Single Mother Stories
X

CHLOE'S INBOX

Single Mother Stories

August 23, 2016

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---SINGLE-MOTHER-STORIES

    Hi, DJ Chloe!

    I need an advice. I’m 18 years old and single mom. I have a one-year old daughter. Sobrang hirap po pala magpalaki ng isang anak lalo na sa ganitong edad. Wala na po akong mother. Ang hirap po pala ng walang katuwang sa pagpapalaki ng isang anak, DJ Chloe. Kinaya ko po lahat halos araw-araw umiiyak ako kapag naaalala ko ang mother ko. Palagi po kasi akong pinagsasabihan nu’n nu’ng buhay pa siya na kung mag-aasawa daw po ako ay ‘yung may trabaho at kaya akong buhayin.

    My problem is biglang nag message sa’kin ung dad niya gusto niya kunin sa’kin ‘yung bata at ‘di ako pumayag. Ang sabi niya baka daw nahihirapan na ako sa bata mas makabubuti na lang daw na siya na magpalaki sa bata. Kasi sigurado daw po na kaya niya ibigay lahat ng needs ng bata. Ayoko pong mawalay sa’kin ang anak ko, DJ Chloe. Please, I need your advice.

    Nel

    Dear Nel,

    Mga ibang tatay talaga, oo. Gustong kunin ang bata. I do not understand this logic. Bakit hindi tumulong sa nanay ng bata na lang kaya at magsuporta?

    Lahat na yata ng mga palibreng ama na nalalaman ko eh ‘yan ang rason. Ibigay ang bata sa kanila. Samantalang p’wede namang tumulong. What is PHP1,500 or PH2,500 to start with bilang tulong sa babaeng ginawa mong ina ng anak mo pero ‘di mo pala planong gawing asawa mo? Ngayon kung ikaw mismo maiinsulto sa “tulong” na ibibigay mo eh pwede mo namang dagdagan ‘pag nakaulwag ka na ‘di ba? Kasi wala nang mas sasama pa sa amang tinalikuran ang anak. Dinig ng langit ang iyak ng batang tinalikuran ng sarili niyang magulang (general na ha, kasi may mga ina din na tinatalikuran ang kanilang anak.)

    Nel, you can actually seek legal help for this. Lalo at 18 ka pa lang at walang trabaho malamang. Maari mong obligahin ang ama ng bata na magbigay ng suportang pinansyal sa’yo. ‘Yun nga lang matrabaho ng konti at bibigyan mo talaga ng panahon.

    Unang step, check with DSWD kung paano ka nila matutulungan. Second, may mga women’s desk centers na rin tayo. Ito ang nakita kong link kung ano ang mga hotlines nila. Subukan mong humingi ng tulong or magtanong kung paano ang pwede mong gawin. Si Duterte na ang presidente natin. Maraming nagbago at magbabago pa J

    http://www.pcw.gov.ph/directory/vaw-hotlines

    Nel, kung nahihirapan ka na buhayin ang anak mo mas magiging mahirap para sayo na mawalay sa’yo ang anak mo. Isa lang ‘yan. Bata ka pa kaya mong igapang ‘yan. Sana matuto ka na. ‘Wag ng mag padalawa pa. Hindi ko sinasabi na ‘wag ka nang magmahal pero this time gamitin ang utak ‘wag puro puso dahil may anak ka na.

    Kung ibibigay mo siya sa ama niya, isa lang na rason ang katanggap-tanggap para sa’kin. ‘Yan ay kung terminally ill ka, bilang na ang mga araw mo, at wala ka talagang mapag-iiwanan sa anak mo kundi sa ama niya. Pero habang kaya mong buhayin ang anak mo dapat nasa’yo siya. Mawala na lahat ng lalaki sa mundo pero ang anak mo, anak mo. Dapat nasa’yo siya.

    Siguro naman you have relatives? For now, kailangan mo ang pagdamay nila, tanggapin mo ‘yun.

    Wala na akong magagawa sa sinabi ng nanay mo na hindi mo sinunod. Ito lang ang kaya kong idugtong, nagkamali ka na, hija. Nangyari na. Pero alam mo marami pang bukas na darating sa’yo, do’n mo itama ang lahat.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.