CHLOE'S INBOX
Your Honesty Can Be Of Help Or Not
June 23, 2016
-


Good morning po, DJ Chloe, and to all the listeners ng 96.3 Easy Rock!
Gusto ko lang po humingi ng advice about sa gumugulo sa isip ko today. Last week kasi nagstarbucks ako sa Festival Mall Alabang to unwind.
Then nakita ko po dun ‘yung husband ng cousin ko. May kasama po siyang babae at sigurado po ako na student po ‘yung girl kasi naka-uniform at suot pa ang ID. Pumapag-ibig po sila sa loob ng Starbucks. Panay po ang kiss nu’ng mister ng pinsan ko sa lips nu’ng girl. I’m sure nakita niya po ako kasi sa malapit lang po nila ako umupo.
Pero parang ‘di po niya ako nakilala. Last time na nakita ko sila mag-asawa ay nu’ng blessing pa ng second house ko five years ago. Sobra taba ko po noon e sobra payat ko na po ngayon kaya siguro ‘di niya ako namukhaan. Sad po ako ngayon kasi of all people ako pa po makakakita. Ayoko po sana makawitness ng ganun kasi it really broke my heart. Pasimpleng nakuhanan ko po ng video ‘yung sweetness nila. Tuwang-tuwa po siguro mga langgam sa Starbucks sa sobrang tamis ng public showing ng affection nila. Now, naiisip ko po, dapat ko po ba sabihin sa pinsan ko ‘yung nakita ko o pabayaan ko na lang? ‘Di po ako ganun ka-close sa pinsan ko pero I can’t deny na nalulungkot ako. Lalo na kapag nakikita ko po ‘yung pics nila dito sa Facebook na perfect family sila, DJ Chloe.
Mrs. Witness
Hi, Mrs. W!
I had a friend before, way, way back, I found out that her husband was cheating on her. We were really close so I told her about it. Alam mo nagalit siya sa’kin, hahahaha! My bad! Now I realized, things like that should be kept to yourself. Let them find out things on their own because eventually malalaman din nila ang totoo. Isa pa, talagang the wife is always the last to know! Meron nga, ‘di ba, nasa third floor lang daw ng building nila ‘yung babae. Third floor ha! Third floor!
If you tell her, kakayanin ba ng kunsensya mo na maghiwalay sila? May mga anak ‘yan na maaapektuhan, ‘di ba?
P’wede mo rin namang sabihin basta handa ka lang sa magiging resulta. You may or may not be able to help and they may or may not consider you being “concerned”.
Pray for it, Mrs. W. He’ll tell you what to do.
-
COMMENTS















