Job Well Done On Love
X

CHLOE'S INBOX

Job Well Done On Love

April 8, 2016

  • EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - JOB WELL DONE ON LOVE

    DJ Chloe,
     
    Isa ako sa nakikinig ng programa mo. I’m 33 years old. Hanga ako sa mga advice mo sa mga letter sender mo at ‘di ko naisip sa buhay ko na hihingi din ako ng advice. I’m a single mom, isa lang ang anak ko at siya ay lalaki, 12yrs old. After ko mahiwalay sa father ng anak ko way back in 2004, mag-isa ko na binuhay ang anak ko. Hanggang ngayon mag-isa ko pa rin binubuhay ang anak ko sa abot ng makakaya ko. Hindi ko sya pinagaral sa public school at kinaya ko sya pagaralin sa exclusive school because he needs special care. He was diagnosed with ADHD combined type. Being a single mom is not easy when it comes financially, emotionally and physically. Hindi ko din naman nakalimutan ang sarili ko, nagkaroon din ako ng boyfriend for 7 years, but our relationship ended 3 years ago. Then, I went abroad for awhile and when I came back here in manila I met a guy and hindi ko inaakala na ma-iinlove ako sa kanya. He was married but got separated 2 years ago. Bago ko siya nakilala, malapit lang siya sa bahay namin. Niligawan niya ako last December 2014 and dahil okay naman siya, sinagot ko siya last April. Sa umpisa ng relationship namin ok naman siya at kilala ako sa kanila pero hindi siya kilala sa amin dahil na rin sa sitwasyon nya at sa sitwasyon ko. Napag-usapan namin yun and okay naman, but habang dumadaan ang araw may mga natutuklasan ako sa cellphone niya na may katext siya at tumatawag sa kaniya yung girl kahit kasama niya ako. So, I started to ask him but siguro mas matimbang ako bnilocked niya yung girl sa facebook para hindi na namin pagawayan at nagpalit narin siya ng cellphone number and I felt relieved sa ginawa niya for me. Naisip ko mahal nga niya siguro talaga ako. He knows that I have my own savings and he is unemployed, at dahil unemployed siya at hindi naman masyado angat sa buhay, naiintindihan ko ang sitwasyon niya lalo na at nanggaling ako sa ganon. Binayaran ko mga utang niya, pinagawa ko ang bahay niya na ‘di natapos, shopping dito at shopping doon na halos kinompleto ko na din ang mga appliances niya sa bahay. Pinasok ko rin siya sa trabaho para hindi naman siya aasa na lang sa akin at para wala rin masabi ang pamilya ko kung sakali ipakikilala ko siya. Okay naman siya sa una, but there was another girl again. Nang dahil diyan, nag-resign siya para lagi na lang kaming mag-kasama. Happy kami at first but may ginawa na naman siya sakin. Gumamit siya ng isang cellphone number na kunyari naniningil ng utang sa kanya. Take note, with interest pa! So, I asked him kung magkano yung utang at interest and I will pay it later when I get home. But when I asked and tried to call the number, it cannot be reached na at hindi ko na ma-contact dahil binayaran ko na lahat ng utang nya. Alam ko wala na so when I went home, I asked him and nagalit siya sa akin. But at the end, umamin siya sa akin na siya ang may gawa at nahihiya na daw siya sa akin kaya niya nagawa yun. But since nakakaintindi ako at mahal ko siya pinatawad ko siya at sabi ko wag na niya uulitin yung ganun dahil walang isyu sa akin ang pera DJ Chloe. Lumipas ang mga araw at buwan nakikitaan ko na siya ng ugali sa mga pag-nagtatalo namin. Mahilig siya manira, sabi ko sa kanya pinaghirapan ko buuin ang bahay at gamit dito, ikaw naman sisirain mo lang. Hindi nya kasi pera ang mga pinambili at hindi ko pinulot ang perang pinambili ko niyan. Dugo’t pawis ang ginugol ko sa ibang bansa para kitain yan. Ngayon, so far may trabaho siya DJ Chloe. Ang kinikita niya ay maliit lang pero sabi ko basta may trabaho ka, okay na kaysa tambay. Sa dami na ata ng away namin dumating na ako sa point na wala na akong peace of mind. Hindi ko na din siya kaya pagkatiwalaan sa pera at sa trabaho na din siya nakikipag-flirt sa kahit kanino sa opisina. Hindi na ako makatulog at nahihirapan na ako sa ugali niya at puro na lang siya salita na babawi siya at ‘di na magpapasaway pero naniniwala ako sa sinasabi mo DJ Chloe na “Men don’t change, they just grow old”. Napagod na ako sa kakaunawa at napagod na ako sa ugaling ipinapakita niya sa akin na palaging nagsisinungaling at nangangako na aayos na pero hanggang salita lang. At this very moment DJ Chloe, sumusulat ako sayo dahil nakipaghiwalay na ako. Alam ko mahirap pero kailangan ko ito para sa sarili ko. Hindi ko pwede hayaan na malunod ako sa feelings ko sa kanya dahil may anak ako na kailangan buhayin at bata pa ako, DJ Chloe. Tinanggap ko na talaga ngayon sa sarili ko na malas ako sa lalaki pero sobrang swerte ko sa trabaho at negosyo pati na rin sa anak ko. Nagising na din ako sa katotohanan na ganon na talaga ugali niya, palaging na-wwalk out, at sinungaling pa rin kahit nahuhuli na. Kahit anong buti ko sa kaniya at sa pamilya niya, masasaktan pa rin talaga ako. Ako na din ang kusang lalayo, DJ Chloe. Sana DJ Chloe kung may idadagdag ka pa na aral na pwede kong matutunan sayo, bigyan mo ako. Ang hirap kasi mahal na mahal ko po siya pero sabi ko sa sarili ko na lilipas din itong sakit. Ganon talaga pero makakaya kong mag-move on. Sana mabigyan mo ako ng advice na galing sayo.
     

    Ms. Koala,

    I am happy that despite of loving this man so much ay nakaya mo siyang i-give up at pinagana mo ang utak mo. Hindi kasi lahat kayang gawin ‘yan.

    I don’t think you need an advise. You need an approval and approve na approve sa akin ang ginawa mo.

    It was enough that you have loved him, trusted him, and gave him more than what he deserves na kung tutuusin siya dapat magbibigay sa’yo. Staying with him will make you bleed for more.
    Sana lang kahit anong drama ulit ang gawin ‘wag mo nang balikan because you don’t deserve him. No one deserves a parasite. ;)

    Congratulations, Ms Koala! Job well done! :)

    Sincerely,

    Chloe

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.