CHLOE'S INBOX
Words Are More Painful
August 10, 2016
-


Hi, DJ Chloe!
I’m one of your avid listeners. Gusto ko lang po sana humingi sa inyo ng advice. Gusto ko lang sana tanungin ‘yung opinyon mo kasi lahat ng taong nasa paligid ko ay kontra sa desisyon ko. I am married for 10 years. Mabait at responsable naman ang husband ko. Masaya naman ang pagsasama naman. Ang problema ko lang sa kanya ay may pagkatanga siya. As in tanga na parang minsan hindi nag-iisip. Sorry for my word. Everytime na magkakaroon kami ng misunderstanding ay regarding lang naman dun. Parang ayaw niya ng pinagsasabihan ko siya at ayaw niyang tumanggap ng pagkakamali. Lagi kong pinipigilan ang sarili ko na sabihan siya ng ‘tanga’. Pero one time ‘di ko na talaga napigil, nasabi ko sa kanya ‘yung word na ‘yun at nagalit siya.
Siguro sa sobrang emosyonal niya na din hindi niya na napigilan ang sarili niya na saklutin ‘yung bibig ko. Nasaktan ako sa ginawa niya. As in masakit physically. Sa ngayon hindi kami nag-uusap for almost five days na. Paalis na siya papuntang ibang bansa. At sinabi niya sa’kin pati na sa parents ko na pag-uwi niya ulit ay dun muna siya sa kapatid niya tutuloy. Lahat ng tao sa paligid ko pati na pamilya ko, especially magulang ko sinasabi na mali ako at ako ang dapat humingi ng sorry sa kanya. Galit pa po kasi ako hanggang ngayon dahil nkikipagtiisan din siya sa akin. Sinabi ko din sa parents ko na hahaayaan ko muna siya as gusto niya mangyari. Nagagalit sila sa akin dahil baka daw pagsisihan ko ang desisyon ko. Ano po ba ang dapat kong gawin? Sa tingin niyo po ba ako nga ang mali at dapat humingi ng sorry sa kanya or hayaan ko na lang siya sa gusto niya mangyari? Naiinis din kasi ako parang hindi talaga marunong mag-isip. May mga anak kami para magdesisyon siya ng ganon. Parang hindi niya na inisip ‘yung pamilya niya para sa pag-aaway naming iyon ay hiwalayan agad ang naiisip niyang gawin. Maraming salamat po sa inyo, DJ Chloe. Sana po mabigyan niyo ‘ko ng advice para matimbang ko din ang sitwasyon.
Chabelle
The Bible says, “a gentle answer turns away wrath, but a harsh word stirs up anger…”
You said, tanga siya. Hindi kaya mas tanga ka dahil pumatol ka sa tanga? Masakit ‘di ba? Kung nasaktan ka sa sinabi ko malamang nasaktan din siya sa sinabi mong tanga siya.
Siguro kung talagang tanga siya bilang asawa, help him to process the things he can’t process in his mind alone, ‘di ba? Kasi ang kahihiyan ng asawa mo kahihiyan mo rin ‘yan.
Sinasabi mo na parang ‘di siya nag-iisip dahil hiwalay agad ang gusto niya samantalang may mga anak kayo, eh masyado mo namang natabig ‘yung ego ng asawa mo eh. Ikaw naman, lalaki ‘yan eh. Wala ka namang ibang reklamo maliban sa medyo mahina siya mag-isip. Pero nakakapag-abroad siya ha at nagtatrabaho dun. ‘Di bale na sigurong may katangahan ang kasama ko ‘wag lang babaero, sugarol, batugan, ‘di ba?
Sinabihan mo siyang tanga at masakit ‘yun, nasaklot niya bibig mo at nasaktan ka. Wala na sakit sa bibig mo pero ‘yung sinabihan mo siyang tanga, for life niya dadalhin ‘yun. Ikaw sa tingin mo? Sino mas dapat mag-sorry sa inyo? Kung tingin mo importante mga anak niyo sa inyo at tingin mo simpleng bagay lang para maging rason ng paghihiwalay mo, ‘di kaya dapat sa’yo manggaling ang pagpapakumbaba? At ikaw ang maunang humingi ng dispensa?
-
COMMENTS















