CHLOE'S INBOX
Love Is A Wonderful Thing
June 28, 2016
-


Good day, DJ Chloe!
Gusto ko pong i-share sa’yo ang situation ko. Hindi ko masabi kung problem ito or what. For me it’s a good feeling but it’s complicated. Hindi ko po dinedemand na mai-post ito sa Facebook. I just find you trustworthy for me to open up this kind of feeling. Hindi ko kasi masabi sa kahit kaninong friends ko kasi takot ako. I’m 39, single, and a breast cancer survivor. My last relationship was in 2006 pa. After that, ‘di na ako nagtry (wala din naman kasi nanliligaw sa akin, hehe) nagdecide ako sa sarili na magpakasingle na lang tutal masaya naman ako kahit kahit walang significant other.
Until last year may nakilala akong guy, during my lowest point, nu’ng nalaman kong maysakit ako. Lagi niya akong kinukumusta, inaalam niya ‘yung mga treatment na pagdadaanan ko, nagsh-share naman ako sa kanya. Nagsh-share na rin siya ng mga insights niya. I find him disciplined and gentleman, ganun lang. But as time goes by, naramdaman ‘kong nami-miss ko siya. Nilalabanan ko ang feelings ko kasi pakiramdam ko, mali. Una, pakiramdam ko napaka-selfish ko. He’s 10 years younger than me. Hindi ko kine-claim na gusto niya ako although may mga moves siya na naco-confuse ako. Ayokong isipin na gusto niya ako kasi pakiramdam ko hindi niya ako magugustuhan. Una na nga ‘yung age gap namin. Secondly, ‘yung kalagayan ko na nasa treatment stage pa rin.
Marami akong nababasa, okay lang magmahal kahit hindi ka part ng hapiness ng iba. Iyan ang nararamdaman ko ngayon. I want him to be with someone na mamahalin siya ng higit sa pagmamahal ko. Oo, masakit pero ayokong mag-assume na magugustuhan nIya ako. kahit pa nakilala na namin ang isa’t-isa. He’s living alone now, lagi ko sIyang naiisip. Kahit pilit kong i-divert sa ibang bagay ang utak ko hindi lumilipas ang isang araw na hindi ko siya naiisip. Gusto ko lang ma-assure na okay siya, masaya na ako dun. Kung makahanap na siya ng mamahalin, I wish him the best. Kahit masakit, kakayanin ko. Alam mo, DJ Chloe, hindi ko akalaing darating ito sa buhay ko. Na sa 10 years na wala akong ralationship, titibok pa pala ang puso ko sa hindi inaasahang pagkakataon at sa hindi ko inaasahang tao. I don’t know if this is selflessness or I’m just truly in love. Nagtataka lang ako kung bakit ngayon pa ito nangyari sa akin. Siguro nga, hindi ibibigay ni God ang mga pagsubok kung hindi natin kaya. DJ Chloe, thank you for spending time reading this.
Mel
Sorry Mel, I have to post this because I find it inspiring. J
Love is always a wonderful feeling. So why deprive yourself of loving someone? And besides, this love of yours is pure and not at all wrong. Kung ‘yun ngang mga wrong kind of love eh naglipana sa paligid at proud na proud pa sila sa mga sitwasyon nila, how much more itong sa’yo? Wala ka naman nasasagasaan, ‘di ba?
I admire you for being whole despite of your condition. I didn’t feel na you’re seeking for sympathy from anyone. Nagmamahal ka lang or maybe..humahanga ka lang.
My sister in law once told me , wala daw natatalo sa nagmamahal. So go ka lang, Mel. I-feel mo lang siya, mahalin mo lang siya kahit ikaw lang nakakaalam. ‘Di naman kailangan sigurong malaman niya. If he ever tells you he feels the same for you, then I believe you will be the happiest.
-
COMMENTS















