CHLOE'S INBOX
Teach Them How To Fish
September 27, 2016
-


Good morning, DJ Chloe!
Just call me Mar po!
Full-time mom and housewife. Ang husband ko is a seaman. Matagal na din ako nakikinig sa mga advice mo. Talaga namang ang galing mong magpayo. 14 years married na po ako. Ang problem ko po ay ang side niya. DJ, tama po ba na kami lang ang laging susuporta sa nanay niya dahil siya ang bunso? Sinasabi nila kesyo asawa ko daw po ang malaki ang income. Opo, DJ, malaki nga pero may bahay po kaming hinulugan at may sasakyan na ginagamit kong panghatid-sundo sa mga anak ko. Minsan ginagamit ko ding pang deliver ng orders sa online business ko.
Nagsideline po ako ng kahit ano. Online seller po ako ang kinakasama po ng loob ko, DJ Chloe, bakit parang lahat na lang pamilya niya ‘pag nangailangan ay tutulungan namin. Sa tagal na pong nagbabarko ng asawa ko, DJ, halos lahat na sila ay nabigyan ng pangpuhunan, hiram na walang balikan. ‘Yung isa nga po ay tricycle na binigay para tulong sa pang araw-araw nilang gastusin. DJ Chloe, nagsimulang magbarko asawa ko pamilya ko ang tumulong ngpahiram pera panggastos niya. Kahit po pambili ng maleta pamilya ko. Pero tuwing nadating siya ang pamilya ko halos wala po siya binibigay kahit anong pasalubong. Halos lahat po ng sampu niyang kapatid kahit mga anak niyan at mga apo ng kapatid niya meron. Tama po bang sumama ang loob ko?
Nagkabahay kami dahil sa kapatid ko. Kinolateral niya ang lote niya para maloan namin ang bahay na ngayon ay tinitirahan namin. Nanganak po ako, premature ang babyu, kapatid ko pa din ang nilapitan ko, DJ Chloe. Siya pa din po nagpahiram ng pambayad sa hospital para sa baby namin. Ang kinakasama ko po talaga ng loob, bakit po tuwing magkakasakit ang anak ko, na-ICU ‘yung eldest ko at ‘yung bunso ni wala man lang tulong kahit ‘di po financial, DJ Chloe, support lang po. Kahit sabihin na sila muna magbantay at umuwi muna ‘ko at magpahinga, wala po niyan, DJ. Pero pagdating ng asawa ko nandito silang lahat kasama mga anak, apo, asawa at ‘yung hindi nakakapunta ay pinapadalahan pa po namin ng pera. Wala po akong katulong, DJ. Ako lahat gumagawa sa bahay at ito pa po ang byanan ko lagi kong kasama sa bahay pag naalis asawa ko.
Alam ko pong may hinanakit ang kapatid kong laging natulong samin. Feeling ko, DJ, nasasakal ako dahil sa tuwing umaalis ako ang byanan ko tanong ng tanong sa mga kaibigan ko kung saaan daw ako napunta. DJ, naalis ako para mamili ng order sa’kin at magdeliver. Alam niya ‘yun. Tuwing sasabihin ko sa byanan ko, ako pa masama. Nagsusumbong siya sa mga anak niya, bakit po ganun? Ako po ba ang may mali? Bakit sa aming apat na manugang niya, ako lng palagi nakikita ng iba niyang anak na babae? Lahat po ng anak niya my mga trabaho, may mga anak na nakapagtapos na sa pag-aaral. Kami na lang po ang may seven years old na anak. Halos lahat sila ay may apo na.
Need ko po talaga ng advice mo, DJ Chloe. Pero pag ang nanay ko nandito samin naririnig ko sila nag-uusap sila. Ayaw nila napunta o natira nanay ko dito. DJ Chloe, nag-iipon lang po ako ng pera para ‘pag dumating ‘yung time na pagod na ‘ko sa pamilya niya iiwanan ko na lang asawa ko dahil parang wala naman siyang ginagawang aksyon kahit alam niya ang nangyayari. Andyan pa ang sinisiraan ako, na kesyo may lalaki at kung ano-ano pa. Mahal ko po asawa ko pero pagod na po ako makisama sa pamilya niya.
Dear Mar,
Sa totoo lang, ‘yung mga ganitong problema hirap na hirap ako kung anong sasabihin ko sa’yo. Saludo din ako sa’yo. Nakatiis ka na ng medyo mahabang panahon. Ako kasi walang capacity magtiis. Manipis ang pasensya ko. So when I feel inconvenience I leave without any warning.
Ito ‘yan eh, you have chosen this person you married and no matter how much people say na ‘yan ang pinakasalan mo at hindi pamilya niya, wala kang choice. Makikisama ka. Lalo pa sinanay mo na okay lang sa’yo ang mga ginagawa nila. At sinanay mo rin ang asawa mo na okay lang sa’yo ang ginagawa niya.
We teach people how they should treat us, that’s what I know.
The only solution to your problem is to sit down with your husband at mag loka-lokahan ka na pagod ka na at eto gusto mo at eto ayaw mo. If it works, ang hirap niyan, girl. Para may magbago sa buhay niyo o kalakaran ng buhay niyo, kailangan mo ng drastic change. Drastic decision at isang malaking desisyon na gusto mong may magbago sa takbo ng buhay niyo. Parang ginagawa ni Digong sa Pilipinas. It takes just one decision.
Mahal mo ang asawa mo, ‘di ba? Pero naiisip mo na siyang iwan, you can do that. Why not? But before you do that exhaust all efforts in making him understand na nababaliw ka na sa nangyayari sa inyo. Bago ka magwalkout.
I’m not sure if I made sense. ‘Pag-usapang asawa at byenan, isa lang solusyon ko lagi magwalkout. But that’s me, you are not me.
-
COMMENTS














