CHLOE'S INBOX
Relationship Killers
April 14, 2016
-


Hi DJ Chloe,
Hello! Good noon. Please call me Jha, married for 10 years now. I hope you can give me a piece of advice. Actually, lately kasi is parang naging super selosa na yata ako sa hubby ko. Nasasakal na siguro siya. Minsan nagiging dahilan pa yon ng aming away. I can tell that maybe I am lucky because God gave me this kind of husband na mabait, pasensyoso, masipag, mapagmahal at responsible . Madami akong natutunan sa kaniya simulang maging mag asawa kami. Marunong sa pera at maayos sa bahay. Malaki ang tiwala ko sa kaniya kasi madalas naman niyang sinasabi na bakit kailangan pa mag hanap ng iba pare-pareho lang naman daw ang mga babae. Hindi siya mahilig sa facebook, kasi aksaya lang daw sa oras, ipahinga na lang daw niya kaysa mag ba-browse pa siya. Ni hindi nga siya mahilig sa mga gadgets. Nang mawala ko ang cellphone niya, ininsist ko talaga na bumili naman siya ng high tech na phone para hindi naman siya ma-behind sa mga ka-officemates niya. At doon na nga DJ Chloe, nag-umpisa ang facebook na ito. Kapag umuuwi siya galing office naka-facebook lang siya, naiinis ako minsan kasi kapag kina-kausap ko siya hindi sumasagot. Wala naman daw siyang mai-cocomment sa kwento ko. Kapag nag- tetext o nag-memessage ako sa kaniya madalang lang mag-reply, naiinis ako. Pero madalas niyang sinasabi na busy siya sa work at wala siyang time mag-open o mag-basa ng messages. Minsan pa nga kapag tumatawag ako parang galit pa ang boses niya. Kaya naiinis na rin ako kapag tinatawagan siya, na importante naman talaga ang sasabihin ko. Minsan kinalikot ko ang facebook niya, may nabasa akong messages. Casual conversation lang naman noong una pero later part nabanggit ng asawako sa girl na “Alam mo ba kung bakit hindi kita makalimutan kasi crush kita noong high school pa tayo.” The girl is already married na rin. Hindi nga siya nag-comment sa sinabi ng asawa ko. Parang nag-iba siya ng topic tapos cinut na rin niya ang usapan nila. Ang sabi pa ng asawako “Okay buh-bye! Ingat ka ha, bukas ulit!” pero hindi na nag-reply ang babae. Galit na galit ako DJ Chloe ng mabasa ko iyon. Sa akin hindi ka nag-rereply sa messenger, alam ko nababasa mo ang message ko kasi may nakalagay na “Seen”, pero dedma mo lang, nakuha mo pang mag-sabi ng ingat! Concern? Sabi ko bakit kailangan mo pang sabihin, past na naman yun. Kailangan pa talaga ipaalam sa girl? Nakalagay pa doon sa message niya na sa tuwing nag-babakasyon yung asawa ko, dumadaan siya sa bahay nila pero wala naman din daw siya. Hindi ko alam DJ Chloe, kung nabasa rin ba ng asawa ng girl yung conversation nila kasi hindi na sila friend sa facebook ng asawako. Parang block listed pa nga siya. Kasi hindi siya searchable sa account niya. Kapag account ko naman ang gamit ko nakikita ko ang account ng girl kahit hindi kami friends. Hindi ko maiiwasan minsan halungkatin yun. Naiinis ako DJ Chloe. Lalo na kapag nakikita ko sa Activity Log niya na nandoon yung name ng girl. Ang sabi niya hindi naman daw niya sadyang ma-pindot yung name ng girl. Sa sobrang inis ko rin sinabi ko sa kaniya na dapat inisip mo kung anong mararamdaman ko kung sakaling mabasa ko ang conversation ninyo? Kasi last year din after 16 years, nag-paramdam ang ex ko. Inaccept ko naman siya sa facebook kasi baka sabihin niyang bitter ako. Tutal pareho na naman kaming married kaya wala, as friend ok lang yun. Kaso iba naman ang intention niya, hiwalay na raw siya sa asawa niya. Naiinis ako kaya inunfriend ko na siya. Inisip ko trouble lang ang dala nito kapag papansinin ko siya. Ngayon nga ina-add na naman niya ulit ako sa facebook pero dinedma ko lang. Kagabi DJ Chloe, nagbasa ako sa google regarding sa mga asawang sobrang selosa, insecure at paranoid. Napa-iyak nga ako kasi naka-relate talaga ako sa blog na nabasa ko. Simula pa noong Sunday, hindi kami nag-papansinan ng asawa ko kasi napag-usapan na naman ulit namin yung girl. Naiinis na kasi ako. Limited nga lang angoras namin kasi pareho kaming may work tapos pag-uwi niya na sa cellphone lang ang mukha niya. I’m sorry DJ Chloe kung napakahaba. Sana mabigyan mo ako ng payo.
Hi Jha!
Normal ng problema yan ngayon. Yesterday, I was in a restaurant and I saw this couple having dinner and both of them were too busy in their own phones. They were not even having a conversation. Do you love your husband? If you say yes, then do everything you can to keep your marriage. According to you, he was the “almost“ perfect husband until you insisted on giving him or letting him buy a new gadget. And that’s where it began. Alam mo minsan, it’s much better if you don’t teach a husband who doesn’t have any interest in gadgets na matuto nito. Nung nauso ang text andaming mga babae ang nagkaproblema dahil nagkaroon ng textmate si mister and vice versa. Nang magka facebook, nagka-hanapan ang mga ex. We will never run out of reasons to drift away. To fall apart. And just as there will be never ending reasons why couples drift away. You, as a committed wife, should also be very vigilant and find ways on how you can bring him back to you. If you need to smash his phone to show him that you’re serious about this problem, do it! Kung mahal ka ng asawa mo, hindi ka niya ipagpapalit sa Facebook o sa Android. You can still turn things around. But nagging and paranoia won’t help. Nangyari na ang nangyari, solusyon ang kailangan.
Sincerely,
-
COMMENTS














