Too Young And Too Stressed
X

CHLOE'S INBOX

Too Young And Too Stressed

April 21, 2016

  • EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - TOO YOUNG AND TOO SRESSED

    Dear DJ Chloe,

    Just call me Rhia, 20 years old and I have a live in partner. Until now naman wala kaming problema sa relationship namin. Isa lang at wala ng iba pa, ‘yun ay ang parents ko. ‘Di ko alam, DJ Chloe kung ano ang dapat kong gawin. Ang asawa ko nagtatrabaho to provide my needs, our needs. Sapat lang ang kinikita niya para sa mga gastusin namin. Anyway, nakatira kami sa kanila. Dati kasi nangungupahan kami, they offered na imbis na magrent kami dun na lang sa bahay, magbigay na lang daw kami ng share sa bills.

    After seven months, lumalaki na bayarin namin. Although wala ng trabaho parents ko, sa’ming mga anak sila umaasa. Lagi kong napapansin na kapag napagbibigyan sila sa gusto nila, favorite ka nila. ‘Pagpumalya ka, katakot-takot na masasakit na salita aabutin mo. Ngayon, may hinihingi sila sa amin, ‘di namin maibgay dahil wala ng natitira sa amin, sapat lang ang budget namin. Palagi ako kinakausap at kulitin ko ang asawa ko na magbigay. Pinapaasa nila sarili nila na magbibigay kami. After all this time, sa kabila ng mga itinulong namin sa kanila, eto isusukli nila sa’min. They used to call me BATANG ALIPIN. Napakasakit dahil sila pa ‘tong humusga sa akin. Okay na sana kung sa ibang tao ko na lang narinig. Sinabi ko ‘yun sa asawa ko at nagalit siya. Ever since ‘di ako nagpaalipin. Ginagawa ko lang ang responsibilidad ko bilang asawa. Nang dahil lang sa pera, ginanito nila ‘ko.

    Ano po ba ang p’wede niyong maipayo sa’kin? Sana matulungan niyo ‘ko.

    Rhia

    Dear Rhia,

    At the age of  20 ganito na ang problema mo? At 20 dapat ine-enjoy mo pa ang buhay mo. But well, you’ve made a choice already. So kailangan panindigan mo na ‘yan. Mukha namang mabait ang partner mo and it seems supportive ka naman sa kanya. I only have one advise, bumukod kayo. Tapos ang problema niyo.

    Sincerely,

    Chloe

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.