It's Always The Choices You Make
X

CHLOE'S INBOX

It’s Always The Choices You Make

August 10, 2016

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---IT'S-ALWAYS-THE-CHOICES-YOU-MAKE

    Hi, DJ Chloe!

    Can you me give some advice? I’m making a big decision right now. ‘Di ko po talga alam ang gagawin. I found out na ang asawa ko po ay may kabit.

    I accepted the fact na hindi niya basta-basta matatalikuran ‘yung girl kasi may anak sila. As days went by, nalaman ko buntis ulit. Five or six month na ‘yung tyan. Sabi nu’ng girl sa asawa ko nga daw ulit ‘yun. Worst DJ Chloe, lalo na umamin sa’kin ‘yung pinsan niya na matagal na nilang alam. Nameet na rin nila ‘yung babae. In fact, nakasama na rin nila sa mga pasyalan. Wala silang magawa dahil ayaw nilang makialam. Feeling ko talaga pinagkaisahan ako. DJ Chloe, never ko pong nakita ‘yung kabit niya. Gustong-gusto ko po puntahan at ilampaso ‘yung makapal niyang mukha. Kinausap ko po ‘yung asawa ko. Ayaw po niya maghiwalay kami. Mahal daw niya ako kaso nalagay lang po daw siya sa sitwasyon na ganito. Gusto po niyang unawain ko siya. Ang importante nasa amin po daw siya at priority daw po niya kami. Nagbibigay lang daw po siya ng support  sa babae. Nakokonsensya daw po siya at nasira daw niya ang buhay nun. Hindi naman daw po kasi alam ng babae na pamilyado siya kaya pinatulan siya. Tingin ko po sa sitwasyon ng babae na ‘yun na pumayag na lang maging kabit dahil wala na po sumusuporta sa needs niya at ng mga anak niya. May unang anak po kasi ‘yun sa dating asawa niya. Dagdag pa na bukod sa maliliit pa mga anak niya, buntis pa siya. Gusto ko pong ilagay sarili ko sa katayuan nila para maunawaan ko po bakit nagkaganito kami. I’m planning to file a legal na hakbang against them pero nauunahan po ako ng konsensya. Tingin ko po sa kanila mga taong nasukob ng kasalanan at ‘di na makaahon. On the other side, bilang bawi ng asawa ko pinatayuan po niya kmi ng bahay. ‘Yung pangarap naming bahay noong nag-uumpisa pa lang kami. Good provider po talaga ang asawa ko. Sayang lang kasi almost perfect na sana kami kung ‘di lang siya nagka-anak sa iba. Thanks, DJ Chloe. I hope mabigyan po ninyo ako ng payo.

    MISS M

    Dear Miss M,

    Mukhang resolved ka naman na with the fact na accepted mo na ang setup niyo. Paano ba? Weekdays sa’yo, weekends sa kabit?  Buong sweldo sa’yo, allowances or any “unmarried” money, eh sa kabit?

    Legal holidays like February 14, December 25, sa’yo? February 13 or 16 or December 26 onwards sa kabit?

    Mukhang resolved ka na dun eh. You have actually justified his actions by telling me or us na pinatayuan ka ng bahay despite and in spite of. And you believe na siguro wala ng matakbuhan ‘yung kabit dahil may unang anak at naanakan ni mister mo tapos ngayon buntis na naman sa mister mo. So malamang wala na nga siyang magawa din sa sitwasyon niya kaya kumapit na lang din sa asawa mo. Para dalawahan siya ng asawa mo? Hindi na aksidente ‘yun. Nag-enjoy na asawa mo sa kanya. At nag-eenjoy siya dahil pag ‘di pwede si kabit, andyan si asawa. Masakit, pero ‘yan ang totoo. And!!! You allow it, you made it so easy for him.

    Ewan ko ba, maybe you have your reasons for staying. And I can’t blame you for that. Pero ‘wag nating sisihin ang lalaki sa paulit-ulit na mga pangg*g*go nila sa tulad niyong mga babae kasi hinahayaan niyo, inaabswelto niyo. Again, I do not know your reasons but you won’t get any sympathy from me.

    I am so blessed God made me this strong  and God granted me this kind of life I have. That even if I have failed so many times in my past relationships I was able to pull myself out of a despicable situation and made something out of myself para hindi ako mag settle sa kaisipang  “sa akin naman siya umuuwi, nasa’kin naman ang sahod niya, sa akin naman siya kasal.” I thank God I don’t have a life like yours.

    Again, I can’t blame you for your reasons and for the choices you made. It’s only you and the rest of your life who will deal with it and no one else.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.