If He's Into You, He Won't Refuse You
X

CHLOE'S INBOX

If He’s Into You, He Won’t Refuse You

April 28, 2016

  • EASY ROCK - CHLOE'S INBOX - BETRAYAL AND INFIDELITY IN SECRECY IS STILL BETRAYAL AND INFIDELITY

    Dear DJ Chloe,

    Since this is my second letter, tawagin mo ulit akong “Miss Yonder” and for those who are not familiar, make a wild guess!

    Si Miss Yonder po ay madalas magcommet sa Chloe’s Inbox. High blood ‘yan sa mga lalaking walang paninindigan pagdating sa anak.

    DJ Chloe, okay lang na medyo harsh ang magiging payo mo. ‘Yun kasi ang pampagising sa nahihibang kong puso.

    Last year I met “Mr. De Makulangan” on online dating site. Sa loob ng anim na buwan madalas kaming nag-uusap at nagkikita through video camera. He’s a policeman, binata, at isang foreigner na nagwo-work at nakatira sa U.S.A.

    Ang usapan ay i-work out namin ang relasyon at sabi din niya na kasama ako sa mga travels niya sa mga ibang bansa dito sa Asia.

    DJ Chloe, nabigla ako nu’ng sinabi niyang kasama ako sa bawat tour niya kaya buong tapang ‘kong hiningi ang kanyang medical reports (for safety reasons).

    Nabigla din siya and he’s not happy about it. Ako lang daw ang gumawa noon sa kaniya. Sampal daw ‘yun, DJ Chloe.

    He was here in Hong Kong last month. Pero ‘di na siya nakipagkita sa’kin.

    DJ Chloe, mali ba ako? One week na siyang ‘di nagpaparamdam. At galit na rin ako. Plano ko na siyang i-block sa Facebook.

    Ang huling mensahe niya ay ganito,”‘di ako nangangako pero gagawin ko ang lahat na ibibigay sa’yo ang hinihingi mong medical report sa una nating pagkikita next year. Nandito pa rin ang gift mo walang expiration.”

    Thank you. Pasensya na napahaba na ang k’wento.

    Lagi po akong nakikinig sa Easy Rock.

     

    Miss Yonder,

    Para saan ang medical reports? Doctor ka ba at marunong ka magbasa ng mga ito? Bakit? May plano kang isuko ang bataan mo sa unang pagkikita niyo? At nagsisisguro ka na walang sakit si kuya? Hahaha.

    Siguro naman kahit sino eh mao-offend sa sinabi mong hihingi ka ng medical reports. Pero sa kabilang banda hindi naman dapat siya matakot kung wala siyang dapat ikatakot o wala siyang sakit na nakakahawa, ‘di ba? Natural lang na magsiguro sa panahon ngayon.

    Gaano ka kasigurado na he is what he says he is–a policeman?

    Oh well, since ‘di siya nangangako. Eh ‘di antayin mo siyang i-submit ang medical reports na ito. At habang nag-aantay ka eh isipin mo na rin na baka wala kang inaantay talaga. Kung gusto ka niyan talaga, makikipag kita ‘yan sa’yo ke may medical reports o wala! Napadpad na ng Hong Kong ni hindi man lang nag-alok kahit kumain kayo ng siomai o dimsum?

    Hmmmmm…. May duda ako, hindi ‘yan pulis.

    Sincerely,

    Chloe

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.