CHLOE'S INBOX
Children Are Meant To Be Debt Free
June 6, 2016
-


Hi DJ Chloe Happy Birthday! I don’t know if I’m doing the right thing but I just want your advice…
Lately po ay sobrang nalulungkot ako dahil sa mga sarcasm na natatanggap ko from my family. Dumating na ‘ko sa point na pakiramdam ko hindi ako mahalaga. Nagigising ako sa madaling araw at umiiyak dahil sobrang nasasaktan na ‘ko. Nagresign po ako sa pinagtatrabahuhan ko four months ago with my partner kasi we tried to join a networking business at the same time sobrang hirap po kami sa schedule dahil panggabi po. Hindi po kasi kami nakakatulog ng maayos pag-uwi ng bahay sa araw. Nu’ng time na nagtatrabaho pa ‘ko hindi po ako nakalimot sa tulong na dapat ko lang ibigay sa pamilya ko since ang kasama ko na lang po sa bahay ay ang bunsong kapatid at tatay ko. Kasama ko din po ang partner ko sa bahay. Kapag sweldo ko po intrega ng pambayad sa bills, abot sa tatay ko, at nag-aabot din po ako ng pera sa kapatid ko every cutoff dahil estudyante pa siya noon. Pero nu’ng umalis po ako sa trabaho ang dami kong narinig sa kanila although para sa kanila “joke lang” pero ang sarcastic eh. Tulad na lang po nu’ng isang beses na nagluto ako ng dinner for my family then dumating ‘yung bunso kong kapatid. Sinabi ko sa kanyang nagluto ako at kumain na siya. Ang sagot ba naman sa’kin, “ayan at ng magkasilbi ka naman.” Sobrang sakit, DJ Chloe, ‘di ko mahandle. Pati papa ko sarcastic din pagmay kausap siyang ibang tao at kasama niya ‘ko. May mga biro syang ‘di ko gusto tulad ng maganda daw ako kaso wala naman daw akong pera. ‘Yung isa ko namang kapatid na mas matanda sa’kin ang dami ding sinasabi. Kesyo ‘di daw namin ginagamit utak namen ng partner ko dahil sa pagsali namin sa networking business. DJ, malaki bang pagkakamali ‘yung mga naging choice at decisions ko? Ngayon po kakastart ko lang sa trabaho ko pakiramdam ko magiging okay na ulit ang lahat sa kanila dahil may silbi na ko ulit.
Miss P
Hi Miss P,
I feel sorry that this is happening to you. Alam mo, ako, I strongly believe na hindi obligasyon ng anak na bayaran habang buhay ang kanilang mga magulang. However, obligasyon ng isang magulang na siguraduhing fully equipped ang anak nila na sumabak sa bubay. It is every parents’ obligation to clothe, feed and send their kids to school so they will have a chance in life. Ngayon bilang anak, nasa’yo na ‘yan kung may awa ka at kunsiderasyon ka to give back to your parents. Pero as parents, we should not force our children na bayaran tayo sa pamamagitan ng buhayin tayo dahil pinag aral natin sila. Hindi po retirement package ang mga anak natin. Only if they can and they want to give us, kagustuhan nila. ‘Yang kapatid mo kung kapatid ko ‘yan hahatakin ko dila niyan sa sinabi niya sa’kin. At ora mismo ititigil ko ang pagbibigay ng pera jan. Ngayon pa lang makikita mo na, ingrato ang kapatid mo. It’s up to you if susuportahan mo pa or obligahin mo magworking student ng malaman niya ga’no kahirap kumita ng pera. Walang masamang karguhin mo sila. Pero tingnan mo balik sa’yo? Damn, if you do; damn if you don’t. It’s okay to help them but do not forget to put an expiration date. Paghandaan mo ang sarili mong pamilya. Paghandaan mo ang sarili mong retirement. Maraming magrereact, but your own family, your kids in the future, kung wala ka pang anak, at asawa mo, pamilyang binubuo niyo ang dapat unahin niyo. This happened para makita mo ang totoong kulay ng akala mo ay sasambot sa’yo. About networking, lumaki ako na networking ang nagpakain sa’kin at ‘yan ang unang trabaho na natutunan ko. Pero legit na networking, may produkto kang ibebenta. Kapag hihingan ka na ng pera tulad ng dyes or bente mil or ilan pa at kailangan may left and right. Mainam pang magpatwo gives ka na lang. Chances are scam ‘yan. Kahit kelan ‘di mo mapapantay ang left and right. Para lang makapag simula kang magnegosyo kailangan malaking pera agad ilalabas mo. Kalokohan ‘yan. Nothing beats hardwork. Walang shortcut sa buhay.
-
COMMENTS















