CHLOE'S INBOX
Enough Of The Toxic And Abuse
June 7, 2016
-


Hi, Ms. Chloe!
Gusto ko lang maghingi ng advice. I’m 34 years old, married, with two kids ages 11 and 7. AWOL police officer ang husband ko. Hindi na siya nagreport sa work since December 2013. Nagsasama kami for 11 years na. Nu’ng una okay, maayos siya. Nagpo-provide naman para sa mga anak ko pero may ugali siya na madaldal, mayabang, at mapanakit. Una pa lang kami nagsasama nasaksaktan niya na ‘ko physically and emotionally. Pero okay lang nagtiis ako para sa mga anak ko for finances. Pero may work kasi ako kaya parang okay lang kahit ‘di siya magbigay sa akin. Kaya lang naging mayabang dahil nga may pera. Naging palainom minsan nagpapaputok ng baril ‘pag nalalasing and worse naobserbahan ko na he’s using drugs. And nu’ng kabataan niya rin may history na siya ng ganoon. Meron siya nakalive-in before nu’ng bata pa siya, nagkaroon ng dalawang anak pero naghiwalay. Nasa babae ‘yung mga anak niya. The problem is, since nawalan siya ng work I’m the one providing. All though nagbigay siya ng pangdown payment sa school ng mga bata last year pero ang monthly noon ako na. Sinasabihan ko siya na magwork na pero ang dami niyang dahilan at laging galit. Last na nasaktan niya ‘ko nito lang last March at ang sabi ko sa sarili ko last na ‘to. Nagfile ako ng VAWC case laban sa kanya kaya lang wala pa desisyon ang court. Pinipilit niya ‘kong umuwi sa bahay at kalimutan na lang ang nangyari. ‘Di ko na rin kasi kaya makisama pa sa kanya. Nasa kanya pa ‘yung dalawang anak ko and I’m fighting for the custody. Kaya lang medyo matagal pa, mga 6 months pa. Ngayon hindi pa nae-enrol ang mga anak ko at sinasabi sa akin ng asawa ko na wala akong kwentang ina at pabaya dahil hindi ko inuuna mga anak ko. Nasasaktan ako, DJ Chloe dahil ba ganyan ang nangyari pabayang ina na agad ako. Need your advice. Thanks.
Hi Nancy,
Tama lang na iniwan mo na ang impyerno mong buhay. Kahit kailan physical abuse and verbal abuse should never be tolerated. By staying in an abusive and toxic relationship you encourage your husband to continue with such behavior dahil okay lang sa’yo. If you already filed for a VAWC case then you’ll just have to wait for the outcome. Matagal din ang mga kasong ganito siguro at abala sa oras, tyaga lang para magkaron ng kabuluhan ang pinaglalaban mo. It is never your fault that your kids are suffering for what is happening between the two of you. It is both your fault. Everytime naman na hindi nagpapakamagulang ang mga magulang at nagiging sakim na inuuna ang sarili nila at hindi iniisip ang kapakanan ng mga batang ginawa nila. Sila ang dapat sisihin sa kaguluhan ng buhay nila. Hindi ka masamang ina, naging mali lang ang pinili mong maging asawa. File ka na rin ng administrative case against your husband kung pwede kahit AWOL siya. Ireklamo mo na lahat, drugs, abuse, lahat para sumakit na ng todo ang ulo niya. And if you can, get all of your children. ‘Di baleng walang tatay basta may nanay. Pabayaan mo siyang sabihin na wala kang kwentang ina at pabaya. Depensa niya ‘yan sa kahunghangan niya. What is important is you know for yourself na hindi ka ganyan. Be ready na tatawagin ka niyan sa lahat ng pangalan at mumurahin ka ng lahat ng mura. Ganyan ang lalaking walang balls at babae lang ang kaya. Matalak pa sa bakla (Sorry po, no offense sa mga ka-pederasyon, mahal ko po kayo).
-
COMMENTS















