CHLOE'S INBOX
Open Your Eyes And Your Heart To What You Truly Deserve
May 24, 2016
-


Hi DJ Chloe!
I’m Eiram, 29 from Caloocan. Aaminin ko po hindi ako madalas nakakapakinig sa radio program niyo pero madalas po akong magbasa sa Facebook page niyo. I’ve been in a relationship for almost 10 years when something unexpected happened which really turn my world upside down. Nakabuntis po ang boyfriend ko ng iba. Maayos po kaming naghiwalay. Pinakawalan ko siya ng maayos kahit ga’no kasakit sa’kin. Naniniwala po kasi ako na we have to do what is right not what is easy. Sa ngayon po may anak na po sila. At hanggang sa ngayon po mahal ko pa rin siya at hindi ko pa rin po siya nakakalimutan. Ilang beses na po kaming muntik magkabalikan dahil po madalas silang maghiwalay ng asawa niya. Sabi niya po kasi hindi siya sigurado na kanya ‘yun dahil nu’ng time na nabuntis ‘yung girl is may ibang boyfriend po siya habang girlfriend pa po ako ng boyfriend ko. Kaya ngayon po nabubuhay sila sa hinala. Kapag naghihiwalay po sila sa hindi ko na mabilang na beses sa akin po siya lumalapit dahil ako lang daw po nag-iisang taong nakakaintindi sa kanya. At sa tuwing nangyayari po ‘yun tinatanggap ko po siuya ng paulit-ulit. Ang sakit lang po kasi kapag okay na sila wala na naman po ako sa picture. Ganun lang po ng ganun ‘yung cycle. Hindi po ako nakamove on kasi tuwing lalapit po siya sa’kin iniisip ko po na baka magkabalikan kami. Pero sa tuwing magkakabalikan din po sila palalim po ng palalim ‘yung sakit. Gusto ko po tanggapin na hindi talaga kami para sa isa’t-isa pero sa tuwing tatawag po siya hindi ko po siya natitiis lalo na po alam kong kailangan niya ‘ko. Ano po bang maganda kong gawin magtu-two years na po kaming hiwalay sa July pero nastuck pa din ako dito. Marami na po akong kaibigan at kakilala na nag-aadvise sa akin at sinusunod ko po ‘yun para sa ikabubuti ko pero tulad po ng sinabi ko kapag tumatawag at nagpaparamdam siya hindi ko siya matiis. Sana po matulungan niyo ‘ko. Ayoko na po ng ganitong pakiramdam. Thank you po sana masagot niyo po ako.
Eiram
Hi Eiram!
Hindi mo na dapat problema kung kaninong anak ‘yun. Ke sa boyfriend mo o hindi out ka na dun. As for him, karma niya na ‘yun for what he did to you. I cannot blame you if pinagmumukha mong yoyo ang sarili mo. Tatapon ka tapos hahatakin pabalik. Choice mo ‘yan eh. And no matter what I tell you at the end of the day, hanggat hibang ka jan sa ex-boyfriend mo, hindi ka pa rin titigil. I hope ‘di ka abutin ng 50-anyos sa ganyang setup. Sila mag-asawa na, may anak na, may pamilya na sila dahil magkasama sila, ikaw po? Anong papel mo sa kanila at sa sarili mong buhay? Being always there to comfort him, to offer your ears, and who not what else when he is down will never make you a great person. In fact, sinasayang mo ang buhay mo sa taong ito. Sana lang mauntog ka na. Wala kang utang na loob sa kanya na kailangan mong bayaran, okay? P’wede mong hindian. Kung ako nga sa’yo, ‘no, hindi ko na ‘yan kakausapin nor titingnan. Whatever he is into right now, all his troubles he brought it upon himself and he deserves it. Fix your life and decide to do it asap or now. You’re not guaranteed of tomorrow, my dear.
-
COMMENTS















