CHLOE'S INBOX
Women Can Deal With Betrayal But Not Men
July 18, 2016
-


Good day DJ Chloe!
I need some advice kasi napakagulo na ng buhay ko may ka-live in ako. 13 years na kami ngayon pero meron akong boy friend na mas bata sa akin ng four years. Hindi alam ng asawa ko na may ibang lalaki ako at hindi alam ng boyfriend ko na may kinakasama ako.
One year and one month na kami ng boyfriend ko. Nakilala ko ‘tong boyfriend ko thru chat gamit ang dummy account ko. Naging chat mates kami nu’ng nasa Saudi pa siya tapos nu’ng umuwi siya may nangyari sa amin pero alam kong may girlfriend siya nu’ng time na ‘yun. Hanggang sa lagi kaming nagkikita at pumupunta sa private place.
May girlfriend naman siya noon pero kalaunan nagbreak sila nito. Sabi niya sana ako na lang girlfriend niya. Ako naman si gaga pumayag. Hindi ko naman kasi akalain na aabot kami sa ganito nakikipaghiwalay na ako sa kanya kasi hindi ko maamin sa kanya na may ka-live in na ako .
Ngayon, nahihirapan ako kung paano ko sya hihiwalayan. Mahal ko ang ka-live in ko. Please, DJ Chloe help me. Ano ba ang dapat kong gawin kasi nagstart na siyang nagpa-plano para sa future namin? Ayoko na siyang paasahin at saktan kasi totoo siya sa feelings niya para sa akin. Salamat, DJ Chloe.
Keanna
Hi Keanna!
Wow! What a tangled web weave, ‘no?
I wonder sa’n galing ‘yung pagmamahal mo sa ka-live in mo na nagawa mo ‘to sa kanya and it seems na wala ka naman problema sa kanya because you didn’t mention anything. Any problem you might have with him, it seems you only got bored so you decided to play with fire and find out if you’ll get burned.
Eto na, eto na ang sopas kumbaga. Sakit sa ulo na ikaw naman ang gumawa. And you’ve been juggling time and affection and others people’s lives and emotions for more than a year already. What do you think of yourself? You’re playing god?
I’m sorry if I am becoming a bit judgmental. Human as I am I cannot contain myself kasi unacceptable, ate eh.
But you know what, kung ga’no mo kadaling ginawa ang gulong ito, ganoon din siya kadaling takasan. ‘Yun nga lang may mga masasaktan ka at maaring mag boomerang sa’yo ang pwede mong gawin sakaling maisipan ni boyfriend #2 na maghalungkat kung bakit mo siya gustong iwanan.
I can only suggest what to do but at the end of the day, you decide what’s best for you.
1. Disappear from boyfriend #2, make sure na hindi ka malolocate. That is if ‘yan talaga ang gusto mo at bumawi ka kay boyfriend #1. ‘Di ko alam papano, ikaw na mag-isip dahil masakit na sa bangs.
2. Disappear from both boyfriend #1 and boyfriend #2. You know why? Both of them do not deserve THIS and do not deserve YOU.
3. Tell them both. Whoever stays at tanggapin ka, eh di masaya. Pero ‘pag parehas ka naman na umbag. ‘Yan wala ka ng magagawa. Risky nga lang. You’ll end up losing both.
So decide. Sino ang kaya mong ilaglag? Boyfriend #2? P’wede. Kasi sabi mo you love your boyfriend #1 na ka-live in mo na for 13 years. ‘Pag nalusutan mo ‘to sana umayos ka na. Dahil baka either sa kangkungan ka pulutin or sa morgue. Tayong mga babae we can deal with betrayal but not men it’s a big blow sa pagkalalaki nila ‘yan.
-
COMMENTS















