The Love You Think You Deserve
X

CHLOE'S INBOX

The Love You Think You Deserve

July 5, 2016

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---THE-LOVE-YOU-THINK-YOU-DESERVE

    Dear DJ Chloe,

    I don’t know how will I start my letter to you about what’s going on with my love life. I’m one of your longtime listeners since I was in college and I’m already a fan of yours. I used to listen in my car while I’m driving kaya lagi timing ang mga love story and advises mo na talagang nakaka-encourage. Matagal ko nang gustong sumulat sa’yo to hear your advice to me kaso hesitant ako dahil di ko alam kung paano ko papaikliin ang story ko. I hope na mabigyan mo ng panahon na mabasa ang story ko and ang mapapayo mo sa akin.

    For almost two years now, I had a friend or should I call a special someone. He used to tell me na “More than a friend, Less than a GF” pero parang higit pa kami sa mag-asawa.

    Dumating sa buhay ang lalaking ito ang isang malaking dagok na nasangkot siya sa isang criminal offense dahil sa sobrang malalapitin niya sa mga babae, dahil sabi niya mas marami siyang friend na babae na totoo kesa sa mga lalaki. Kaso ang nagiging effect naman sa aming mga babae na ginagawa niyang friend ay nagkakaron ng mixed signals, like me. Ang ginawa niya sa akin, he used to text and call me then biglang mahihinto, then bigla na namang babalik. Hanggang sa na-fall na ako sa kanya. Kaya nung nangyari ang criminal offense sa kanya, isa ako sa mga tumulong sa kanya. I supported him through-out at hindi ko siya pinabayaan. Then dumating sa point na he was put to jail at under trial siya. So, madalas ko pa din siyang pinagmalasakitan at lagi pinapanalangin at binibisita. Madami nang pagkakataon na lagi kaming may pagtatalo din dahil lagi ko siyang nahuhuling nagsisinungaling, even nung di pa siya nakakulong. Ngayong nakakulong siya, ganun pa din ang ginagawa niya. Pag nahuhuli kong nagsisinungaling, magagalit siya. Yun ang defense mechanism nya. But despite of that, I still love him that much. Pero wala kaming relasyon DJ Chloe, pero para din kaming may relasyon dahil we used to kiss on the lips at several times na din na may nangyari sa amin when he was still malaya. And now that he’s in prison, I visit him and care for him that much.

    Then napag-alaman ko na ung ex-gf niya dinadalaw din pala siya. Nagkaron sila ng confrontation dahil nakilala ako ng ex-gf nya at nag iiyak daw. Eh, ang tanung ko sa kanya,  “Ano ba meron sa inyo?”, sabi nya wala na daw sila nun at ung ex-gf niya. Gusto pa niya ipagpatuloy ang relasyon nila. Sabi naman ng special friend ko at ganun din ang sinasabi niya sa akin, na hindi niya daw alam ang kanyang magiging sitwasyon kaya natatakot siyang mag-commit. So, ang ginawa ko ngayon nag-paalam na ko sa kanya. I told him na di na ko mag-vivisit pa sa kanya. For almost three weeks na ngayon, hindi ko na siya binisita pero nagpupunta ako sa house ng parents niya at nakikibalita sa kalagayan niya dun.

    DJ Chloe, ang sakit dahil napamahal na siya ng sobra sa akin at masasabi kong ilang baldeng luha na ang nailuha ko para sa kanya. Pero parang hindi ko nakita ang appreciation at care niya sa akin, though sinasabi niya sa akin na mahal naman din niya ako pero di niya lang daw maipakita. Ang dami kong hirap at pagmamalasakit na ginawa para sa kanya. Pero kahit ibigay mo pala ng buong-buo ang sarili mo, I will still end up hurting and feeling taken for granted. How will I move on, DJ Chloe? Minsan gusto ko uling bumisita sa kanya pero sinabi ko na di na ko bibisita pang muli sa kanya. And it seems na parang kinalimutan niya ang lahat ng mga sacrifices na ginawa ko para sa kanya.. Madalas pa din siyang nasa isip at puso ko. I’m hoping na isang araw, gumising na ako. Gusto ko nang mawala ang nararamdaman ko para sa kanya. I hope hindi ka nabored sa letter kong ito and hoping that you’ll respond.

    Love,

    Angela

    Dear Angela,

    You think and care for him like you have an obligation to him. Sana ganun din siya sa’yo, no? Pero hindi eh… you love him so much. Imagine how much love you can give to the right person if you’re already loving the wrong person this much?

    Relationships or situations like yours, “No label”. Lalaki lang ang may advantage diyan, luging-lugi ang babae. Unless kakayanin mo not to care, not to love, not to even have any slight feelings. Pero hindi tayo programmed para sa ganyan eh. Nurturing ang mga babae, kaya every physical encounter, physical connection brings us closer to the man we love.

    If you really want something to happen in your life, like finding the right person for you, having someone loving you and committed to you like what and how you are to him, you have to put a stop with what you’re involved in. And that means totally letting him go, not even making any intentions of reaching out to his family just to find out how he is doing. Wala ka ng pakialam dun dahil, hindi ka nga niya pinapakilaman. Unless pinakilaman mo siya, gets mo? Ikaw na mismo nagsabi, “ Hindi ko nakita ang appreciation at care niya sa akin”.

    May gusto kang makita at maramdaman. At sa tagal ng pagkakaibigan niyo, with benefits at that, hindi mo naramdaman yun at nakita. Hindi mo talaga makikita yun at mararamdaman, because not even your good deeds and love and care and malasakit can make him love you the way you want him to.

    Tanggapin na natin to dear ha? Tama na. Mapagod ka na. Hindi ka nabubuhay para lang sa kanya. Masakit lang yan sa una, pero pag-nagawa mong I-let go yan at gawin ang tama, sasabihin mo sa sarili mo, “Anlaki kong tanga!”

    Let go. You’re only suffocating yourself, not him.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.