CHLOE'S INBOX
Sometimes What Makes You Happy Is Not A Valid Reason To Hurt Someone
May 20, 2016
-


Hi DJ Chloe,
It’s been a while since I asked you for an advice. Now, eto na naman ako at hihingi na naman ng mga payo sa’yo. I have a girlfriend now and we’ve been together for a year already.
We started out as friends hanggang sa naging close kami sa isa’t isa. Siya kasi halos ang kausap ko day and night after ng bad relationship ko a year and a half ago. Kumbaga eh, she had me at my worst. So naging malapit talaga kami sa isa’t isa. Until dumating ang time na tinanong ko siya na subukan namin na maging kami. S’yempre tumawa lang siya. May boyfriend kasi siya sa abroad. Ang sabi ko naman i-try lang namin ng one week. Kapag hindi naging okay ang setup tapusin na. So dumating ang one week at naging one month hanggang eto na nga, umabot pa kami ng one year and one month. The problem is may boyfriend pa din siya sa abroad na hindi niya mabitiwan. I know it is not about money kaya ayaw niyang bitawan ‘yung guy. Wala naman daw kasing masamang ginawa sa kanya ‘yung tao eh.
Actually, bago kami mag one year nalaman nu’ng guy ‘yung tungkol sa’min pero sila pa din until now at kami pa din. This December uuwi na ‘yung guy at alam ko na siya pa din ang pipiliin ng girlfriend ko. Now, what will I do DJ Chloe?
Mr. C
Dear Mr. C,
Hiyang ka talaga sa magulo, ano?
So alam mo talagang siya pa rin pipipliin ng girlfriend mo., did you ask her? Or assumption mo lang? Itanong mo kaya muna bago ka magdrama, malay mo, ikaw pala.
Ikaw ang third wheel dito. Ikaw ang intruder. Ano kaya kung ikaw ang mag give way? Nakakaawa na nga ‘yung isang guy eh. Naagrabyado mo na, gusto mo pa iwanan niya na?
You know, I do believe that people who are meant to be in your life will always find its way back to you. If she comes back to you, or chooses you over him, then she’s yours. If she chooses the right guy without batting her eyes, then you have to give way. She’s really probably into him and not you.
As for you, please make the right choices in life next time. So you’ll have a chance to change your life and what happens to you. Change your choices and you change your life. Masakit sa ulo ang magulo, try mo naman ang mapayapang buhay.
-
COMMENTS















