Because Honeymoon Stages Do Not Last
X

CHLOE'S INBOX

Because Honeymoon Stages Do Not Last

April 18, 2016

  • EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - BECAUSE HONEYMOON STAGES DO NOT LAST

    Hi, DJ Chloe!

    Good day everyone! Matagal na po ‘kong tagapakinig ng station niyong “Easy Rock” kasi I love 80s songs. Minsan na din po akong humingi ng advice from you, DJ Chloe at nagreact sa mga questions sa Samsimi. This is my story.

    I’m 28. Kinasal po ako last May 2015 sa three years kong boyfriend. Happy kasi tinupad niya ‘yung pangako niya na pag-uwi from abroad pakakasalan niya ko. Masaya kami lalo na’t biniyayaan agad kami ng baby. She is turning three months this month. Okay na sana kami but the problem is napansin ko sa husband ko na palaasa siya sa magulang niya. Sa kanila kami nakatira since November kasi nagresign na siya from abroad. Tricycle driver na siya now at ako teacher. Napansin ko lang parang wala siyang plan na bumukod kami. Ang dami niyang dahilan. Like ‘di ako marunong magluto at alam ko ‘yun. Pero pa’no ako matututo kung ‘di kami bubukod, ‘di ba? Tapos pansin ko din parang kunsintidor ang magulang niya sa pagiging alcoholic niya. Lagi namin ‘yun pinag-aawayan. One time nag-away kami. Kinampihan pa siya ng parents niya. Ako pa ‘yung naging kontrabida kasi mdalas uminit ulo niya. Nasisigawan ako, nasasabihan ng mga words na never ko narinig sa parents ko, sa kanya lang. Dumating sa point na parang sa mga 11 months namin bilang mag-asawa nagsisisi ako. Ganon pala talaga, ‘di mo makikilala ang tunay na ugali ng isang tao hanggang ‘di mo siya nakakasama. Ang mga biyenan ko mabait sila sobra. Kaya lang totoo pala ‘yung bihira lang ang magbiyenang magkasundo sa mga gusto. May time na kinokontra niya (mother ni husband) ‘ko lalo na pagdating sa baby namin. Feeling ko siya ‘yung nanay, ako parang wala lang sa bahay namin. Kapag umaalis kami like chek-up ni baby para ‘kong yaya ng sarili kong anak. Ayoko ng ganito, pero kapag sinasabi ko lahat sa husband ko parang ako pa ‘yung masama kaya minsan sinasarili ko na lang kung sumasama man loob ko. Even my family ‘di nila alam lahat. Kala nila masaya ‘ko pero sa totoo lang nahihirapan na ko makisama sa mga in-laws ko at sa mga ugaling nadidiskubre ko sa napangasawa ko. Gusto ko talaga bumukod kami. ‘Di naman problema bahay kasi may bahay na kaming pinatayo ng biyenan ko para daw ‘yun sa mga anak nila kapagnagasawa. Ano po ba dapat kong gawin? Thank you

    Ms. JL

    Dear Ms. JL,

    The bible said, marriage is not for the faint hearted. Hindi ito para sa mga taong madaling masiraan ng loob. Umpisa pa lang ‘yan. Patikim. It can only get better and it can only get worse. It all depends on you. Tama ka naman. Dapat pag mag-asawa ay bumubukod na. ‘Yan ang dapat. Pero kung bubukod kayo ‘di dapat sa property ng biyenan mo. Ganun din ‘yun eh. Lumipat ka lang ng bahay pero puder pa rin ng biyenan mo. Mahirap sa situation mo kasi asawa mo mismo walang paninindigan. Walang disposisyon. Walang backbone. Takot mahirapan. I always say this, I am the worst person to ask when it comes to this kasi ako I only have one solution to that; when it’s hot and starting to get a heat stroke I leave the kitchen immediately. See? It’s important na bago ka mag-asawa, you as a person, self sufficient ka. At alam ng mapapangasawa mong lalaki na ayaw mong pumisan sa biyenan mo. Klaro ka dapat dun. Minsan kasi akala natin porke nagtatrabaho sa abroad mapera. Dolyar din po ang gastos nila dun at sa totoo lang nakakaawa ang mga OFW natin kasi pag-umuuwi sila dito satin for good, minsan misplaced sila. Walang work. ‘Di makakuha agad ng work. Ikaw, dahil pinili mo ‘yan at wala kang naiisip na solusyon, eh pag tiisan mo ‘yan. Ngayon kung may brilliant idea ka, then influence your husband into making that big leap of leaving the puder of your biyenan. Mas madali kasi magreklamo eh, ‘di ba? Ikaw, let me ask you, what can you do as a wife?

    Ms. JL, you, yourself said mabait biyenan mo. Can’t you just be thankful that you have them as your biyenan? If I were you, barakdahin mo biyenan mo, kuhanin mo loob. Instead na pulaan mo ng pulaan. At least supportive sila sa inyo lalo’t ‘di niyo pa kaya at parehas kayong immature. That’s how I see you both, you and your husband.

    Sincerely,

    Chloe

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.