CHLOE'S INBOX
I Thought He Left For Work Alone, That’s What I’ve Thought
April 25, 2016
-


Good day, DJ Chloe!
Gusto ko lang magpa-advice, kasi sobrang sakit na talaga ng ulo ko. Regarding sa father ng anak ko. Hiwalay na kami two years ago dahil nag-abroad siya at nakahanap na ng ibang kapalit dun. Hindi naman niya kami pinabayaan hanggang mag two years old ang anak namin. Nang malaman ko na may iba na pala dun, nagsimula na ang walang katapusang awayan dahil ‘yung babae din mismo ‘yung nagtext sa’kin tungkol sa relasyon nila. Gusto nila na tanggapin ko ‘yung sitwasyun at sabi din ng babae na ibabalik niya daw samin dahil pinalaki daw siya ng tama. Pero ‘di ko na din kinaya at umayaw na din ako sa sitwasyon. At magmula nu’n pati anak namin pinabayaan na niya. Halos mawalan na’ko ng pag-asa sa buhay dahil sa nangyari. Pangatlong asawa na niya din ako dahil palaging ang kwento niya sa babae daw ‘yung problema. Naging okay naman na kami ng anak ko kahit mahirap dahil tuluyan niya kaming pinabayaan. Nakiusap ako sa kanya nu’ng una na kahit pang-umpisa lang ay tulungan kami. Pero ‘di na siya nagparamdam pa. Mga ilang buwan ang nakalipas kinakamusta niya ang anak namin. Okay naman sa’kin kasi gusto kong lumaki ‘yung bata na may kinikilalang ama. Ngayon four years old na ‘yung anak namin. Nagkakaisip na at nag-uumpisa ng magtanong tungkol sa kanya kaya nagmessage ako sa kanya at sabi ko kailangan siya ng anak niya bilang ama. Pero parang wala lang sa kanya at ako pa sinisisi niya dahil nangyari daw ‘yun dahil hindi ko sinunod ‘yung gusto niyang setup noon–na tanggapin kong may babae siya du’n. Gusto ko lang po humingi ng advice, kung hayaan ko na lang ba siya, I mean, kahit anak namin ‘wag ko nang ipilit pa sa kanya? I-block ko na lang ba siya sa Facebook at tuluyang alisin na lahat ng koneksyon sa kanya at palakihin na lang ang anak ko kahit walang kinikilalang ama? Tutal masaya naman na sya at hanggang ngayon sila pa din nu’ng babaeng dahilan ng paghihiwalay namin. May anak na din ‘yung babae sa iba at malaki na at mas tinuturing niya pang anak ‘yung anak nu’ng babae. Please, DJ Chloe, gusto ko na din po kasing tuluyang matahimik at parang nagsasawa na din akong lunukin ‘yung pride ko para sa anak namin na parang wala namang halaga sa kanya. Itago niyo na lang po ang identity ko. Thanks and God bless.
Dear Shane,
Alam mo minsan ang mga lalaki ganyan. ‘Di naman lahat pero mostly. Kasalanan nila pero ibabalik sa’yo. Kaya never underestimate a man’s ability to make you feel guilty for his mistakes! Kasal ka ba sa kanya? If you are, reklamo mo sa DFA or sa OWWA nang mapauwi. There are legal ways and means of giving a person a good fight. It will just require time and patience. But as you’ve said gusto mo nang matahimik. Then simply delete them/him in your life. You won’t be affected or bothered by anyone without your permission unless it’s through legal process. Natural pag may magdemanda sa’yo maapektuhan ka, maiistorbo ka. Pero ‘yung mga ganitong sitwasyon, it’s your call. You want peace? Ignore them and just work with all your might and provide for your child. Karma has no deadline, you know. Nag-aantay na lang sila ng b’welta sa kanila. Ikaw? Wala kang ginawang masama kaya wala kang dapat ikatakot. Just ask God to always be with you, help you, guide you, and you’ll never go wrong.
Sincerely,
-
COMMENTS














