CHLOE'S INBOX
Chase Your Purpose
June 23, 2016
-


Hi DJ Chloe,
I’m an avid fan of yours lalo na dito sa Facebook kasi mas convenient sa akin ito. I just want to seek an advice or suggestion galing sa’yo pati na din sa followers at tagapakinig ng program mo. Hindi ito love life. But life itself. I am 30 years old, single, and still unable to achieve something to make myself satisfied. In short, wala pang nararating sa buhay.
I am a nursing graduate but under board. But I was able to work naman these past years, medical field naman. But just this month I decided to resign and make a make-or-break decision in my life. ‘Di ba usually sa nagreresign ‘yung may sure nang malilipatan na work. Pero ako nagresign ako dahil gusto ko lang kasi kailangan kong mag-isip tsaka mas nakakastress sa work ko. Not the work itself but the people around me and I am not happy the way they treat other staff like me. Bully at dinadaan sa seniority. Andun ‘yung panahon na ayaw mo ng pumasok o kaya papasok ka pa lang gusto mo ng umuwi. Nu’ng nagresign ako, nabunutan ako ng tinik. I feel so relieved. Anyways, ito na talaga ‘yung dilemma ko. Two weeks na akong bum but nag-aapply naman ako.
There was opportunity na dumating. Assistant nurse position bound to Saudi. Gusto kong tanggapin kaso half-hearted ako dahil three years contract siya. Akala ko usually two years lang. Tsaka ‘yung interview kasi via Skype with the employer daw. Kaso kami (applicants) lang nakavideo pero via chat naman ang usapan. Dun pa lang nag-alangan na ako. Natrigger ang pagkapraning ko na baka hindi safe kasi ‘di ko man lang nakita ‘yung nag-interview, which happens na siya daw ‘yung doctor at may ari ng pagwo-workan sa Saudi. So hindi ko na tinuloy at ayaw din ng tatay ko kasi Saudi nga daw. Daming negative feedback ‘pag Saudi, ‘di ba? I do have back up choices naman.
One is magtake ng review classes ng IELTS, mag-exam then apply for Canada, Australia or New Zealand kasi magandang future naman talaga ang offer nila. Kaso student visa lang ‘yun, mag-aaral ka ulit dun. So for me, hindi practical at sa totoo lang ayaw ko na mag-exam, exam. Nakakatrauma. So, nilet go ko na.
This time, ito na talaga ang choice ko. I wanted to go to abroad talaga kasi pakiramdam ko wala akong asenso sa Pilipinas. Tsaka I have this feeling in my heart na talagang pang-abroad ako. Nakausap ko ‘yung pinsan ko, nagbasic training classes siya kasi magbabarko daw siya. Graduate din siya ng nursing pero walang work experience. Then mag-aapply daw siya sa agency for a ship job. Iba-back up siya ng kuya niya, which happens to be a seaman. So nagkainteres ako. Hindi naman ako magpapaback up sa tito ko na kapitan at alam kong hindi naman niya din ako ire-refer. Kasi I talked to him kung anong maia-advice niya for me but disappointment lang nakuha ko. He said, hindi niya ito ia-advice sa’kin at mahirap sa barko. May age limit daw, etc. But I also talked to my friends, yes mahirap, kasi malungkot but ang pros nun kikita ka talaga at makakapagtravel ka pa ng free. So kahit against tito ko, nag-inquire pa din ako. Hopefully, ‘pag nakapasa ng medical, p’wede na mag-enroll. But ito na ang pinakadilemma ko. Ayaw ng tatay ko. Huwag daw akong magbarko. In short, mas gusto niya akong dito lang. Ayaw niya ‘ko suportahan. Hindi niya ako binigyan ng pang-enroll pero gumawa ako ng paraan.
Nagsabi ako sa tita ko na kapatid niya, pinahiram naman ako. Ito mahirap sa magulang ko, gusto niya siya lagi masusunod. I HAVE MY OWN LIFE. Para akong robot na sunud-sunuran. Imagine, 30 na ako pero ‘di ako naggrow. He always say, honor your parents kasi ib-bless daw ni Lord, etc. Maling interpretasyon lagi siya. He always wanted na siya masunod kasi pananagutan daw niya ako sa Panginoon. Tapos, ‘pag hindi siya sinunod laging may kaakibat na pamb-blackmail na kesyo ‘pag may nangyari daw masama sa kanya kasalanan ko daw kasi ‘di ako sumunod. Sumunod daw ako sa kanya kasi ‘yun ang tama; sa lahat ng kanyang own-design-rules. All my life, sinunod ko siya pero walang nangyari sa buhay ko. Napag-iwanan na ako ng batchmates ko. Oh wait, sinunod ko siya na magnursing ako kahit ang gusto ko talaga MassComm. I hate my life. Hindi ko ma-achieve ‘yung gusto kong buhay. Nakakamental torture. Please help. Thank you for taking time to read this long message.
Ms. Half-hearted
Hello!
At the age of 31, I packed my bags. I left my then two-year old youngest daughter to my mom and headed to Manila para hanapin ang kapalaran ko dahil malaki ang responsibility ng single mom. My kids are growing, they have to be in school, plus a whole lot of things every child needs.
Ayaw ng tatay ko, pero desidido akong mabago ang takbo ng buhay ko. Ikaw, ga’no ka kadesidido na mabago ang buhay mo? Are you ready to get inconvenient?
I experienced living in Carriedo, Quiapo, transferring from one bed space to another. I was waking up at 3am and going home at 9pm. Ready ka? Desidido ka mabago buhay mo?
At 31, I felt I was the ultimate failure amongst my siblings. Lahat sila may career, ako, nganga.
But I made a decision that things have to change. And I will try…
You said you resigned because you need to think and you’re getting tired. Walang perfect workplace eh. Lahat ng organisayon may sawa, may anaconda, may bulate, may higad, may linta. And everyday, you will be working with people that will get the better of you, mga taong gusto mong ibaon sa lupa.
What will get you through these things is your resilience and your decision to keep on going no matter how hard the situation is. I’ve had my shares of troubles in all of the organization I’ve worked into. I just look at the pics of my kids and I’m ready for battle again. “Bring it on.” ‘Yan ang motto ko. Besides, you know, when you have mouths to feed you can’t just quit. Magugutom ang mga anak mo eh. Hindi ganun kadali. Kaya kahit araw-araw kang pinapatay sa trabaho mo, laban pa rin. ‘Di p’wedeng magpatalo.
Ang letter mo, puno ng baka-sakali, mga choices mo na ‘di mo man lang sinubukan dahil “mahirap ang may exam”. Pero may gusto kang subukan, ‘di mo lang makumbinsi ang tatay mo na payagan ka.
May bala ka, ‘di lang baril. Ang difference nating dalawa? May anak akong bubuhayin, ikaw? Sarili mo nga lang bibitbitin mo eh, ‘di mo pa magawa.
Subukan mong kausapin ang tatay mo, ng maayos, ng may maayos kang mailalatag na gusto mo at plano mo at pangarap mo. Baka maintindihan ka niya at suportahan ka niya.
Tama ka, you have your own life. Until when are you going to allow other people to live it for you?
Hindi totoo na walang asenso sa Pilipinas. Meron, nagawa ko, nagawa rin ng iba. ‘Di ka pa lumayo sa mga mahal mo sa buhay, sa aborad, kahit may sakit ka papasok ka kasi nakakontrata ka. May sakit ka, alagaan mo sarili mo. You earn dollars, you spend in dollars, walang petiks dun. Pero kung tingin mo nasa ibang bansa ang kapalaran mo, DECIDE.
Get out of your comfort zone, dear. Sa buhay walang sigurado, pero may panalo. Nasa taong desidido.
Don’t hate your life, hate yourself for not doing the things that will give meaning to your life. And for believing that you can’t do things while and when you can. Life is short, live life to the fullest.
-
COMMENTS















