ATM Girlfriend
X

CHLOE'S INBOX

ATM Girlfriend

August 4, 2016

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---ATM-GIRLFRIEND

    Dear DJ Chloe,

    Call me “Bebang”. Share ko lang ang feelings ko. Nakipagbreak ‘yung boyfriend ko sa’kin. Wala na daw siyang feelings sa’kin. Naobserve daw niya ang changes mula sa’kin. Naging madalang daw ang commumication ko sa kanya! Which is true kasi nasanay na ‘ko na kapag may material things siyang need dun lang niya ako maalala. Ang sakit pero ‘yun talaga feeling ko. Ika nga “ATM” lang ang peg ko sa kanya but it’s true. Nag-ugat itong break- up na ‘to dahil may hinihingi siyang booking sa isang kilalang hotel sa Pasay na ‘di natuloy kasi fully booked na. Nagrequest siya na cash na lang at i-deposit sa account niya pero ‘di ko pa napadala dahil masama din ang pakiramdam ko at wala din akong taong mautusan. Nagulat ako, after two days nakipagbreak na siya sa’kin ng ganun lang. Dahil sa material things aaminin ko, DJ Chloe minahal ko si g*go pero trapo lang pala ako sa kanya. Marami din akong nagastos sa kanya! Hahah! Masakit pero dapat ko na din wakasan near future baka mamulubi din ako sa kanya. Tama ba desisyon kong patulan na lang trip niya? Masakit pero time will come hihilom din ‘yung pain sa heart ko.

    Yours truly,

    Bebang

    Dear Bebang,

    Napaka kapal naman ng mukha nitong si boylet mo! Kasing gwapo ba ito ni Derek Ramsey at ganyan na lang magdemand?

    Alam mo, noon pa, alam mo na ‘yan na pera-pera lang ang peg ng lalaking ito. Ang lalaki kapagmahal ka talaga mahihiya manghingi ‘yan sa’yo. He will gather all his courage para lang masabi sayo na he needs help financially.

    So tama na ang maling paniniwala na may patutunguhan ‘tong relasyon mo sa kanya, actually meron, for as long as you can afford it. Hanggang kailan? Ang pera nauubos din ‘yan.

    If I were you, let him go so you can start healing yourself. I am pretty sure hindi ka pa naman ubos. ‘Wag mo nang antaying maubos ang pera mo diyan kasi walang kabusugan ‘yan. Baka pati panty mo maipa-eloys mo dahil lang diyan sa taong ‘yan.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.