi na maghiwalay na lang kami kung ‘di ko matanggap na nagkaanak siya sa iba. Mahal na din daw niya ‘yung babae. Lagi ko pong tinatanong sa kanya kung ano po ang pagkukulang ko. Kesyo lagi daw po akong nagger. Opo, aminado na ko dun dahil sa lagi niyang pagsisinungaling at pangloloko sa’kin. Nawala na po talaga ang tiwala ko sa kanya. Pero one day po nakachat ko ‘yung kabit niya. Ang sabi niya sa’kin nun nakilala daw niya ang asawa ko na ang sabi daw po binata siya. Tapos binahay daw po siya. Nu’ng nalaman niyang may pamilya humiwalay daw po siya kasi mali. Tapos after one year nagkaroon daw sila ng communication ulit at dahil nga nabuntis siya ng asawa ko pumayag daw po siya ulit sumama dito. Ang dahilan kasi ng asawa ko mga bata na lang daw po kasi ang pinupuntahan niya. Ang sakit po, DJ Chloe. Kasi pag ‘di pala umuuwi sa’min ‘yun asawa ko nasa kanila pala. Pinagsabay niya po kami. Pinapili ko po asawa ko. Ayaw daw niya na iwanan kami. Pero my resposibilidad daw po siya dun sa babae. One time po nagchat kami ulit nu’ng girl. Wala na daw sila ng asawa ko. Makati na tawag niya. Kesyo napakababaero daw po ng asawa ko. Lahat daw po ng galit ko sa kanya ibaling ko na daw sa iba. Kinausap ko po tungkol dun ang asawa ko. Sabi niya sinisiraan na daw siya nu’ng kabit niya sa’kin dahil daw madalang na nga daw niya mapuntahan. To be honest, DJ Chloe, my instincts say na palabas lang nila ‘yun para ‘di ko na sila pagdudahan. Feeling ko po kasi nagkikita pa din sila. My mutual friend kami sa Facebook na nagsasabi sa’kin about sa mga post nu’ng babaeng ‘yun. Kesyo may work na daw siya at sa province siya naassign. Dun na daw siya for good. Kung totoo man, God knows na lang. Ang asawa ko ganun pa din ang treatment sa’kin. Malamig. Busy lagi sa work. Walang time!

    Until nakausap ko ‘yung dati kong classmate na lalaki. Hiwalay na po siya sa asawa niya ng two years. Nasa abroad po siya ngayon nagtatrabaho. Naopen ko po sa kanya lahat ng problem ko. Pag ‘di po umuuwi asawa ko sa bahay siya po ang kachat ko. K’wentuhan lang hanggang sa nag-open sya sa akin naiinlove na daw po siya. Tutal naman daw po bale wala daw ako sa asawa ko sa kanya ko na lang daw po ibaling pagmamahal ko. Tanggap din po niya dalwa kong anak. Sabi niya pag-uwi niya magkita daw kami. Sa totoo lang po bigla ako naconfuse. Parang gusto ko na po tanggapin siya. Kaso nangingibabaw pa din pagmamahal ko sa asawa ko. Umaasa pa din po kasi ako na one day nakikita din ng asawa ko ang worth ko at mahalin na din niya ‘ko ng totoo. Kaso nine years ko na po ginagawa ang umasa. DJ Chloe, super confuse talaga po ako. Anu po ba dapat kong gawin? May taong gusto po ako mahalin at higitan pa ang pagmamahal niya sa’kin. Nagkakaunawaan po kami sa problem ko na ‘to dahil siya po iniwan ng asawa niya dahil sumama naman sa ibang guy. Super complicated. Sana po mabigyan niyo ako ng advice. Thanks po.

    Kim

    Dear Kim,

    1. Hiwalay sa asawa dahil si babae sumama sa ibang lalaki

    2. Pinakasalan lang dahil nabuntis

    3.Nagsasama na lang dahil sa bata

    ‘Yang mga ‘yan, top grosser na kasinungalingan ng mga lalaki. Okay na sana eh kuha mo na simpatiya ko dahil matiisin ka at nakapag-asawa ka ng babaero. Kaso sumemplang sa huli, may bagong lalaki! Hindi ba p’wedeng pahinga muna tayo, neng? Kailangan talaga may kapalit agad? Sigurado ka d’yan? May alam ako, may nakilala online, almost a year magkachat. Hiwalay daw siya. Pag-uwi ng Pinas ng lalaki boyfriend/girlfriend sila. Ang ending hindi pala hiwalay. Nalaman ng asawa ang mga masasayang sandali nila at ang ending hanggang ngayon si insekyorang asawa panay pangha-harass sa kawawang babae. Si lalaki? Andun na sa Canada! Dedma to the world, out of coverage area! May mga anak ka at may asawa ka. Ayusin mo muna ‘yun. kung ‘di mo na kaya humiwalay, magtrabaho, kumita ng pera para mas masaya. Mas masaya ang may pera kala mo ba? ‘Di baleng walang lalaki basta may pera. ‘Pag may pera kahit lalaki nabibili. Hahahaha! Bottom line hija, tama na muna sa confusion mo. Solution muna sa unang problema mo. Good time lang habol niyang isang ‘yan sa’yo.

    90% good time, 10% p’wedeng nagsasabi ng totoo. ‘Wag kang padalos-dalos. Dapat nga sanay ka na sa mga babaero. Araw-araw ‘yan ang kapatintero mo.

    K.K.K. muna, Kim, ha? Kalma Kalma sa Kalandian

    Ngayon kung ‘di ka papapigil, sige larga, neng. Tapos balitaan mo na lang ako kung anong nangyari, ha? I’ll wish you good luck! Kailangan mo ‘yan!

    Sincerely,

    Chloe

     

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.