Be The Only Woman
X

CHLOE'S INBOX

Be The Only Woman

September 6, 2016

  • EASY-ROCK---CHLOE'S-INBOX---BE-THE-ONLY-WOMAN

    Hi DJ Chloe,

    Gusto ko lang po humingi ng advice kung mababasa mo po ‘tong message ko. I’m Annabel, 26 year old. I’m a single mother. Hiwalay na kami ng father ng anak ko almost 8years ago. Maaga po kasi akong naging ina pero ‘di kami naikasal. Tapos after noon nagkaboyfriend ulit ako and then four months lang break up po ulit ang nangyari. Then nagwork po ulit ako after ng second break up namin. The third guy I met at my work place was already married and he has one daughter. From the start he told me anything about sa naging buhay niya sa wife niya. In short, ‘di na sila masaya puro away daw nangyayari. Sweldo lang niya ang habol ng wife niya. Anim na beses na din sila naghiwalay pero ginagamit ng wife niya ‘yung anak nila para bumalik lang siya. Then eto na nga nagkagustuhan kami sa isa’t-isa, nagmahalan kahit alam naming mali. Anim na buwan, patago lahat hanggang nagsama kami. Sa ngaun mag-iisang taon na kami. DJ Chloe, I really love him pero ang daming hadlang sa side niya. Pinipilit niyang lumaban dahil nahihirapan siyang i-let go ako. Nahihirapan din po ako kasi ‘yung wife niya nagbabanta na ipapakulong kami pagnalaman o napatunayan niyang may affair kami. Mahal namin ang isa’t-isa,  DJ Chole. Gusto ko pong humingi ng payo kung tama bang i-let go ko siya para maayos pa ‘yung pamilya niya. Para na din sa ikakatahmik ng lahat. At magmove on na lang ako kahit sobrang sakit. DJ Chloe, please I need an advice. Sana po ‘wag na lang pong i-public ang name ko. Salamat po.

    Annabel

    Dear Annabel,

    I think it’s very unlikely to find or meet a man who wants or is womanizing ,and yet patronizes his own wife . Obviously and it’s actually the common practice of all men to bad mouth their own wife just to make you believe that he is kawawa and that you are way, way better; and that the wife is nothing compared to you. You know what they’ll usually tell you? Bungangera asawa niya, puro lang pera (seriously though sa dami ng bills at obligasyones nila sa buhay at kulang naman binibigay niya aba’y talagang the wife will mutate into something else). Ano pa ba? ‘Di marunong magluto, nabuntis niya lang, hahahaha! Or ‘Di niya mahal, kaya sila nagsasama na lang dahil sa bata, ‘di niya maiwan dahil sa mga bata pero ikaw ang mahal niya and so on and so forth! Ultimong si Rizal bubuhayin nila sa kwento nila makuha ka lang! Alam mo, I do understand. You have probably learned to love him and maybe he loves you too na rin pero ‘di pwede neng eh. He is very much married and he doesn’t have any plans for you except to make you his “kabit”. Dare him to leave his wife for you, I’ll bet all my pairs of wedge shoes, he won’t leave her. Promise.

    CHLOE'S SIGNATURE

  • COMMENTS

We use cookies to ensure you get the best experience on EasyRock.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.